Chapter 44

18.1K 640 98
                                    

Silhouette

"Salamat, promise, babalik naman agad ako," mahinahong saad ko kay Third nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

He smiled at me. "Make sure that you'll call me when you want me to fetch you, okay?"

Tumango ako at ngumiti pabalik. "Mag-iingat ka."

He leaned on me to kiss my lips. "I love you."

"I love you too." Kumaway ako sa kaniya nang sumakay na siya sa kotse.

He winked at my direction bago paandarin ang sasakyan. Bumuntong hininga na lang ako bago dumiretsyo papasok sa bahay.

Kailangan kong kumuha ng mga gamit ni Pow Pow at gamit ko na rin. Doon na ako laging natutulog sa Hospital para mabantayan siya.

Kumuha ako ng ilang damit ko at ilang damit na rin ni Pow Pow. Pababa pa lang ako ng hagdan nang makaamoy ng kung anong kemikal.

Hinawakan ko ang sentido nang makaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at nakakapit agad ako sa hawakan ng hagdan.

Pinilit kong bumaba kahit malabo na ang paningin ko, kitang kita ng mga mata ko at paglabas ng ilang mga tao na nakaitim.

Natumba ako sa sahig nang maramdaman ang paghampas ng kung sino sa akin sa batok. Napasalampak ako sa lupa habang pilit na nilalabanan ang antok.

"Tangina mo, shit ka," mahina kong mura sa taong nasa likuran ko.

Ginalaw ko ang paa para patirin siya, nagtagumpay ako nang makita siyang matumba. Mabilis akong kumilos para abutin ang aquarium ni CowCow nang makitang may tumakbo papalapit sa akin. Kinuha ko si CowCow sa loob no'n at sinabit ang isang telang nakita ko sa sarili.

Initsya ko ang aquarium sa direksyon ng mga nakaitim bago isilid si CowCow sa telang pinulupot ko sa katawan.

"Diyan ka muna, Cow, may mga ipis na nakapasok sa bahay," nahihilong saad ko.

Kahit nahihilo ay sinikap kong salagin ang atake ng isang lalaki sa akin. Sinalo ko ang kamao niya bago siya sapakin sa panga. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng buto niya kaya napangisi ako.

Kumilos ako habang bitbit siya nang may maramdamang presensya sa likuran ko, tinadyakan ko ang katawan ng lalaking hawak ko sa isa pang lalaki na papalapit sa akin.

Parehas silang natumba dahil sa lakas ng epekto na nagawa no'n. Sunod kong hinarap ang lalaking may hawak ng baril, walang emosyon na ngumisi ako bago lapatan ng tingin ang baril na nasa ilalim ng sofa.

Yumuko ako nang magpaputok siya sa direksyon ko, umikot ako at inabot ang nakatagong baril sa ilalim sofa bago siya barilin sa ulo. Natumba siya na walang buhay sa sahig.

Isang daing ang nilabas ko nang maramdaman ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa likuran ko. Dahil sa hilo ay hindi na rin ako nakapagbalanse.

"Kill her now, Causus!" sigaw ng isang lalaki.

Pilit kong inabot ang lamesa sa harapan para makatayo, pero muli na naman akong bumagsak nang maramdamang may pumalo sa akin sa likod.

Napaubo ako ng dugo na ikinailing ko. "Tangina n-ninyo, mga mahihinang nilalang."

I heard how these bastards laugh at what I said. "We're not, Acid, we just know how to work smart."

Nagtagis ang bagang ko nang maramdaman ang paghigit ng isa sa kanila sa buhok ko.

He made me look at him. "Look at me in the eye, Acid. Fear me."

Ngumisi ako. "Tanggalin mo 'yang takip mo sa mukha, baka matakot talaga ako sa 'yo kapag nakita ko kung gaano kalala ang mukha mo kung ikukumpara sa kanal."

Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang marinig ang sinabi ko. Malakas niya akong sinampal dahilan para pumaling ang mukha ko sa kanan.

Hinawakan niya ulit ang pisngi ko gamit ang isang kamay, mahigpit niyang pinisil 'yon habang masama ang tingin sa akin.

"I'm glad that I was assigned for this mission, matagal na kitang gustong patayin dahil sa kaangasan ng dila mo. Now, I have the power to do that, Acid," puno ng hinanakit na saad niya.

Humalakhak ako nang malakas.

"Bobo, ang sabihin mo, wala ka lang talagang maisip na magandang sagot para trashtalk-in ako pabalik. Isa kang hangal na walang kwenta sa earth, sana naging plant ka na lang, noob," pang-aasar ko.

Mas lalong humigpit ang pagkakakapit niya sa pisngi ko.

Hinugot niya ang samurai na nasa likuran bago ito itutok sa leeg ko.

"I'll fucking remove your head from your body, you bitch! I'll make sure na pagsisisihan mo ang lahat ng sinabi mo!" galit na sigaw niya.

I closed my eyes para ihanda ang sarili. I saw how he raised his arm, naghahanda para putulin ang ulo ko.

Ilang segundo ang lumipas pero wala akong naramdaman na kung ano.

"You assholes, how dare you threaten my wife!"

Nagmulat ako nang marinig ang boses ni Third. Nakita ko na lang kung paano sumiklab ang galit sa mga mata niya habang pinipigilan ang kamay ng lalaking nakaamba sa akin.

Napanganga ako nang tadyakan siya ni Third nang malakas, tumalsik ito sa pintuan ng banyo.

Third quickly embraced me. "I'm sorry, baby, oh God."

"T-Third," naiiyak na bulong ko sa kaniya.

I can cry now, he's here already. He saved me.

Binuhat niya ako para iupo sa sofa. Kitang kita ko ang pagkataranta sa mukha nilang lahat.

"Fuck it, let's leave! That's Third Knights!" sigaw ng isa.

Hindi ko na naintindihan ang nangyayari sa paligid ko, narinig ko na lang kung paano sila tumakbo papalabas ng bahay para umalis. Parang takot na takot at nakakita ng multo.

Humigpit ang kapit ko kay Third nang maramdaman ang paghigpit din ng yakap niya sa akin.

He's too stiff.

"B-Baby." Nagulat ako nang marinig ang pag-iyak niya.

"Oh fuck, he was about to k-kill you, baby. You almost got killed, baby. If I didn't came earlier, hindi ko alam kung anong mangyayari," he sadly said.

Ngumiti ako nang mapait bago siya halikan sa noo. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

"I'm f-fine, Third, don't worry anymore. Thank you for saving me," nanghihina kong sabi.

Hindi ko na alam kung ano pa ang sunod na nangyari. Naramdaman ko na lang ang pagdilim ng buong paligid ko.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now