Chapter 56

17.4K 540 80
                                    

Silhouette

Bumangon ako mula sa kama nang makitang pumasok si Third sa kwarto. Bitbit niya ang tray na may lamang pagkain.

"Para saan 'yan?" takang tanong ko.

"For you, you haven't eat anything since yesterday. You're stressing yourself, Silhouette," malamig na saad niya bago ilapag ang tray sa kama.

Napanguso na lang ako habang pinapanood siya na handaan ako ng pagkain. Maingat niya akong hinaplos sa pisngi bago tinuro ang pagkain na nasa harapan ko.

"Kumain ka na?" malambing na tanong ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin. "Eat."

Ngumiti ako nang matamis bago ngumuso, tinuro ko ang kutsara at tinidor sa kaniya.

"What?" nakakunot ang noo na tanong niya.

"Subuan mo ako, tinatamad ako," sagot ko. Nagkunwari pa ako na nanlalanta.

Gusto ko lang naman siyang lambingin.

He chuckled unbelievably bago ako halikan sa labi. "I got it. Sit down."

Excited na napapalakpak ako at buong pusong tinanggap ang nakahanda sa aking kutsara na may lamang pagkain.

Ang sarap sarap talaga niyang magluto. Pwede na siyang maging tatay ng mga anak ko.

Advance dapat tayo mag-isip, kasi baka may umagaw pa dito. Mahirap na. Montevero lang ang puwedeng mapangasawa ng isang Third Knights. Ang aagaw, puputulan ko ng paa.

"My good girl," he said while smirking nang maubos ko ang pagkain.

Inabot niya sa akin ang baso ng juice kaya naman ininom ko na rin 'yon. Ngumiti ako nang matamis nang halikan niya ako sa noo.

"Salamat, boss," bulong ko bago humilig sa dibdib niya.

"You're always welcome, baby. Come on, let's watch a movie together."

Inalalayan niya ako sa pagbaba ng kama. Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa sala.

Siya ang umasikaso sa lahat ng kailangan habang nakaupo lang ako sa sofa. Pinagmamasdan ko siya habang pumipili ng magandang movie na pwede naming panoorin.

He's really sweet. Kaya mahal na mahal ko siya, hindi niya ako iniiwan sa panahon na kailangan ko siya.

Hindi ko na ata kayang magmahal ng iba pang lalaki bukod kay Third. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya.

"That's a romcom, don't worry," he told me nang makaupo na siya sa tabi ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang doorbell. Kumunot ang noo ko bago lumingon kay Third.

"Who the hell is that?" galit na tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Halika, tingnan natin."

Mabilis kaming tumayo sa kinauupuan bago lumapit sa pintuan. Nasa likod ko siya at parang handa nang pumatay. Napailing na lang ako bago buksan ang pintuan.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang nasa harapan.

"What the hell are you doing here, Stanley?" galit na tanong ko.

Dad chuckled. "Wala man lang bang welcome para sa akin? Minura mo agad ako."

Yumukom ang mga kamao ko sa galit. "Wala kang espasyo na bahay na 'to, lumayas ka sa harapan ko!"

Umiling lang ito. "Galit na galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon, I just came here to talk to you, Silhouette. I know that Pow Pow died. I just want to help you when it comes to money."

Nagtagis ang bagang ko. "Tangina mo! Ngayon ka lang lalapit sa akin?! Anong kailangan mo?!"

"Hey, calm down. I'm--"

"Leave, before I kill you," matigas na banta ni Third na nasa likuran ko.

Nakita ko ang paglingon ng tatay ko sa kaniya. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nakatingin kay Third.

"Third Knights?" Stanley uttered his name.

Lumingon ako kay Third na mukhang nagulat din nang makita kung sino ang kaharap.

Natikom ang bibig ni Third bago ako lingunin. "I'll l-leave for a while, baby. Call me when he's gone"

Nakatulalang tinanguan ko siya at pinanood siyang lumabas.

"Who's that guy?" tanong ng tatay ko. May bakas pa rin ng pagtataka at gulat sa mukha niya.

Sarkastiko akong tumawa. "You uttered his name already, yet you're still asking me?"

Napahilamos siya sa mukha. "No, I'm asking kung sino siya sa buhay mo, Silhouette. Bakit kasama mo ang lalaking 'yon? Is he your boyfriend? Your husband?"

Tumango ako. "Asawa ko. Nagpakasal kami pero 'di kita inimbitahan."

He looks surprised. "He's your husband?! Oh fuck. Ang lakas talaga ng kamandag natin, Knights 'yon."

Umirap ako. "Manggagamit ka talaga. Baka mamaya huthutan mo ng pera ang asawa ko? Kaya siguro tumakas 'yon dahil alam niya ang kulo mo."

Inambahan niya ako. "Ang sama ng ugali mo. I came all the way here to talk to you about your life, kulang ka ba sa pera ngayon? Kaya kitang bigyan."

"May asawa na ako, hindi kita kailangan. At bakit ngayon ka lang lumapit sa akin?" matapang na tanong ko sa kaniya.

He sighed heavily. "I just want to help you, Silhouette. Hayaan mo na akong tulungan ka."

Nagtagis ang bagang ko. "You left me, back then, Stanley. You left us, when mom died, hindi mo ako tinulungan. Iniwanan mo ako nang mamatay si mama kaya paano kita pagkakatiwalaan ngayon?! You made me join that agency, kinailangan kong ilagay sa panganib ang buhay ko dahil kailangan kong mabuhay. Nasaan ka ng mga panahon na 'yon?" umiiyak na singhal ko.

Lumungkot ang mga mata niya, pero wala na akong pake sa nararamdaman niya.

"Leave, Stanley. Hinding hindi kita kakailanganin sa buhay ko, kahit kailan. Kinaya ko na wala ka, at patuloy kong kakayanin dahil isa ka lang walang kwentang tao sa paningin ko."

Bumuntong hininga siya bago ako titigan nang malalim.

"Someday, you'll be able to understand that I did that for you. You'll understand everything soon, Silhouette. Hindi ko pa puwedeng ipaintindi at ipaliwanag sa 'yo dahil masasaktan ka lang. I'll let him explain everything to you, dahil alam kong sa kaniya ka lang makikinig. But for now, hahayaan ko na magalit ka sa akin, hahayaan ko na magtanim ka ng sama ng loob. Pero mahal na mahal kita, Silhouette, take care my dear daughter," pagkasabi niya non ay bigla na rin niya akong tinalikuran.

I even saw his bodyguards accompanying him on his car.

Natulala na lang ako hanggang sa pag-alis niya.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now