Chapter 57

17.6K 532 56
                                    

Silhouette

"Wait, where are we going?" natatarantang tanong ko kay Third nang isakay niya ako sa kotse.

"Just trust me with this one, baby." Kinindatan niya ako pagkatapos non.

Napangiti na lang ako at napakagat labi nang magsimula na siyang magmaneho. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at tinanaw ang madilim na kalangitan.

I hope Pow Pow's doing well. Pinapanood kaya niya ako dito?

I smiled bitterly. I'll be fine here as long as I have Third by my side.

"What are we doing here?" tanong ko kay Third nang tumigil kami sa harap ng isang mamahaling botique.

Hindi niya ako sinagot, bumaba lang siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Nginitian ko siya nang halikan niya ang pisngi ko.

Dumiretsyo kami sa loob ng botique, hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito ni Third.

Agad kaming binati ng magandang babae na sa tingin ko, ay may-ari ng botique na 'to. She approached us while smiling.

Pinagmasdan ko si Third kung babalingan niya ba ng atensyon ang magandang babae sa harapan namin. Pero nakatanaw lang siya sa mga dress na nasa paligid.

One point, Silhouette. Ikaw lang talaga bebe ng bebe mo.

"Good evening! Welcome to Hennezy's Botique!" nakangiting bati nito.

Pinagmasdan ko ang postura niya, pati na rin ang galawan niya. Naningkit pa ang mga mata ko habang inoobserbahan siya, pero mukha namang wala siyang pake kay Third.

Dapat lang.

"Hey, Alexie, can you accompany this beautiful lady beside me?" saad ni Third sa tabi ko.

He even held my waist.

Ngumiti sa akin ang babaeng nagngangalan na Alexie. "Your girlfriend? You guys are such a wonderful couple! Of course, ako na ang bahala sa kaniya kuya! Pagagandahin ko siya nang sobra!"

"Hindi na kailangan, normal na sa akin 'yon," sambit ko.

They both chuckled with what I said, pero nanatiling seryoso ang mukha ko. Hindi ako nakikipagbiruan.

"Mas pagagandahin pa kita, ma'am," humahagikhik na sagot ni Alexie.

Napanganga ako. "Holy shet, may igaganda pa pala ako? Akala ko kasi ito na 'yung sagad."

Mas lumakas ang tawa niya kaya hindi ko na lang naiwasan ang mapangiti.

Third kissed me on the lips bago ako ipaubaya sa babaeng kaharap namin. Dinala ako ni Alexie sa pinaka-loob, sumalubong sa akin ang mas marami pang magagandang babae.

Lumapit sila sa akin at kinuha ako mula kay Alexie.

"Naks, pinagpapasa-pasahan na lang ako, ha. Sana pala sinabi ninyo na gagawin n'yo lang akong bola, ako na kusang tatalbog para sa inyo," saad ko.

Tumawa lang sila sa akin bago ako iharap sa salamin.

Umupo ako sa swivel chair na nandoon at pinabayaan na lang sila na kung anu-anong gawin sa akin.

Iritang-irita na ako habang ginagalaw nila ang buhok ko, kulot doon, kulot dito. Puro kolorete rin ang nilalagay nila sa pagmumukha ko na naturally beautiful. Inayos nila ang buhok ko na pa-bun at nag-iwan ng ilang hibla sa mukha ko.

Halos iitsya ko na ang mga babaeng 'to nang magsimula na silang pumili ng mga dress na bagay para sa akin.

Ibebenta ba nila ako? Dapat isang daang bilyon ang presyo ko.

"Perfect!" nakangiting sigaw ni Alexie habang bitbit ang isang damit.

Sinimangutan ko siya na sinuklian niya ng matamis na ngiti. She pulled me bago iabot sa akin ang bitbit niyang puting dress.

"Wear this, gorgeous. Para kang dyosa talaga!" excited na sabi niya.

Walang ganang pumasok ako sa dressing room at sinuot ang puting dress na inabot niya sa akin.

Kurbang kurba ang katawan ko kaya hindi ko maiwasan ang mairita. Ano ba 'tong pinagsusuot ng mga 'to sa akin.

Sinuot ko rin ang white heels na binigay sa akin ni Alexie. Halos matapilok pa ako dahil sa takong nito.

Nang maayos ko na ang sarili ay lumabas na ako ng dressing room. Agad kong nakita si Alexie na ngayon ay nakangangang nakatingin sa akin.

"Omygosh! You're so gorgeous!" tili niya.

Ngumiti ako. "Salamat, kaso taken na ako."

She giggled. "Hindi kita aagawin mula kay kuya Third, 'no! Sige na, lumabas na tayo. Sure ako na malalaglag ang panga ni kuya Third sa ganda mo!"

Sabay kaming lumabas sa kwartong 'yon, nabungaran ko agad si Third na nakasuot ng black tuxedo at ayos na ayos.

Hele emeged, eke ete eng nepengenge.

Saglit pa siyang natulala sa ayos ko bago ako lapitan. He carefully encircled his arm on my waist before kissing me on the forehead.

"I'm so glad that you're mine. You're so beautiful, baby," he whispered on my ear.

Pabebe akong tumawa at bahagya pa siyang pinalo sa dibdib. "Ha? Teka nga lang, ako lang 'to, Third. Maliit na bagay."

He chuckled as he hug me tighter. Parang ayaw niya na akong pakawalan pa.

"Let's have a date, baby."

Ngayon lang sinabi ang dahilan, magaling.

"Game ako diyan, tara na! Talagang kung kailan nakaayos na ako, 'saka ka lang magsasabi 'no? Para walang tanggihan na magaganap gano'n?" naniningkit ang matang sabi ko habang papasakay kami ng kotse.

Kinindatan niya ako nang paandarin na niya ang sasakyan.

"Kahit naman anong tanggi mo, papayag ka pa rin kapag gumawa ako ng paraan," he said with his deep voice.

Mahinhin akong tumawa. "Hele, paano mo nalaman?"

Humalakhak siya bago halikan ang kamay ko. "I want to make you happy every single day, Silhouette. Allow me to do that."

Napanganga ako nang tumigil kami sa harapan ng isang magandang garden. Nakapalibot ang ilaw sa paligid na nagpaganda rito.

Inalalayan ako ni Third na makababa. Habang naglalakad kami papalapit ay nakatulala lang ako, pilit na ina-absorb ang ganda ng paligid.

May nakahandang lamesa sa gitna ng garden, nakapaligid dito ang maraming petals. Halatang pinaghandaan.

Napaiyak na lang ako sa saya nang iupo ako ni Third sa upuan. He sat infront me before smiling sweetly.

"Forget about all the things around you for a moment, baby. Ako muna ang isipin mo sa ngayon."

Tinanguan ko siya habang sumisinghot singhot pa.

He's really the sweetest person in the whole world. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong kabutihan noon para bigyan ako ng isang tulad niya.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now