Chapter 21

21.4K 782 177
                                    

Silhouette

"The world could die, and everything may lie!" Rinding-rindi na ako sa boses ni Alpha habang nabirit.

Hindi lang ata ako, halos lahat kaming Delta. Kung kailan nagpapahinga kami dito sa sala 'saka naman siya bibira ng kanta niya.

Si Third naman ay nakasandal lang sa sofa at nakapikit.

"Still you shan't cry, 'cause time may pass not longer that it'll last I'll be by your--Ackk! Silhouette!" inis na sigaw nito nang sumakto ang papel na binato ko sa bunganga niya.

"Ayos 'yan, Alpha, kanta ka lang," saad ko.

Napakamot siya ng batok bago lumapit sa syota niyang si Chios. Yumakap siya dito na umano'y nagsusumbong.

"Ang bad mo!" parang batang sigaw nito sa akin habang nakanguso pa.

Hindi makapaniwalang binato ko ulit siya ng nilamukos kong papel. Umilag siya pero noo naman niya ang natamaan.

Tawa ng Delta ang narinig sa buong sala habang hinihimas niya ang sariling noo.

"Chios, baby, inaaway ako ni Silhouette!" nagtatampong saad nito.

"Hoy, hindi kita inaaway. Ang ingay kaya ng bibig mo, kulang na lang pumiyok ka para manahimik ka!" sigaw ko.

Tumayo siya sa kinauupuan at dinuro ako. "I hate you!"

Tumayo rin ako sa kinauupuan at inambahan siya, mabilis namang nanlaki ang mga mata niya at biglang umupo.

"Joke lang! Bati na tayo!" nahihintatakutang sigaw niya at nagtago pa sa likod ng syota niya na tumatawa lang.

"Bahala ka diyan, ang lakas ng topak mo, Alpha," iiling-iling na saad ko.

"Silhouette." Lumingon ako sa direksyon ni Third nang tawagin nito ang pangalan ko.

"Bakit, boss?" tanong ko.

"Come here," malamig na saad niya at sinenyasan pa ako.

Mabilis naman akong lumapit at umupo sa tabi niya.

"Bakit nga? Magd-date ba tayo?" pagbibiro ko.

Tumawa ulit ang Delta pero si Caspeia, as usual, irap lang ang inambag.

"Tinapon ko ang motor mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Third.

"Ano?!" gulat na sigaw ko.

"Tinapon ko ang motor mo, walang kwenta," dagdag niya pa.

"Anong walang kwenta? Alam mo ba kung gaano ko kamahal ang baby--"

Marahan niyang binato sa akin ang isang maliit na bagay kaya agad ko 'yong sinalo.

Pagtingin ko, susi ng isang motor.

"Ano gagawin ko dito? E, tinapon mo nga motor ko?" galit na tanong ko.

"I bought you a new one, it's brand new. Everything you need is there," sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napangiti ako bago halikan ang susi na hawak ko at dambahin siya ng yakap. Libre chansing.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now