Chapter 26

20.7K 754 277
                                    

Silhouette

Pinigilan kong hindi magmura nang maramdaman ang pananakit ng puson ko. Katabi ko si Pow Pow sa pagtulog at ayokong magising siya dahil sa akin.

"Putangina," mahinang bulong ko habang namimilipit sa sakit.

Pilit kong inabot ang maliit na table sa tabi ng kama ko para kumuha ng lakas doon. Kahit namimilipit pa rin ako sa sakit ng puson ko ay sinubukan kong tumayo.

Agad akong napamura nang bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihina, lumikha nang malakas na tunog 'yon.

"Ate?" Mariin akong pumikit nang magising si Pow Pow.

Sapo-sapo ko pa rin ang puson ko na hindi papatalo. Sobrang sakit, amp.

"Ate, bakit ka nandiyan sa sahig?" Naramdaman kong lumapit sa akin si Pow Pow at hinawakan ako sa balikat.

"Whoo." Malalim na hininga ang pakawalan ko nang kumirot na naman ang puson ko.

Tangina, parang may lalabas na pari dito.

"P-Pow, tulog ka na ulit," nakangiwing utos ko habang namimilipit.

Naiiyak na umiling siya. "Ate ayoko! Bakit para kang nasasaktan? Ate!"

"Ays lang is me, t-tulog ka na--Whoo, shet," napamura ako nang manakit ang likod ko.

Sana ma-reincarnate ako bilang lalaki sa susunod na buhay. Magpapatuli ka lang tapos, tapos na.

"Ate, bakit ka ngumingiwi?" umiiyak na tanong ni Pow Pow. Naramdaman ko ang pagbaba niya sa kama.

Mabilis siyang tumakbo papalabas kaya naiwan ako dito na kinakalaban ang sariling puson.

Please, behave, sobrang sakit na.

"Baby? Shit!" Napalingon ako sa gilid ko nang bumungad sa akin si Third.

Mabilis niya akong dinaluhan at hinaplos sa buhok. "Why? Anong masakit sa 'yo? Tell me."

Kinagat ko ang ibabang labi. "P-Puson ko, parang hinahati."

Dahan dahan niya akong binuhat at hiniga sa kama, naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko.

"Stay here, baby, I'll get a hot compress for you. Don't move," bilin niya na tinanguan ko.

Naiwan kaming dalawa ni Pow Pow sa kwarto, naiiyak na lumapit si Pow sa akin at niyakap ako sa balikat.

"Ate, huwag ka nang umiyak--"

"E, hindi naman talaga ako naiyak, Pow Pow. Ikaw lang ang naiyak dito," mabilis kong sabat sa kaniya.

Napasinghot siya at tinitigan ako sa mukha. Hinaplos niya ang pisngi ko para tingnan kung may luha ba doon.

"Ay oo nga, ate, 'no? Take two," tumikhim siya bago ako yakapin ulit.

"Ate, magiging ayos din ang lahat," naiiyak na sabi niya kaya napatawa na lang ako.

"Pisti ka Pow Pow, huwag mo akong patawanin, nabulwak," matigas kong sabi sa kaniya.

"'Yung ano, ate?"

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now