Chapter 2

25.2K 906 171
                                    

Silhouette

"Ganda, ito na 'yung order mo na manok." Napalingon ako kay nanay Ising nang iabot nito sa akin ang isang plastic.

"Magkano lahat, nay?" tanong ko habang binubunot ang pitaka sa bulsa ng pantalon ko.

"Singkwenta lang, anak, alam mo naman na peyborit kita kaya lagi kang may discount," nakangiting sabi niya na ikinangiwi ko naman.

Lumingon ako sa papel na nakalagay sa itaas ng tindahan niya. Trenta ang kalahating manok pero singkwenta ang singil sa akin, talagang favorite nga ako, favorite akong huthutan.

"Sige nay, salamat. Ito isang daan, kaonti na lang makakapagpatayo ka na ng farm sa pang-uuto mo sa akin." Bahagya kong tinapik ang balikat niya bago tumayo sa kinauupuan ko.

Humagikhik siya dahilan para mapaatras ako ng bahagya. Natatakot na ako, ha.

"Ikaw talaga, ganda! Mukha ka kasing mayaman kaya sinusulit ko na!" humahagikhik na saad niya.

Alanganing ngumiti ako bago yumuko. "Una na ako nay, baka ma-raid pa 'tong wallet ko. Mahirap na, kind pa naman ako."

Kinindatan ko si nanay Ising bago lumayas sa lugar na 'yon dala-dala ang plastic na may lamang manok sa kamay ko.

Hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa nang tumunog ito. Walang tingin-tingin na sinagot ko ang tawag.

"Sorry busy ako, bye," mabilis kong sagot.

Akmang ibababa ko na ang tawag nang sumagot ang nasa kabilang linya.

"Acid." Lumaki ang butas ng ilong ko nang mapagtanto kung sino 'yon.

Gusto kong pagraratratin ng mura ang lalaking 'to, pero napakabait kong tao para gumawa ng kasalanan.

"Tangina mo, sagad." Biro lang. Sinong mabait?

Walang pasabing pinatay ko ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Tawag talaga nang tawag ang tandang 'yon, kahit isang taon na ang nakakalipas simula nang bumitiw ako sa puwesto.

Maingat kong nilapag ang hawak na plastik sa lamesa nang makarating sa bahay.

Pinagmasdan ko ang bawat monitor na nakakonekta sa mga CCTV, para malaman kung sakali mang may nakapasok na aliping sagigiliw ni Satanas sa pamamahay ko.

Mukha namang wala, kaya mabuti.

Walang ingay kong tinungo ang kusina at binuksan ang ref. Kinuha ko ang pitsel na may lamang tubig.

I drank one glass of water para pakalmahin ang sarili.

What do they need this time? Why do they keep on calling me?

Napatingala ako nang manakit ang batok sa sobrang inis. Sa ngayon ay 'yon muna ang kailangan kong malaman, kung bakit ginugulo na naman ako ng agency na matagal ko nang tinalikuran.

Nakakataw ring isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang matandang Cristof na 'yon. Isang taon na ang nakalipas simula nang umalis ako sa agency, pero wala rin siyang palya sa pangungulit sa akin.

I don't need them anymore. I need to live a normal life, and that's the easiest way to have it, to ignore the agency I used to trust a lot.

Mabilis na umangat ang ulo ko nang marinig ang mahinang kaluskos mula sa madilim na parte ng sala.

Agad ko ring iniwas ang tingin para hindi mahalata na kung sino mang hayop na 'to na nakahalata ako.

Kumakanta-kanta pa akong naglakad papunta sa lagayan ko ng mga kutsilyo. I took one knife and slowly caress it.

"Napakaganda mo naman, kaso masasayang ka lang kapag hindi ka nagamit," mahinang bulong ko.

Pinikit ko nang dahan-dahan ang mata habang pinapakiramdaman ang taong kasama ko.

He's quite good. Kung tatanga-tanga siya, sana ay kanina ko pa siya nahalata.

I was about to gen my gun under the counter when I heard another noise from upstairs.

Walanghiyang mga akyat-bahay 'to, masyadong maiingay. Mga tanga.

Dahan-dahan kong iniliko ang paa katapat ng direksyon ng taong nasa likuran ko. Saka ko buong puwersang hinagis ang kutsilyo sa madilim na parte na 'yon.

"Fuck!"

Kumunot ang noo ko nang makarinig ng mahinang ungol ng lalaki.

Wow, punyeta, stalker ko pa ata 'to. Napaka-cute mo talaga, Silhouette.

Walang lingon-lingon na iniitsya ko ang isa pang kutsilyo sa itaas dahilan para makarinig ng isa pang malutong na mura.

"Shit, what the hell?"

A woman?

No, not just a man and a woman. But ladies and gentlemen!

Ramdam na ramdam ko ang presensya ng iba pang tao nang marinig ang mahihinang kaluskos at mga bulungan.

With their moves and skills, nagkaroon na ako ng ideya kung sino ang mga taong 'to.

Napahilot na lang ako sa batok sa sobrang frustration na nararamdaman. Bakit nila ako sinundan?

"Come on, Delta, show up," malamig kong sambit.

Sa loob ng ilang segundo ay mabilis na bumukas ang mga ilaw, at lumabas lahat ang pitong miyembro na lahat ay nakasuot ng itim na outfit.

Naks, mga ninja?

Sinamaan ako ng tingin ng lalaking nasugatan ko sa balikat, dahan-dahan niyang tinanggal ang takip sa mukha para tapunan ako nang nakakamatay na tingin.

"How dare you hit me with that knife," malamig pero naaasar na saad niya.

Nagkibit-balikat lang ako. "Pumasok ka sa bahay ko, e. Alangan namang mag-party party pa ako tapos i-announce ko sa labas?"

Hindi siya sumagot pero nakita ko kung gaano niya ako gustong sugurin.  Bakla pala 'to, e. Hindi kinakaya ang muscles ko, at hindi rin siya kinakaya ng pasensya ko.

"Perzeus, your temper." Napalingon ako sa babaeng nagsalita mula sa taas.

Flame.

Halos libutin ko na ang buong outer space sa ginawa kong pag-irap.

"What do you need from me?" walang ekspresyong tanong ko.

One guy walked 2 steps forward at nakangiting humarap sa akin.

"We are the Delta, and we just got the information that you used to be an agent. And we are here to offer you something," he calmly explained.

Tinitigan ko siya nang diretsyo sa mukha habang pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Seriously, what do you guys need from me?" ubos na ang pasensyang usal ko.

Flame smiled at me devilishly. "We are here to recruit you as the new member of Delta."

Para akong nakuryente sa pagkabigla. Shet, Delta?

Tangina, bakit naman ako sasali sa kanila? E, nakakatakot pinuno nila, sabi ng iba. Knights pa naman apelyido no'n, huwag na lang.

Habang pinagmamasdan ko ang bawat postura nilang lahat ay hindi ko maiwasang mapangisi.

Delta, one of the strongest group in the whole world, came to see me?

Why? What are they up to?"

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon