chapter 108

206K 5.1K 183
                                    


Note: may SPG po dito ng very very light.

Frits's pov;

Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin. This is me! Yung mukha na walang make up. Walang wig na suot. at lalong walang suot na damit pang babae. Wala din ako'ng nakadikit na eye lashes extension. Ako na ulit 'to bilang Frits Santiago. Ilang beses ko'ng pinag masdan ang sarili ko sa salamin. Finally after four years na pagtitiis. Mukhang babalik na ako sa pagiging macho at gwapong lalaki. Dahil natupad na ang gusto ko'ng mangyari ang malaman ni Ally ang katotohan. I'm sure nagsisi na ngayon si Ally sa nagawa nya noon. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pagtitig ko sa sarili ko. nang mapagpasayahan ko'ng magbihis na ng damit. Nakaboxer short lang kasi ako habang walang suot na pang itaas. Habang kinukuha ko sa cabinet ko ang susuotin ko'ng damit. Narinig ko ang pagtunog ng doorbell sa labas. Agad akong nagsuot ng t'shirt at agad na lumabas ng kwarto upang pagbuksan ang nasa labas.

"Aish! Si tita sheena talaga! Gabi-gabing nakikibalita sa'kin. Parang pulis eh,"bulong ko,

"Sandali lang po tita!"sigaw ko. Ilang beses na pinidot-pindot ang doorbell. Napangiti ako dahil baka kasama ni tita ang anak ko na si john Ace. At nilaro-laro ang doorbell,

"Tita Sh-----?"
Nanlaki ang mga mata ko ng magulat ako sa taong nakatayo sa harap ko si Allyson. Lasing na lasing. Halos Nakasandal na ito sa gilid ng pintuan.

"Bakla... Magandang gabi. Hindi mo ba ako papasukin?"tapos pasuray-suray itong naglakad papasok sa loob. At humiga sa sofa ko. Agad ko'ng isinara ang pintuan ng bahay. At nagmadali akong tumakbo sa kwarto ko upang magmake up para hindi ako makilala ni Ally,
Nagmadali ako'ng nagpahid ng lipstick sa labi ko at naglagay ng wig. Maglalagay pa sana ako ng face powder ng biglang sumulpot si Ally,

pumasok ito sa kwarto ko at Lumapit s'ya sa'kin.

"Bakla! Wag ka nang mag make up. Kamukha mo pala ang asawa koo." tinanggal nya ang suot kong wig. pagkatapos ngumiti s'ya sa'kin. Habang ang mga mapupungay nyang mga mata ay nakatitig sa'kin,

"Ayan! Kamukha mo na ang husbie koo!"

Ilang beses akong napalunok. Habang Nakatitig sa kanya. Ang mga mapupungay nyang mga mata. at ang mapulang labi nya ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko s'yang halikan ngayon. "Shit!! kung pwede lang sana.."

Naglakad s'ya patungo sa kama ko at Nahiga. Inalis ko na ang make up ko at ang lipstick ko. Lasing na lasing naman si Ally kaya hindi nya maa-alala ang lahat. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko s'ya.

Sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit mapagmamasdan ang asawa ko habang natutulog. "Psh!! I missed her. ."

"F-Frits Sorry. . ."sabi ni Ally habang nakapikit. Maya-maya bigla na itong umiyak.

"I'm sorry! I wasn't able to believed you. . I'm sorry dahil pinahirapan kita. Ang tanga ko! Ang tanga ko!"dugtong pa ni Ally.

Huminga ako ng malalim at umupo sa katabi nya. At hinawakan ko ang isang palad nya at hinalik-halikan ko iyon. Na miss ko rin ang gawin sa kanya 'yon.

"Don't cry my wife. ."anas ko habang nakatingin sa kanya. Wala na akong pakialam kung malaman nya ang totoo. Ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi ko na kayang pigilan pa ang kumakawalang damdamin ko. dulot ng pangungulila ko sa kanya. Maya-maya bumangon si Ally sa pagkakahiga at humarap sa'kin. "FRITS?"sabi nya. Hinawakan nya ang mukha ko. Habang ang mga mata ni Ally ay nag-uumpisa na namang mag high tide ng dahil sa luha,
"FRITS IKAW BA YAN?" Muli nyang tanong. Tumango ako sa kanya. Pagkatapos bigla akong niyakap ni Ally ng mahigpit. "I'm sorry Frits." Sabi nya habang naiyak s'ya. Hindi ako kumibo. Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kanya habang nakapikit ako.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now