Chapter 59

17.2K 595 96
                                    

Silhouette

"Omygosh, this is so beautiful!" naiiyak na sambit ko habang nakatingin sa painting na nasa harapan ko.

Dinala ako ni Third sa isa pang bahay niya kung saan matagal na niyang hindi ginagamit, dito rin daw nakatambak ang iba niyang sasakyan.

"Ofcourse, it is beautiful, you are the model," he said while smiling.

Dinamba ko siya ng yakap dahil sa sobrang tuwa. Sobrang ganda ng painting, parang totoong totoo.

"Who painted this?" nakangiti kong tanong.

"Kuya Trigger's wife, Miracle," sagot niya.

Napanganga ako sa tuwa. "Wow, so she's a talented woman. Ang galing galing naman niya," natutuwang saad ko.

He kissed my forehead gently. "I'm so glad you liked it."

"No! I love it!" tili ko.

He chuckled while hugging my waist.

May sasabihin pa sana ako nang biglang tumunog ang tawagan niya. Pinagmasdan ko siya habang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Oh, baby, I have to take this call for a minute. Stay here," bilin niya sa akin.

Nakangiting tumango ako bago siya itaboy papaalis. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pinagmasdan ko na lang ang magandang painting sa harapan.

"I can't believe that he did this for me, inabala niya pa talaga si ate Miracle," I whispered softly.

Lumingon ako sa paligid at napansin na marami nga talagang nakatambak na sasakyan dito. Napatawa na lang ako, ang yaman talaga ng lalaking 'to. Lahat ng kotse dito ay ginto ang presyo.

Naglakad lakad ako para bilangin kung ilang sasakyan ang napabayaan na, at nakuha ng atensyon ko ang isang sasakyan sa kalayuan.

Kumunot ang noo ko at nawala rin ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang van na 'yon.

A black van.

Kinakabahang humakbang ako papalapit sa puwesto ng sasakyan.

"Hindi ba't laging may van dito na patambay-tambay? Tingin ko ay isa 'yon sa salarin!" rinig kong sabi ni  manang Maricel sa mga kapulisan habang iniimbestigahan siya nito.

Ibinaba ko pa ang sumbrero para matakpan ang mukha ko.

"Naaalala mo ba kung ano ang plate number?"

"Naku! Hindi na po, pero 'yung dalagang nakatira dito oo. Siya pa nga ang nagkuwento sa akin, kaya lang ay hindi ko na alam kung nasaan siya."

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko nang tuluyan ko nang malapitan ang itim na kotse.

Tinakpan ko ang bibig ko para iwasan ang mapahikbi nang mabasa ang plate number nito.

It was the exact plate number of that van. VIP 958.

Paano napunta ang sasakyan na 'to dito? Bakit pagmamay-ari ito ni Third?

Humahagulhol na napahawak ako sa pader na katabi para alalayan ang sarili. Naninikip ang dibdib ko, pilit kong inaalis ang mga negatibong bagay sa loob ng utak ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis ang mga 'yon, ang katotohanan na may kinalaman si Third sa pagkamatay ng mga taong mahal na mahal ko.

"Silhouette."

Galit na nilingon ko ang lalaki sa likuran. Halata ang gulat sa mukha nito nang makita akong umiiyak.

Papalapit na sana siya sa akin pero mabilis akong umatras. "No! Huwag na huwag kang lalapit sa akin!"

Nakita ko ang pagdaan ng kirot sa mga mata niya. Pero wala na akong pakealam doon.

"B-Baby, what's happening?" Sinubukan niya muling lumapit pero agad ko na siyang sininghalan.

"I said don't come near me!" umiiyak na sigaw ko.

Nanginginig ang mga kamay na tinuro ko ang van sa likuran. "That v-van, pagmamay-ari mo ba 'yon?"

Lumingon siya roon bago dahan dahang tumango. Mas lalo akong naiyak sa pagkukumpirma niya.

"38 people died on street Lazaro, they were massacred by unknown p-people. Tell me, anong kinalaman mo sa krimen na 'yon?!" pagpapatuloy ko.

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya.

"Baby, p-please, let's talk about this. Hindi 'yung g-ganito, I'm afraid you might run away from me, p-please?" nagmamakaawa niyang untag.

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.

"I'm asking you, T-Third. May pagkakataon kang tumanggi at umamin sa akin, kaya nakikiusap ako sa 'yo, s-sagutin mo ang tanong ko," garalgal ang boses na pagmamakaawa ko sa kaniya.

Niyuko niya ang ulo, napasabunot siya sa sariling buhok bago umiiyak na humarap sa akin.

"I w-was there," he said.

Kumirot ang puso ko sa narinig, pati na rin sa tono ng boses niya.

"What the hell are you doing there, Third Kaizer Knights? Answer me!" dagdag ko.

"B-Baby, please, huwag tayong mag-away," puno ng pagsusumamong saad niya.

Napatingala ako habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.

"O-Okay, so let me settle this one, Third. A-Ayokong mag-isip pa nang mas malala, maybe, you were there dahil napadaan ka lang. T-Tama? 'Di ba? Wala kang kinalaman doon, tama ba ako?" I asked him with full of determination.

He didn't kill them. He's not the suspect, Silhouette. Hindi niya magagawa 'yon.

Napatulala ako nang manatili siyang walang imik sa sinabi ko. He didn't even confirm what I just said. Wala siyang sagot.

"Why are you so quiet? Your s-silence is scaring me, Third. Umamin ka na lang sa akin, mahal ko, w-wala kang kasalanan doon 'di ba?" pag-uulit ko.

Pero mas lalo lang siyang natahimik.

Hindi ko na naiwasan ang pagbiyak ng boses ko. "Bakit hindi ka nasagot? D-Did you really killed them?"

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang unti unti siyang tumango.

"I d-did, baby. I did. I killed them," umiiyak na pag-amin niya.

'Yon na lang ang huling narinig ko bago ako mawala sa realidad. Bumilis ang paghinga ko, sinusubukang ipilig ang ulo para mawala ang mga iniisip ko.

He admitted the crime he did. He admitted it.

"Baby, I'm s-sorry." Nataranta ako nang humakbang siya papalapit sa akin.

"N-No, don't you ever dare to come near me, Third. Nakakadiri ka, d-demonyo ka, kinamumuhian kita!" galit na sigaw ko.

"Paano mo nagawang patayin ang mga taong wala namang ginawang masama sa 'yo?! They're all innocent! How dare you kill them! Wala silang kalaban laban sa inyo, s-sa 'yo," nanghihinang saad ko.

"I can't believe that I love a man like you. You're disgusting," madiin kong saad bago tumakbo papaalis sa lugar na 'yon.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now