Chapter 36

19.1K 746 130
                                    

Silhouette

"Ate, mas effective ba ang paggaling ko kapag wala na ang buhok ko?"

Kinagat ko ang ibabang labi habang patuloy na pinapasadahan ng razor ang ulo niya.

Ngumiti ako nang mapait. "Oo, kaya dapat magpakabait ka, ha?"

Mabilis siyang tumango at nag-thumbs up. "Mabait ako, ate! Kahit ano pa ang ipagawa sa akin ng doktor, gagawin ko, kasi good boy ako!"

Nilihis ko ang tingin nang maramdaman ang pagpatak ng luha sa pisngi ko.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko bago haplusin ang kalbo niyang ulo.

"O, ayan na, kalbo ka na," natatawa kong sabi at pinaharap siya sa salamin.

Ngumiti siya nang malapad bago haplusin ang ulo. "Ang gwapo ko pa rin, ate!"

Nginisian ko siya. "Gwapo ka talaga, alagang dyosa ka, e."

Tumayo siya mula sa kinauupuan at niyakap ako sa baywang, mabilis naman akong umupo para makapantay siya.

"Kapag gumaling ako, ate, promise ko, bibigyan kita ng maraming medals!" nakangiting pangako niya.

Niyukom ko ang kamao. "Hindi ko kailangan no'n, Pow. Basta magpagaling ka lang, ayos na ayos na ako doon."

"Huwag ka nang malungkot, ate, ang lakas lakas ko kaya," nakabusangot na sabi niya.

Hindi ako umimik, hinaplos ko ang pisngi niya bago tuluyang pakawalan ang hikbi sa labi. Agad kong niyuko ang ulo dahil ayokong makita niya ako na nanghihina.

"Gagawin ni ate lahat para gumaling ka, ha?" humihikbing saad ko.

Nawala ang ngiti sa labi niya, nakita ko ang pagdaan ng lungkot at sakit sa mga mata niya.

Naiiyak na pinunasan niya ang mga luha ko.

"Ate, huwag ka nang umiyak, pabibo ka naman. Akala mo ikaw 'yung may sakit, ate, ako lang 'to." Natatawang niyakap ko siya nang sabihin niya 'yon.

I admire this little kid for being strong and for being too positive, I can't even.

"Masasaktan ka sa therapy na gagawin sa 'yo, hindi ko na kailangang magsinungaling. Pero gusto kong i-ready mo ang sarili mo, okay? Lagi naman akong nasa tabi mo, kaya wala kang dapat ipag-alala," nakangiting paliwanag ko.

"Kayang kaya kong lagpasan 'yon, ate, basic lang 'yang mga theraphy na gagawin sa akin," pagmamayabang niya.

"Sira ka talaga, baka tumakbo ka palabas ng Hospital kapag nakita mo 'yung karayom," pang-aasar ko sa kaniya.

Babawi na sana siya sa pang-aasar ko nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Agad kaming lumingon kay Caspeia na malungkot ang mga mata.

"Silhouette? Kailangan na si Pow Pow doon," malungkot na saad nito.

Tumango ako. "Salamat, susunod na kami."

Nilingon ko ang batang nasa harapan ko nang makaalis si Caspeia.

"Pow? Halika na, nasa tabi mo lang naman si ate," nakangiting sabi ko.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now