chapter 167

150K 3.9K 702
                                    


Frits's POV

"Daddy!"tumakbo papalapit sakin si John Ace at Jhoace. Habang umagos ang mga luha nila. Niyakap ko sila ng mahigpit dahil sa pagkahabag sa kanila at pangungulila sa kanila.

"My Babies.. Nandito na si Daddy."sabi ko. Habang yakap-yakap ko silang dalawa.

Inangat ni Jhoace ang mukha nya at tumingin sya sakin. "Daddy! Umalis na po tayo dito please!!"

"Anong nangyari sa inyo?"hinawakan ko ang mukha nilang dalawa at ang mga braso nila. may mga paso kasi sila ng sigarilyo at mga pasa sa mukha at katawan.

Nanginginig naman sa takot si Jhoace habang nagsasalita. "D-Daddy! S-sinasaktan po kami ni Tita Samara! Salbahe po sya!"palahaw na iyak ni Jhoace.

"Daddy! Umalis na tayo dito. Papatayin po tayo ni Tita Samara! Ang Sama nya po."dugtong pa ni John Ace.

"Niyakap ko ng mahigpit ang mga Anak ko. Sa ganong paraaan  maibsan nila ang takot na nararamdaman nila. "Mga Anak ko. Pagbabayarin natin ang Tita Samara nyo sa ginawa sa inyo sinisigurado ko yan sa inyo."

"Kamusta ang Muling pagkikita nyo ng mga anak mo Frits?"bungad ni Samara.

Kuyom ang kamao ko sa galit
Matalim kong tinitigan si Samara habang nilalapitan ko sya. "Walang hiya ka!! Papatayin kita!! bakit mo sinaktan ang mga anak ko!!"sigaw ko habang gigil na gigil kong Sinasakal si Samara.

"Bitawan mo akoo!! Nasasaktan na akoo! Fritss!"

Sa sobrang galit ko sa kanya. hindi lang sakal ang nagawa ko. Nasuntok ko din sya sa t'yan nya ng dalawang beses. Hindi ko na inisip na babae sya. parang gusto ko ng pumatay ng Tao dahil sa nakita kong itsura ng mga Anak ko.

"Zach!!! TULONG!!"naririnig kong sigaw ni Samara. Habang sapo nito ang tyan nya sa sobrang sakit.

"HAYUPP KA!! BAKIT PATI MGA ANAK KO DINAMAY MOO!! HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD!"sigaw ko pa.
aakma ko pa sana syang Lapitan upang saktan ng biglang bumukas ang pintuan. Isang putok ng baril ang pinakawalan ng lalaking pumasok. Sa taas ng bubong nya iyon pinaputok
Huminto ako at agad kong pinuntahan ang kambal kong anak na nanginginig sa takot
"It's Okay nandito si Daddy."sabi ko. habang pilit na pinakakalma ang mga anak ko.
Nahahabag ako sa kambal kong anak. Napakabata pa nila para sapitin nila ang ganitong Gulo. Siguradong magkakaPhobia sila sa nangyari.

"Samara! Anong nangyari sayo!"inalalayan ito ng lalaki at inilabas ng silid si Samara.

"Daddy! ayoko na po dito natatakot po ako."ani Jhoace.

"Daddy! Umuwi na tayo sa bahay natin. Please!" Ani John Ace. habang walang patid ang mga luha nya.

Niyakap ko ng mahigpit ang dalawa kong anak. awang-awa ako sa kalagayan nila.
"Dont worry Baby.. aalis tayo dito. Makakalabas din tayo."

Ramdam na ramdam ko ang takot nila nanginginig ang buong katawan nila kasabay noon ang garalgal na boses nila.

Nakakulong kaming Tatlo sa isang silid. Habang natutulog ang dalawa kong anak habang nakayakap sila sakin. Halos madurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko sila. Ang dami nilang paso sa katawan at mga pasa . habang pinagmamasdan ko sila unti-unting nabubuhay ang galit ko kay Samara. Hinding  hindi ko sya mapapatawad dahil sa ginawa nya sa kambal kong Anak. kahit minsan hindi pa nakakaranas na mapalo ang kambal kong anak samin.  tapos sa ibang tao lang pa sila makakaranas ng pagmamaltrato. Dahan daaan kong hinagkan sa noo ang kambal kong anak habang natutulog sila. "Mga Anak ko.. Hinding hindi na ako papayag na masaktan kayo ulit gagawa ako ng paraan para makatakas kayo dito."bulong ko. Pagkatapos tumayo ako upang maghanap ng maaring paglabasan ng namin maliban sa pintuan na nakalock. Ngunit nakailang ikot na ako. Wala talagang pwedeng paglabasan kundi ang nag iisang pintuan. wala kasing Kahit Bintana ang silid na yon. Muli akong bumalik sa kinahihigaan ng Mga anak ko. Ilang sandali pa narinig kong binubuksan ang pintuan ng Kwarto. Matalim akong nakatitig sa taong papasok sa kwarto.  salubong ang kilay ko ng makilala ko ang pumasok si Samara may kasamang tatlong lalaki. Nakatitig sya sakin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 2 (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now