Chapter 1

32.3K 938 58
                                    

Athelia


Inis na naglakad ako palabas ng dressing room dito sa mall na 'to. Bakit ba kasi ako ang napiling magbitbit ng free taste na kapeng 'yon, hindi ba nila alam na ang pinaka-ayoko sa lahat ay magbitbit ng mabibigat na bagay?

"Just chill, delta Athelia. Isipin mo na lang na para sa mission natin 'to." Napatingin ako sa taong nasa tabi ko, when he lifted his head, lihim akong napairap.

"You suits your dress well, delta Alpha. A janitor, huh? Not bad for a coward like you," madiin kong sabi rito bago siya iwanang tulala sa kawalan.

Naglakad na ako patungo sa pwesto kung saan kailangan kong aliwin ang mga tao at alukin ng kapeng free taste. Magmanman lang naman ang trabaho pero hindi ko alam kung bakit dito ako napapunta. How I wanted to throw this tray to their faces para tapos na.

"Delta Athelia is crying." Napataas ang tingin ko nang marinig ang isang pangungutya na 'yon mula sa suot kong earpiece. And there, I saw the goddess of bitches, delta Flame.

Kumaway pa talaga sa akin ang bruha! She's wearing a sales woman outfit that fits her well, and as expected, she's still sexy even if she's wearing that kind of clothes.

"Stop insulting my girlfriend, delta Flame." Napatingin naman ako sa kabilang dako at doon ko nakita si delta Thunder na kasalukuyang may suot suot na outfit ng security guard. Napatawa na lang ako sa nakita kong suot ng noybo ko. Baduy.

"Ang ingay naman ninyo. Ako kaya ang dapat ninyong kaawaan!" I roamed my eyes around and I almost laugh when I saw delta Chios. Kasalukuyan itong naka-disguise as a fucking nerd who's sitting in a chair while reading a book.

Seriously, this fucking bubbly, noisy, childish, and annoying creature is disguising as a nerd? What a brilliant idea to ruin her day!

"I'm just chillin' here like a fucking retard. My life's boring like a freaking hell." Napalingon naman ako sa gawi ni delta Perzeus na simple lang ang suot. Parang isa lang siyang tao na pagala gala sa mall.

We're trying our best to communicate with each other less. Mabuti nang mag-ingat kaysa mabisto. Kahit alam naming kaya naman naming lagpasan ang mga ito. Hindi uso sa amin ang pagiging kampanta lalo na't hindi namin pangarap na magalit ang pinuno namin.

Nagsimula na kami sa pagmamasid. Ako ang pinakamaraming nagawa dahil pabalik-balik ang ginagawa ko. Ang dami kasing putanginang daan nang daan at kuha nang kuha! Ang sarap sabuyan ang mga mukha.

"Fucking hell, may sumasabatohe ba sa plano natin?" Biglang nagpantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi ni delta Perzeus.

"Why? What happened?" nag-aalalang tanong ko.

"Nagkakagulo sa entrance ng mall. Wait, I'll check on that brother. Go to Flame first and check the footage." This time ay si delta Chios naman ang nagsalita. Naalerto pa rin ako kahit alam kong gagawa na sila ng plano.

We seriously didn't expect all of these, hindi namin alam na may mangyayaring gulo, and now I'm wondering if other clands find out about our plan. Pero sigurado akong hindi, dahil hindi nila kayang mapasok ang mga plano ng pinuno namin.

"Fucking shit! Ano na Chios? Nanghihina ka na ba little sister?!" Nabigla ako nang biglang marinig ang pagsigaw ni delta Perzeus.

"Shut up brother! Tangina, ang bilis kayang tumakbo nung babae! Puta, may mga humahabol pa!" sigaw naman ni dela Chios pabalik.

"You fuckers! Hindi tayo ang pakay ng mga 'yan, it's just that nagkakagulo talaga dito at natyempuhan pang nakatoka tayo." Isang malutong na mura ang pinakawalan ko nang magsalita si delta Alpha.

"Stop using the word 'nakatoka', ano tayo? Pulis?" iritang tanong ko. Hindi na ito sumagot pero napatingin ako sa gawi niya na pasimpleng inirapan ako. Parang bakla, nasty.

Biglang nagkagulo ang lahat sa loob ng mall, maging ang mga security guards ay hindi na alam ang gagawin sa gulo.

Pero naka-focus ang atensyon ko sa isang babae na kasalukuyang nasa gitna ng gulo, I can't see her face because she's running and her galaxy-like hair is covering her whole face. But I have seen that hair from somewhere.

And on cue, bigla na lamang tumakbo ang babae papunta sa direksyon ko. Nakita ko ring may humahabol na tatlong armadong lalaki sa kanya. What the fuck, should I use my guns? Or 'wag na lang akong mangialam?

"Uy shet, free taste! Penge ako, pangshookt lang sa kanila." Natameme ako nang makitang nasa harap ko na ang babae.

Shit! She's the goddess we encountered inside that bar! Why is she involved in this trouble again?

Namalayan ko na lang na kinuha niya ang tray mula sa akin at sinaboy ang mga kapeng nandoon sa tatlong lalaking susugurin na sana siya.

Nakatulala lang ako rito habang pinagmamasdan ang babae habang hinihipan ang bangs niya, she shrugged her shoulders at me before attacking the three guys.

Napanganga ako nang biglang may lumabas na yoyo sa likod ng damit niya at ipinalupot niya ang tali nito sa kamay niya.

"Say hi to my toy, mga gunggong!" sigaw nito bago atakihin ang tatlo. Tuluyan na akong nawala sa wisyo nang makita kung gaano kabilis niyang iwinasiwas ang yoyo papunta sa mga lalaki. Ang alam ko na lang ay naglabas ng baril ang isang lalaki pero pumulupot agad dito ang tali ng yoyo.

Inapakan niya ang tali at tinaas ng bahagya ang nakapulupot sa kamay niya, nahila pababa ang lalaki na nabitawan na ang hawak-hawak na baril.

"Hayop kang babae ka!" 

"Thank you pre, next time mo na lang sabihin kung what kind of animal," nakangising sagot ng magandang babae.

Bago pa siya masugod ng dalawang lalaki ay nakarinig na kami ng putok ng baril. Napatingin ako sa dalawang lalaki na duguan ang mga balikat. I gazed at Flame who shooted these two.

Tangina, inunahan na pala ako ni Flame.

Napatingin ako sa magandang babae pero nakatingin lang ito kay Flame. Wait what? Alam niya bang ito ang bumaril sa dalawang lalaki?

I saw how this beautiful girl smirked at Flame na ikinakunot ng noo ni Flame. Lumingon ang babae sa gawi ni Thunder, maging kay Chios at kay Alpha na naguguluhan din. I'm sure they noticed that this is the same girl from that bar.

She also smirked at Perzeus' direction na hindi na magkamayaw ang pagkunot ng noo. At huli ay lumingon ito sa akin at nakipagtagisan ng tingin. This is fucking weird but... ako ang unang umiwas ng tingin.

Muli akong lumingon dito pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko habang nakangisi.

"Nice to meet you again, Deltas." Bigla akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi nito. Hindi ko na siya nakausap dahil bigla na rin siyang tumakbo papalayo sa akin.

It seems like hindi nga kami nagkamali nang pagkakarinig sa sinabi niya sa loob ng bar na 'yon. Kilala niya talaga kami, maging ang mga mukha namin. At 'yon ang bagay na lubos kong ikinabibilib sa kaniya. 

"Delta Athelia, you're still a woman, right?" Umangat ang tingin ko sa tangang nagtanong no'n. I raised my middle finger and mouthed 'fuck you' to Flame.

"That woman... We need her to complete our group." Mahina akong napakislot sa sinabi ni Perzeus mula sa linya.

"Are you sure about this, Perzeus?" nagtatakang tanong ko.

"I am more than serious, Athelia." Iyon na ang hudyat na seryoso nga talaga siya sa sinabi.

Sinundan ko ng tingin ang pinagtakbuhan ng magandang babaeng 'yon. She's a great fighter, at halatang hindi madaling mapatumba dahil sa nasaksihan kong pakikipaglaban niya. Maybe we really need her in our group. 

I saw how Flame smirked from above. "What are you waiting for, deltas? Let's complete the nine cards, ass holes."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now