Chapter 6

21.9K 785 36
                                    

Silhouette

"Dahan dahan ka nga! Bansot ka talagang bata ka," inis na sabi ko habang pinapanood siyang kumain.

"Sorry, ate, ang sarap kasi, e. Lagi kasing basura kinakain ko," sagot niya.

Natahimik ako sandali.

"Alam ko, kaya nga magdahan dahan ka, baka mabulunan ka," sagot ko.

Tumango siya habang patuloy pa rin na nilalantakan ang manok sa harapan niya.

"Ate, ang sarap naman ng mga pagkain ng mga mayayaman, katulad mo. Lagi bang ganito dito?" tanong niya patukoy sa iba pang pagkain na hinain ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit natahimik ako habang pinapanood siyang kumain.

"Anong pangalan mo, totoy?" tanong ko.

Lumunok muna siya at uminom ng tubig bago sumagot. "Ako po si Pow Pow!"

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa pangalan na binigay niya.

Anak ng kalabaw, kambal ba 'to ni CowCow? Parehas panggulo sa buhay ko.

"Pow Pow, nasaan ang mga magulang mo? Bakit nanlilimos ka?" takang tanong ko sa kaniya nang makitang tapos na siyang kumain.

Ngumiti siya nang malapad sa akin. "Patay na po si nanay at si tatay, napabayaan na po tuloy ako kasi wala naman po akong kamag-anak na handang kumuha sa akin. Kaya nanlimos na lang po ako sa daan."

Napatango ako. "Kaya ka naging unggoy na may paglingkis pa talaga sa akin?"

Tumawa siya nang alanganin. "Sorry, ate. Ang ganda mo kasi 'saka mukha kang mabait."

Parang gusto ko na lang mag-slide down sa kinauupuan ko. Walanghiyang 'yan, naging mabait pa nga ako nang wala sa oras.

Kung alam lang ng batang 'to kung gaano kasama ang ugali ko, baka maglayas 'to dito kahit hindi niya naman bahay 'to.

"Hindi ako mabait, Pow Pow," umiiling na sabi ko.

"Hindi po ako naniniwala, ate. Kahit nakabusangot ka kanina sa daan, alam kong mabait po kayo. Kaya n'yo nga po ako dinala rito, e," nakangiting sagot niya.

Inis na tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi nga ako mabait! Ayokong ngang maging mabait!

"Bilisan mo na diyan kumain, ihahanda ko kwarto mo sa taas," masungit na sabi ko.

Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. "Ate, talaga?! Patitirahin n'yo po ako dito?" gulat na tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Ano pa nga namang magagawa ko sa 'yong bata ka?"

Napapalakpak siya sa saya, bagot na umakyat na ako sa itaas.

Binuksan ko ang pintuan sa tabi ng kwarto ko. Matagal-tagal ko rin 'tong hindi napapasukan dahil wala naman akong bisita na nags-stay dito.

Hindi katulad noon na halos dito na nakatira sila Kal sa bahay ko.

Binuksan ko ang ilaw para ayusin nang kaonti ang kwarto na 'to.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now