Chapter 25

21.4K 745 188
                                    

Silhouette

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Pow Pow. Matamlay ito kahit inaaliw siya nila Alpha at Thunder.

"Pow," tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin. "Bakit po, ate?"

"Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ko.

"Ayos lang po, ate. Huwag ka nang mag-alala," nakangiting sagot niya. Agad akong ngumiwi.

"Ang tamlay mong bata ka, gusto mo dalhin ko dito english teacher mo para sumigla ka?" panunukso ko. Nakita ko kung paano ito mapangisi.

"Sige, ate. Baka siya ang gamot ko."

Aba walanghiya talaga 'tong batang 'to, napakatinik.

"Ang lantod mo, Pow Pow, saan ka ba nagmana? Hindi ka gumagaya sa akin na shy type tapos hindi malantod," sabi ko.

Deltas chuckled at what I said, habang si Third naman ay tumikhim kaya napatingin ako sa kanila.

"Oh, bakit? Hindi kayo agree? Mga traydor," galit na sabi ko.

Inirapan ko sila kasabay nang pagpasok ng isang nurse sa kwarto. "Excuse me po, may I ask kung sino po ang guardian ng bata?"

"Ako, bakit?" tanong ko.

Napalunok ito bago sumagot. "Puwede na raw pong umuwi ang pasyente according to Dr. Cruz, may emergency po kasi kaya hindi siya nakapunta. Pero ipainom ninyo raw po sa pasyente 'yung nireseta niyang gamot."

"Gege, lamats," tipid na sagot ko bago siya senyasan na umalis.

Lumingon ako kay Pow Pow na kinukutkot ang mga daliri. "Gusto mo na bang umuwi? Or dito ka muna? Sabihin mo kung saan ka komportable, doon tayo."

Agad siyang umiling at naiiyak na yumakap sa akin. "Ate, ayoko na dito. Gusto ko sa bahay, 'saka ayokong mahirapan kayo tuwing dito kayo nagpapahinga."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Ayos lang ako, papauwiin ko na lang sila kung nag-aalala ka sa mga minions ko."

Tumawa siya sa tawag ko sa mga kagrupo ko. "Ate naman. Ayoko na talaga dito, malungkot 'saka nakakatakot."

Niyakap ko siya pabalik. "Oo na, sige na, uuwi tayo."

Ngumiti siya nang matamis. "Salamat, ate!"

Ginulo ko ang buhok niya bago tumayo. Lumapit ako kay Third. "Boss, sandali lang, ha. Asikasuhin ko lang hospital bill ni Pow."

Palabas na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. "I paid his hospital bills."

Napaatras ako. "Tanga ka, ang laki-laki ng bill niya kasi private room 'to. Magkano ba boss? Babayaran na lang kita."

Malamig niya akong tinitigan. "Shut up."

Pilyo ko siyang nginisian. "Kiss muna."

Bumalik lang din ang pang-aasar sa akin nang ngumisi siya. "Lapit."

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. What the heck? Bakit namula agad ako sa isang tagalog na salita?

He chuckled when I covered my cheeks. I just rolled my eyes before heading to Pow Pow.

Ramdam ko pa rin ang init sa mga pisngi ko habang nililigpit namin ang mga gamit ni Pow Pow.

Buhat buhat ni Third sa bisig niya si Pow Pow habang sinasakay ko ang mga gamit ng alaga ko sa kotse niya.

Nang maayos ko ang lahat at nang makasakay na ako sa kotse, kinuha ko sa kaniya si Pow Pow dahil magmamaneho pa siya.

Hays, para kaming pamilya. Ayos lang, kung si Third lang naman ang asawa ko, salamat na lang sa lahat earth. Siya na ang gagawin kong mundo.

Lantod.

"He still have a mild fever, I bought the medicines for him a while ago," sabi ni Third habang nagmamaneho.

"Para ka talagang tanga, boss, kinikilig ako sa 'yo. Mamaya ka sa akin," kinikilig na saad ko.

"

Pow, gising na, nandito na tayo sa bahay," malambing na saad ko habang niyuyugyog si Pow Pow.

Kailangan niya pa kasing kumain para makainom ng gamot, ayoko namang tumagal pa ang lagnat niya.

"Ate?" Nagmulat ito nang marinig ang boses ko.

Nginitian ko siya. "Baba na tayo, ha? Kumain ka muna para makainom ka ng gamot."

Matamlay siyang tumango bago yumakap nang mahigpit sa akin. Nakita kong umikot si Third para pagbuksan kami.

Ang bait talaga ng boss ko, kaonti na lang mamahalin ko na talaga 'to nang buong-buo.

Pumasok kami sa loob ng bahay, pero kasabay naman nang pagpasok namin ay ang pagbuhos nang malakas na ulan.

Hinigpitan ni Pow Pow ang yakap sa akin dahil sa takot. Hinagod ko agad ang likod niya at binaba siya sa sofa.

Sinarado ko ang mga kurtina para hindi matakot si Pow Pow sa kidlat at kulog.

"Boss, dito ka na lang muna matulog, baka bumaha pa kasi. Ang lakas pa naman ng ulan," nag-aalala kong sabi kay Third.

"I'll sleep beside you?" pilyo niyang tanong.

"Pwede naman," ganti ko at kinindatan pa siya. He just chuckled on what I said.

"I'll sleep on the other room, I'm afraid I might do something to you. You're such a tease." Namula ako sa sinabi niya.

"Hoy! May bata! Bwisit ka talaga!" inis na sagot ko na tinawanan niya lang.

Umirap ako sa kaniya. "Aayusin ko lang kwarto ni Pow Pow, boss. Dito ka muna sa kaniya, daddy and son bonding."

Naiiling na tinaboy niya ako kaya umakyat na agad ako sa taas. Binuksan ko ang kwarto ni Pow Pow at in-on din ang ilaw.

Malaki naman ang kama ni Pow Pow, kasing laki ng akin, dito kasi natutulog sila Kael dati noong mga panahong magkalapit pa kami.

Inayos ko ang bedsheet ng kama nang maramdaman ang pananakit ng puson ko.

Napamura ako, shet na malagkit. Literal na malagkit, may menstruation nga pala ako ngayon.

Tinapos ko muna ang pagliligpit ng kwarto ni Pow Pow bago ako tumakbo pababa ng hagdan.

"Boss," tawag ko kay Third, agad naman siyang lumingon sa akin.

"What?"

"May regla ako ngayon, puwede bang paabot nung bag sa likod mo?" walang pakundangan na sabi ko.

Agad naman niyang kinuha ang pinapaabot ko bago ito iabot sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakasapo sa puson ko.

"Does it hurt?" malambing niyang tanong kaya nakangiwing tumango ako.

Nagpaalam na ako sa kaniya bago tumakbo papuntang kwarto ko, pumasok ako sa sariling bathroom doon at naglinis ng katawan.

Napabuntong hininga na lang ako nang matapos sa pagligo, sobrang sakit ng puson ko, para akong hihimatayin.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now