Chapter 38

18.7K 711 127
                                    

Silhouette

"Pero Third, gusto ko pa ring magtrabaho para kay Pow Pow. Kaya ko naman 'saka--"

"It's tiring, baby, believe me. I can pay the Hospital bills and I'll take care of his medicines," mabilis na pagputol niya sa sasabihin ko.

Ginulo ko ang sariling buhok.

"Third, you don't understand me, bakit naman kita pagbabayarin sa mga responsibilidad ko? Pow Pow is my responsibility, alam kong gusto mo lang tumulong, pero kailangan kong magtrabaho para sa aming dalawa," paliwanag ko.

He clenched his jaw. "I can take care of you as well, baby."

Kumunot ang noo ko. "Why? Third, you are just my leader. We're not even in a relationship kaya bakit kailangan mo akong saluhin sa mga ganitong bagay?"

Hindi siya nakaimik sa sinabi ko, kitang kita ko rin ang pagbabago ng ekspresyon niya.

"We're not what?" natatawang saad niya.

May bahid ng galit at inis sa boses niya kaya hindi ko naiwasan ang mapalunok.

"There's no us, Third. Kaya walang dahilan para gawin mo 'to," sagot ko.

Umigting ang panga niya kasabay nang pagsandal niya sa pader. He's acting like he can't comprehend what I said.

I was about to say something when he suddenly walked away from me. Padabog niya pang sinarado ang pintuan ng kwarto ni Pow Pow.

Naiinis na napahilamos ako sa sariling mukha. "Bakit mo ba sinabi 'yon, Silhouette? Nagalit ata."

Kinamot ko muna ang batok bago napipilitang pumasok sa loob ng private room kung nasaan si Pow Pow.

Pasimple kong dinaanan ng tingin si Third na nakasandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata.

Kagat labing umupo ako sa tabi ni Perzeus na agad napansin ang presensya ko.

"Is he mad at you? Pumasok siya kanina na sobrang sama ng timpla ng mukha," nag-aalalang saad niya.

Agad akong napangiwi.

"Nagalit nga, nag-away kami, e," mahinang bulong ko.

Natatawang umiling siya sa sagot ko. "Anong pinag-awayan ninyo? No worries, I won't judge you, I'm a gay."

Kagat labing kinamot ko ang batok bago sumagot. "Gusto niya kasing hindi na ako magtrabaho, siya na ang bahala sa lahat ng gastusin sa pagpapagamot kay Pow Pow. Tapos gusto niya rin na siya na ang sumagot sa lahat ng pangangailangan ko. Perzeus, sinong matinong babae ang papayag sa ganoong set up kung wala naman silang relasyon ng lalaki? Tell me."

He chuckled mischievously.

"So you told him that you guys aren't in an intimate relationship?" nakangising tanong nito sa akin.

Tumango ako nang dahan dahan.

Lumingon siya kay Third kaya sinundan ko rin 'yon ng tingin. Halos mapaigtad ako sa gulat nang makita kung gaano kasama ang tingin nito sa direksyon namin.

"You know why he's mad at you?" Bumalik ang tingin ko kay Perzeus nang magsalita ito.

"D-Dahil tinanggihan ko siya?" kagat labing sagot ko.

"Silly." Tumatawang ginulo ni Perzeus ang buhok ko dahilan para mas sumama pa ang tingin ni Third sa amin. "It's because you hurt his ego."

"Ha?"

"He's into you," dagdag niya pa na mas lalo kong ikina-stress.

"Alam ko naman 'yon, matagal na--"

"But you told him that you guys doesn't have any intimate relationship, it's like, he's expecting you to believe that there's something going on between the two of you. Silhouette, I am a girl inside, but I am a guy too. Nasaktan siya kaya siya nagagalit sa 'yo, nasaktan siya dahil akala niya, iba na ang pagtingin mo sa relasyon na m'eron kayo. Kahit wala pa siyang sinasabi sa 'yo na kayo na, alam niya sa sarili niya na kayo na. At 'yon din ang ini-expect niya sa 'yo," mahabang litanya nito.

Mas lalo akong nabugnot at naasar sa paliwanag niya. Kaya ba nagalit sa akin si Third, dahil doon?

"Attention, everyone." Sunod sunod akong napalunok nang marinig ang malamig na boses ni Third.

Nakita ko ang paglingon at pagiging seryoso ng mga kagrupo ko nang marinig siya. Wala na akong nagawa kung hindi ang umayos ng upo para pakinggan kung ano man ang sasabihin niya.

"We have a new mission for tomorrow," seryoso niyang dagdag.

Hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin kahit nagpapapansin na ako sa kaniya nang ilang beses.

Lumapit ako sa kaniya at dahan dahan na umupo sa tabi niya habang nagpapaliwanag siya.

"They're planning to kill every guests who will attend the debut party for Mr. Heneroso's daughter. Natunugan ko na ang plano ng kabilang grupo kaya mas mabuti kung--"

"Pst," pangungulit ko.

Tinapunan niya ako ng malamig na tingin kaya agad akong napanguso.

"It would be better if we'll do the first move--"

"Pansinin mo ako, Third," malakas na sabi ko.

Narinig ko ang paghagikhik at pagtawa ng mga kagrupo namin dahil sa pangungulit ko.

Tinitigan ako ni Third nang matalim kaya napaatras agad ako.

"Ang sama mo!" galit na singhal ko bago takbuhin ang direksyon ni Perzeus.

Nakabusangot na humilig ako sa baklang 'to para mas galitin pa ang lalaking 'yon.

Ramdam na ramdam ko ang pandidiri ni Perzeus pero pinipilit na lang na makisakay sa ginagawa ko.

"Hays, Perzeus, ayaw ata sa akin ng isa diyan. Gusto mo tayo na lang?" malakas na saad ko.

Ngumisi si Perzeus. "Sure, babe!"

Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Third sa harapan ko pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Ang dali mo palang kausap, kiss mo nga ako!" dagdag ko.

Halos masuka-suka ang mukha ni Perzeus dahil sa sinabi ko. Pero dahil close na kami ng madame na 'to, dahan dahan niyang inangat ang baba ko para magkunwari na hahalikan ako.

Hindi pa nagkakalapit ang mga mukha namin nang biglang may humigit sa akin patayo.

Ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Third sa braso ko.

"You ass hole, I'll surely kill you and kick you from my group. Stay away from my wife," galit na banta nito na kinuwelyuhan pa talaga si Perzeus.

"Hoy sandali, magpapa--"

"She's mine, Third, ayaw mo sa kaniya. Edi sa akin na lang," husky ang boses na sabat ni Perzeus.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang sapakin siya ni Third sa mukha.

"She's mine from the very start, Perzeus, she'll never be yours."

Napamura ako nang malutong. Tangina ka talaga, Silhouette, kagagawan 'yan ng maharot mong pag-iisip!

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon