Chapter 14

22K 853 168
                                    

Silhouette

"Silhouette?"

"Bakit?" tanong ko nang marinig ang boses ni Caspeia sa earpiece.

"These men around the hotel are all dead, what should I do next? I can't contact Third," saad nito kaya mabilis akong napalingon sa katabi ko.

Tanggal nga ang earpiece niya sa t'enga. Bumaling siya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

"Why?" tanong niya.

"Bakit 'di mo suot earpiece mo? Sira ba 'yan?" takang tanong ko at bahagya pang lumapit sa kaniya.

Sinipat ko kung bakit hindi nakasaksak ang earpiece sa t'enga niya. Pero paglingon ko ay nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit? Sira nga?" Tinulak ko pa nang bahagya ang balikat niya nang hindi niya ako sagutin.

"Tsk," saad niya lang.

Napangisi na lang ako. "Gusto mo palit tayo ng earpiece, boss?"

Marahas na nilingon niya ako dahil sa tinawag ko sa kaniya.

"Stoo calling other people with such names, Silhouette," mariin niyang sabi.

Napamaang ako. "Oh, bakit? Boss naman talaga kita, a? Ano ba gusto mong itawag ko sa 'yo? Babe?"

Iniwas niya ang tingin at binaling sa ibang direksyon. Ngumuso na lang ako at kinagat ang ibabang labi, ang gulo talaga ng utak ng leader namin.

Tinanggal ko nang bahagya ang earpiece sa t'enga.

"Kinakausap nga kasi ako ni Caspeia, ikabit mo raw 'yung earpiece mo para makausap mo siya," dagdag ko.

Nakapamulsang sumandal siya sa pader at umiling. "Let her stay there, this place is exclusively for the both of us only."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Ano raw? Pansamantala lang naman kaming nags-stay dito sa loob ng isang hotel room.

Kapag dumating ang totoong guest na dapat ay nandito, sure dead agad 'yon, si Third na bahala sa kaniya. Magkakape lang ako sa gilid.

"Ikabit mo na, ang attitude mo, boss. Ikaw ang magbibigay ng utos sa kaniya, hindi ako, kaya bakit--" Naputol ako sa pagsasalita nang higitin niya ang braso ko kaya napapalapit ako sa kaniya.

"When I say that this place is only for us, I mean it, Silhouette. Let them communicate with each other, tayo ang magkasama kaya tayo ang mag-uusap," mariin na saad niya bago tanggalin ang earpiece sa t'enga ko.

Imbis na mainis ay napangisi na lang ako. "Sus, ang gulo rin ng utak mo, boss. Kanina sabi mo isuot ko 'yan para proteksyon 'saka para makipag-usap sa kanila, bakit ngayon ayaw mo na?"

Tinulak niya ang noo ko gamit ang dalawang daliri at tinuro ang relong suot ko. "That watch can help you trace the deltas' position and their place. I have it too."

Pinakita niya ang relong kaparehas nga ng akin kaya namamangha ko 'yong tiningnan.

Hinawakan ko pa ang braso niya para mas matingnan 'yon nang mabuti.

Wala nang boss boss dito, kapag mangha, nganga.

Kinalikot ko ang relo niya kahit parang kamukha lang ng akin.

"Ay, shet, ano 'yan?" gulat na tanong ko nang biglang may lumabas na kung anu-anong codes sa hologram.

Nasa bandang gilid ko siya kaya doon ko narinig ang boses niya. "Those are from Chios and Alpha's computer. They already hacked the system and they need to transfer the codes to me."

Nanlalaki ang mga matang tiningala ko siya. "Naks, astig!"

Binalikan ko muli ang relo niya at nagkalikot pa doon.

"Ang daya, ang daming features nitong sa 'yo. Unfair ka, favoritism," gigil na saad ko.

Ngumisi lang siya bago lumingon sa pintuan nang bumukas 'yon. Maging ako ay napalingon na rin, at laking gulat ko nang makita na ang guest na dapat ang nandito sa loob ng kwartong 'to.

Mabilis niyang kinuha ang baril sa bulsa kaya kumilos agad ako. Kinuha ko ang lampshade na nasa side table ng kama at binato 'yon sa kaniya, dahilan para mabitawan niya ang baril.

Akma na niya 'yong pupulutin kaya mabilis kong tinakbo ang direksyon niya bago siya sipain nang malakas.

Tumalsik siya at dumikit sa likod ng pintuan kaya mabilis kong pinulot sa sahig ang baril, pero mukhang handa talaga siya dahil nakita kong bubunutin na naman niya ang isang baril.

Mabilis kong nilabas ang yoyo sa likod ng damit ko at hinagis ito, pumulupot ang tali ng laruan ko sa kamay niya kaya agad kong hinila ang taling 'yon dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

Tinapakan ko ang tali na nasa pagitan namin para sumunod ang katawan niya, napaluhod siya sa sahig kaya agad kong pinaputukan ang braso niya.

He screamed in pain, pero wala na akong pake, lumapit ako sa kaniya para iangat ang mukha niya.

Sinalo ko ang cellphone na binato sa akin ni Third bago kuhanan ng litrato ang lalaking nasa harapan ko.

Ayos 'tong bossing ko, palakad lakad lang sa tabi. Akala ko pa naman sitting pretty lang ako, isang malaking scam.

Pumapalag pa 'tong peste na nasa harapan ko kaya kinailangan ko pa siyang sikuhin sa batok.

Kinapkap ko ang lahat ng bulsa niya para hanapin ang isa pang card. We just need one card para tuluyan kaming makapasok sa party.

I sent the picture of this guy to Chios and Alpha at nagtipa ng mensahe.

Change the number and name of this card. Nasa loob na kami ng event within few minutes.

Nang mahanap ko na ang itim na card ay agad ko itong sinampal sa pagmumukha niya.

"Ayan, sampal, para sa 'yo na mahilig mang-scam, mga hayop kayo," gigil na saad ko bago tumayo.

Nilapitan ko si Third kahit nakasimangot pa rin.

Nakangisi lang siya kaya mas lalo akong nainis.

"Ano? Nakita mo ba kung gaano ako kagaling? Huwag kang masyadong mamangha, baka mamaya gawin mo akong leader kapalit mo," pagmamayabang ko.

He smirked devilishly. "Really?"

"Oo nga--" Muntik na akong mapamura nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kaniya.

Pagkalingon ko, hawak na ng lalaking 'yon ang baril na iniwanan ko. Inilag lang ako ni Third.

Napatigil ako nang maramdaman ang mainit na hininga niya sa leeg at bandang t'enga ko.

"Be careful wherever you are, Silhouette. You might end up dead and I never want that to happen," malamig na bulong niya sa mga t'enga ko.

Napatulala na lang ako.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now