Chapter 13

22.2K 865 364
                                    

Silhouette

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng hotel nang makita kung gaano ito kalaki.

No doubt, this kind of Hotel is really for these mafias na may gaganaping party pero may palihim na transaksyon.

Lumingon ako sa gilid ng Hotel mula sa loob ng sasakyan nang makitang pumuslit na sila Flame at Perzeus doon.

They'll take care of the cameras with the help of Chios and Alpha, para mas madali kaming makapasok ni Third bebe ko.

Ay shet, nadulas, bakit may bebe?

"Wear this earpiece to communicate with them," saad ni Third sa tabi ko bago iabot sa akin ang isang puting kahon.

Napangisi ako. "Aba, umaasenso na tayo diyan, boss. Hindi na itim, white na, Charlie's Angels na ba tayo nito?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya mabilis akong ngumiti nang alanganin. "Sabi ko nga quiet na."

Sinuot ko na lang ang earpiece na binigay niya, pero parang kakaiba ata 'to. Hindi naman ganito earpiece dati sa agency, a?

"Uy, boss, tulong. Parang tanga naman kasi 'tong earpiece, pati pagkakabit kailangan high-tech," asar na saad ko habang pinupokpok nang marahan ang binigay niya.

Tinitigan niya ako nang malalim bago kinuha ang earpiece sa kamay ko. Siya mismo ang nagsuot sa t'enga ko, habang nakatanaw naman ako kay Caspeia na nasa labas.

Aba, matinik 'tong babaeng 'to, ganda ang labanan.

Nang-aakit lang naman ng mga agents sa paligid, tapos kapag sumama sa kaniya, ibabaliko ang ulo.

Matinik pala 'tong Caspeia na 'to, ginagamit ang pinagbabawal na technique.

"Ano, okay na ba, boss?" baling ko kay Third.

Kinuha niya ang ilang hibla ng buhok ko nang matapos siya.

'Saka ipinantakip ang mga 'yon sa t'enga ko na may earpiece. "We need to go out after 5 minutes, prepare yourself."

Nakangising inayos ko ang suit. "Sus, hindi pa ako napapanganak, prepared na ako."

Matalim niya akong tinitigan kaya agad kong tinikom ang bibig.

"Ang sungit, share ko lang, e," bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"What?" Gulat akong bumaling nang magsalita siya.

Walanghiyang 'yan, narinig niya pa rin 'yon? Pinakamahinang bulong ko na ata 'yon.

Anong klase bang pamilya ang m'eron 'to? Mga mutant?

"Sabi ko, ang gwapo mo, boss. Pakiss nga," nakangising sabi ko.

Mabilis ko namang tinakpan ang bibig nang marahas niya akong lingunin. "is that how you act whenever someone's around you? Normal 'yan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya nang magsalita siya ng tagalog.

"Holy mother eme! Nagtagalog ka? Akala ko forever spokening dollars ka na, boss. Keep it up." Tinapik ko ang balikat niya.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now