Chapter 29

20.5K 695 171
                                    

Silhouette

"Let's go," malamig na saad ni Third matapos niya akong alalayan pababa ng kotse.

"Salamat," mahinang saad ko.

"You're always welcome," malambing na pagkakasabi niya.

Agad akong lumayo at binigyan ng distansya ang katawan namin nang magsibabaan ang iba pa naming kagrupo sa mga kotse nila.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya inungusan ko lang siya.

"Is this Cebu?" takang tanong ni Perzeus habang tinatanggal ang shades niya.

"Probably, everyone's kind, so yeah." Lumapit si Athelia sa amin habang buhat buhat si Pow Pow. Agad ko namang kinuha ang alaga ko nang magpabuhat ito sa akin.

Gusto raw kasi siyang kasama nila Athelia sa kotse habang nasa byahe, pinagbigyan ko na since payag naman ang chickboy na 'to.

"Antok ka na?" tanong ko sa kaniya nang humilig siya sa balikat ko.

Inaantok na tumango siya bago sumandal sa balikat ko.

"Let me carry him, baby, come on," suhestiyon ni Third.

Wala na akong nagawa nang kuhanin niya si Pow Pow mula sa akin. Binuhat niya ito nang walang kahirap-hirap bago kami sabay maglakad.

Sinundan kami ng deltas sa likuran namin. Nakita ko pa kung paano maglandian ang dalawang magshota na ikinabwisit ko.

Ganyan sana kami ni Third kung may label kami, baka landiin ko lang 'to buong buhay ko.

Lumapit si Third sa isang matandang tindera. "Can you tell me where the hell is the mayor's house?"

Agad ko siyang kinurot sa baywang nang kumunot ang noo ng matandang tindera.

"What?" inis na tanong niya.

"Ano ba? Bakit ka nagmumura? Takpan mo nga 'yang bibig mo dahil hindi naman sila sanay sa language na ginagamit mo," galit na sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan 'yong hinaplos. "I'm sorry."

Humarap ako kay manang. "Hello po, dayo lang po kasi kami rito, pagpasensyahan n'yo na ang lalaking 'to."

Agad naman itong ngumiti sa akin.

"Dayon kamo sa among lugar. Mag asawa mo?" nakangiti niyang tanong.

Lumapit si Perzeus sa tabi ko at bumulong. "She said welcome to their place, and she's asking you kung asawa mo ba ang leader natin."

Ngumiti ako nang alanganin. "Ay hindi po kami mag-asawa."

Nanunudyong tiningnan ako ni manang. "Gwapaha pud nimo, inday. Gwapo pud imong uyab."

Lumingon ako kay Perzeus. Natawa ito nang makita ang naguguluhan kong ekspresyon. "She said you're beautiful, and Third is handsome too."

"Ay, maliit na bagay, manang," pabebeng sagot ko.

Tumawa na naman si manang sa sinabi ko bago lumingon kay Perzeus.

"Saan ba kayo patungo?"

Binigay ni Perzeus ang maliit na papel kay manang. "Bahay ng mayor, nay."

Kumunot ang noo ni manang habang binabasa ang papel. Kalaunan ay binalik din nito ang papel.

"Sa pikas baryo pa 'to, ha," sagot ni manang.

Tumango si Perzeus at ngumiti sa matanda. "Sa kabilang baryo pa raw, we have no choice, let's leave again."

Nakangising sinapok ko ang balikat niya.

"Ayos ka, ha. Galing mo pala mag-Bisaya?" namamanghang saad ko.

He smirked. "That's my talent."

"Shut up." Lumingon ako kay Third nang bigla itong sumingit sa usapan.

Yumuko lang si Perzeus bago ngumiti nang alanganin. Iniwanan niya kaming dalawa ni Third na kunot noo pa rin.

"Laki na naman ng galit mo diyan?" takang tanong ko sa kaniya.

"Why are you so intimate with each other?" galit na singhal niya sa akin.

"Anong intimate? E, nag-uusap lang kami. 'Yung utak mo talaga may ubo, halika na nga, lagi kang weirdo," naiinis na tugon ko.

Hindi naalis ang masamang timpla sa mukha niya. Wala na akong nagawa kung hindi hawakan ang kamay niya para hilahin siya papalapit sa kotse.

"Wow, ate. Ang laki naman ng bahay na 'to," manghang saad ni Pow Pow pagkababa namin ng kotse.

Napangisi ako. Ang laki nga, Pow Pow, mamaya sabog 'tong bahay na 'to.

We need to gather some evidences para mapatunayan na may sinisimulang negosyo ang mayor ng Cebu na para lang sa mga mayayamang tao.

That business will stand as a salon, pero hindi kami tanga para hindi matunugan na may mga inosenteng babae silang uutuin para mag-alok ng extra service.

Selfish men, and they're bullshits, I hate seeing people like them blinking.

"I'm sorry, but you can't enter this house without the mayor's permission," matapang na saad ng lalaking malaki ang katawan nang harangin kami nito.

"We already talked to him, we are his guests," malamig na sagot ni Thunder.

"I said, leave."

"Bobo, lumayas ka diyan. Pupunta ba kami dito kung hindi kami pinayagan?" galit na sagot ko.

Inambahan niya ako kaya mabilis ko rin siyang inambahan. Susuntukin ko na sana sa mukha ang gagong 'to nang lumabas ang mayor mula sa bahay niya.

"Hey! Silvian! They're my guests, let them!" striktong sigaw nito.

Agad namang umatras ang bodyguard niyang bulok. Nanghahamon na tiningnan ko siya, sinamaan niya pa ako ng tingin kaya tinaas ko ang gitnang daliri ko.

"Umuwi ka na, totoy," pang-aasar ko.

Pinagmasdan kong maglakad ang mga kagrupo ko para sundan ang mayor, nagpahuli ako.

"If not because of the mayor, I might beat you to death," galit na sagot niya.

"Baka kapag sinuntok kita mag-goodbye ka na agad sa earth?" pambabara ko.

"I'll make sure you'll be the first to die," malamig na sagot niya.

"Oh talaga? Ulam mo tigti-tres na yelo," pang-aasar ko.

Umigting ang panga niya. "You whore--"

"Sa lahat ng lalaking umiigting ang panga, ikaw lang ang bangungot," dagdag ko bago siya bungguin sa balikat.

Dinaanan ng mga kamay ko ang bulsa niya kung saan nakalagay ang mga susi ng kwarto sa loob ng mansyon.

Lumingon ako bago pa makalayo sa kaniya. "Pre, sorry, trial lang 'yung pang-iinsulto ko."

Hindi ko naman talaga dapat siya lalaitin, kailangan ko lang siyang i-distract para hindi niya mapansin ang gagawin ko.

Sumunod na ako kila Third na hinintay pa ako sa pintuan, nilipat ko sa kamay niya ang mga susi na mabilis niyang tinanggap.

Palihim niyang hinawakan ang kamay ko nang maglakad na kami.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Ayos lang, chansing na rin 'to.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora