Chapter 41

18.3K 649 121
                                    

Silhouette

"Sandali nga! Nakakairita kaya 'tong suot ko!" galit na sigaw ko habang pinapagpagan ang damit.

Balot na balot ako tapos ang init pa sa katawan, bwisit. Kung hindi kasi umandar ang pagiging jejemon ng jowa ko, edi sana naka-dress ako ngayon 'di ba?

"Wear this earpiece, Silhouette? Huwag ka nang maarte, mas maganda ka kapag nakangiti," iritang sabi ni Perzeus habang inaayos ang buhok ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Plastik talaga 'to, balot na balot ako tapos sasabihan akong maganda?

"Sige, try mo maging suman tapos maghintay ka ng taong sasabihing masarap ka kahit hindi ka pa nababalatan. Sige!"

Binatukan niya ako nang malakas. "Ang ingay mo, magsisimula na 'yung party party tapos in-a-aurahan mo pa ako ng mga linya mo. Sige na, huwag ka masyado magselos kay Caspeia."

Umirap ako nang pangmalakasan. "Kapag nakita ko talaga na lumilingkis 'yon kay Third, makikipag-sabunutan ako."

Inayos niya ang suot na jacket, camera man kasi kaya katabi ko ngayon.

"Enter the kitchen first, start serving foods to the guests kapag sinenyasan ka na ni Third," saad niya.

Tumango ako nang marahan.

Nakita kong sumabay na siya sa paglalakad kila Alpha at Thunder na may mga bitbit na cameras.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang pagpasok ni Third at Caspeia sa event.

Sumama ang timpla ng mukha ko nang makita ang nakalingkis niyang braso sa bebe ko, pero hindi ko naman siya susugurin dahil mukhang awkward din para sa kaniya ang ginagawa niya.

"Very good, Caspeia, mabait kang bata," matalim ang tingin na bulong ko.

Nakita kong sinulyapan ako ni Third kaya mabilis ko siyang inirapan. Nakabusangot na sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo sila sa isang table.

"Hey."

"Walang tao, tulog," bagot na sagot ko sa isang peste na nagsalita sa likuran ko.

Rinig ko ang bahagyang pagtawa nito. "I just want to ask kung bakit nakabusangot ang isang magandang dilag."

Marahas na nilingon ko siya, kumunot ang noo ko nang makita ang isang gwapong lalaki sa harapan ko. Wala pa rin akong pake sa kaniya, kay Third lang ako kakalampag kahit bwisit sa buhay ang syota ko.

"Alam kong maganda ko, pero may jowa na ako, sige na, bye," mabilis na sabi ko.

Muli itong tumawa na para bang isang comedian ang kinakausap niya.

"I'm not here to piss you off, I am Aundrei Santillan by the way," nakangiting sabi niya at nilahad pa ang kamay.

"Silhouette Montevero," sagot ko bago tanggapin ang kamay niya.

Lumingon siya sa ibang direksyon bago ngumisi. "I think it's a wrong move to shake hands with each other. Someone's mad at me."

"Sino? Syota mo?" siga kong tanong.

He shrugged his shoulders. "Sort of, but other than her."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now