Chapter 40

19.6K 683 137
                                    

Silhouette

"Lianne Heneroso, that's her name. In order to keep her safe, we need to enter the debut party," paliwanag ni Third.

Kumibot ang kilay ko. "Eh, bakit hindi na lang nila ilipat 'yung party sa ibang venue? Or kaya naman, huwag munang ituloy."

Third answered me with his cold voice. "Mr. Heneroso contacted me yesterday, he said he won't be able to cancel the party. Lianne is a spoiled brat, and he can't explain the situation because Lianne isn't aware of his father's business."

Kinagat ko ang ibabang labi bago tumango.

"Edi tayo ang mag-explain," dagdag ko.

Flame shook her head. "I talked to her a while ago. Wala daw akong karapatan na manghimasok sa buhay niya. Her party, her rules. That's the exact words she said to me."

Nagtagis ang bagang ko. Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon.

"Spoiled brat, isang sampal ko lang do'n, ngawa 'yon. Baka magmakaawa pa 'yon sa akin na itigil ang party niya, iharap mo nga 'yan sa akin. Tutupiin ko 'yan sa walo," galit na sagot ko.

Natatawang napailing sila sa sinabi ko kahit hindi naman ako nagbibiro. Tutupiin ko talaga 'yon sa walo kapag nakita ko sa personal 'yon.

"Prepare yourself, we need to move at exact 8:00 pm," malamig na saad ni Third.

"Boss, may mga media ba doon? Sikat ang pamilyang Heneroso, panigurado maraming reporters ang magpupunta doon. Why don't we use that opportunity to enter the debut party even if we're not invited, but secretly?" pakisingit ni Alpha.

"Yeah, that's why the three of you." Tinuro ni Third ang tatlong lalaki. "You'll act as camera men. Flame, Athelia, Chios, reporters."

Hindi na ako nag-expect na nakabukod ako, as usual, lagi ko naman siyang kasama.

"Caspeia, you'll go with me. Wear a dress for tonight, you'll be my partner for this mission." Marahas na napalingon ako kay Third sa narinig.

Kahit si Caspeia ay napalingon sa akin. Tanggap na niya siguro na ako ang legal wife.

"Hoy, ano?! Teka anong gagawin ko?" galit na tanong ko.

Lumingon sa akin si Third. "A catering service."

Yumukom ang mga kamao ko sa inis habang sinasamaan siya ng tingin.

Parang gusto kong maiyak, pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng walanghiyang 'to. Dati rati ay laging ako ang sinasama niya, pero ngayon? Isa siyang scammer!

"Bakit hindi ako ang kasama mo? E, ako ang girlfriend mo!" galit na sigaw ko.

He shrugged his shoulders. "My rules, Silhouette."

Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napakababaero ng hayop na 'to. Rules rules, hindi niya ba alam na puwede akong magselos dahil sa sinabi niya?

Ngayon pa nga lang nagseselos na ako!

"Bwisit ka. Huwag na huwag mo akong kakausapin kahit kailan, pakyu!" singhal ko dahil sa galit.

Padabog na lumabas ako mula sa meeting room habang dala dala ang sama ng loob.

Bwisit siya, bwisit siya. Period.

Kakatayin ko siya nang buhay, isasama ko pa sa libingan niya si Caspeia. Mga traydor.

Hindi lang ako makapalag nang sobra dahil siya pa rin ang boss ko.

Galit na pinaharurot ko ang motor papaalis ng headquarters. Bahala siya sa buhay niya, halikan niya sarili niya magdamag.

Beast mode pa rin ako nang makarating sa Hospital. Pero automatic na kumalma ang puso ko nang makita si Pow Pow katabi ang isang lalaki.

"Kal," banggit ko sa pangalan nito.

Agad siyang lumingon sa akin, nakangiti pa itong lumapit. "Acid!"

Napangiwi ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Salamat sa pagbabantay sa alaga ko," pasasalamat ko habang tinatapik ang likod niya.

Bumitaw siya sa akin bago lumayo. Bitbit niya ang malawak na ngiti sa labi.

Natatawang kinamot niya ang batok. "Wala 'yon, commander! Alam mo namang maliit na bagay lang 'tong ginagawa ko para sa 'yo."

Ngumiti ako nang matamis. "Puwede ka nang umalis, salamat ulit, ha. May gagawin sana ako mamayang gabi, ayos lang ba kung ikaw ulit magbantay kay Pow Pow? Kahit isama mo si Ryzma. Ayos lang."

"Oo naman, commander! Wala rin ako gagawin mamaya, kasi, wala na masyado kliyente sa agency," nakangiwing sabi nito.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Wala ka na kasi doon, kaya nalulugi na rin kami. Pati si tanda, nahihirapan na rin makakuha ng kliyente. Pero hindi ka na namin kukulitin, Acid, pangako. Alam naming may ibang buhay ka na," malungkot na litanya nito.

Tinapik ko nang mahina ang balikat niya.

"Salamat, Kal."

Pagkaalis na pagkaalis niya ay lumapit agad ako kay Pow Pow na naalimpungatan.

Sinapo niya ang tiyan na para bang may iniinda.

"Pow, bakit? Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ko.

Mahigpit siyang yumakap sa akin habang umiiyak. "Ate, a-ang sakit po ng t-tiyan ko."

Napamura ako sa loob ng isip habang hinahaplos ang likod niya. Pinindot ko ang button sa taas ng kama niya para tumawag ng doctor.

"Pow, sandali lang, ha? Huwag ka nang umiyak. Pasensya na, parte kasi 'yan ng chemo. Pasensya na," naiiyak na saad ko.

"Ate, dito ka lang muna, please. Ang sakit sakit, ate," umiiyak na daing niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Pasensya na, Pow. Gagaling ka rin, ha? Maniwala ka kay ate."

Ilang minuto pa ay pumasok na ang ilang nurse at isang doctor. Nakatulala lamang ako sa isang gilid habang inaasikaso nila si Pow Pow.

Oh God, please, help him.

Lumapit sa akin ang doctor pagkatapos nilang asikasuhin si Pow Pow.

"Bakit po? Ano pong nangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong ko.

The doctor sighed. "I guess you really need to know about this, Silhouette. Mas marami pang side effects ang chemotherapy, kasama na ang pananakit ng ulo at pananakit ng tiyan ng bata. Hindi ko alam kung ano pa ang iba niyang mararanasan dahil hindi ko naman nahuhulaan 'yon, pero sana maging alerto ka sa bawat daing ng kapatid mo. We need to observe him everyday to check if he's doing well."

Naiiyak na tumango ako. "S-Salamat, doc. Just tell me if you need something, tawagan ninyo lang po ang number ko. Nagta-trabaho pa po kasi ako, may nagbabantay naman po sa kaniya dito tuwing wala ako."

He nodded, tinapik din nito ang balikat ko. "Your brother is quite strong, please be strong for him also."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now