Chapter 35

19.4K 692 118
                                    

Silhouette

"Pow Pow, dapat pala nagsuot ako ng costume ni Superman, 'no? Para ganahan ka naman," nakangising saad ni Alpha habang pinapakita pa ang muscles niya.

Walang emosyon na binato ko siya ng magazine na hawak ko.

"Aray! Bakit na naman?!" inis na tanong nito.

"Hindi ka nga nagbi-brief tapos magco-costume ka pa? Uwi!" galit na sigaw ko.

Sumimangot ito. "E, bakit ako lang?! Si Thunder din hindi nagbi-brief!"

Proud na tinaas ni Thunder ang kamay. "Proud presko here!"

Binato ko rin siya ng magazine.

"Proud pa kayo?!" singhal ko.

Napalingon kaming lahat kay Pow Pow na tumatawa. Agad naman akong napangiti nang makita ang nakakatunaw na kasiyahan sa mukha niya.

"Bakit ka natawa?" natatawang tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya.

"Kasi naman, ate, nakakatawa 'yung ekspresyon nila kuya." Humagalpak ito ng tawa matapos sabihin 'yon.

Kumindat si Alpha sa kaniya. "Masyado lang talaga akong gwapo, Pow Pow, kaya nagiging happiness mo ang pagmumukha ko."

Agad siyang binatukan ni Thunder na lumundag pa talaga sa harapan niya. "Anong gwapo? Hanggang tuhod lang kita!"

Mabilis na gumanti si Alpha sa kaniya.

"Baka gusto mong sampalin kita ng charisma ko?" mayabang na sagot nito.

Natawa ang lahat sa asaran ng dalawa, pasingit na sana ako para patahimik sila nang may humila sa akin.

Agad akong napalunok nang hilahin ako ni Third papasok sa maliit na kusina ng kwarto ni Pow Pow.

Sinarado niya ang pintuan kaya agad ko siyang nilingon.

"Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ko.

Sinandal niya ako sa pader habang hawak ang magkabilang balikat ko.

"Pow Pow needs to undergo chemotherapy, baby," malambing na sabi nito.

Agad akong napalunok dahil sa narinig. Hinaplos ni Third ang buhok ko habang mariin na nakatingin sa akin.

"Chemotherapy? Kakayanin niya ba 'yon?" nag-aalalang tanong ko.

"There are many ways to treat his condition, but chemotherapy is the most effective. You want the best for him, right?" mahina niyang tanong.

Agad naman akong tumango. "Makakalbo siya?"

"Yeah, it's because of the chemotherapy."

Napakagat labi ako. "Kawawa naman si Pow Pow, gagawin ko pa naman siyang model," naiiyak na bulong ko.

Pinitik niya ang noo ko. "Silly."

Pinawi ko ang mga luha sa pisngi.

"Seryoso naman ako, gagawin ko siyang model. Naaawa lang talaga ako sa bata. Kaya niya naman 'to 'di ba?" naiiyak kong sagot.

"Of course, baby, he'll survive, okay? I know he can," mabilis na sagot niya.

Nanlulumong napayuko na lang ako nang maramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"Naniniwala naman ako sa kaniya, Third. P-Pero nasasaktan pa rin ako. He's too precious for me, I c-can't," nauutal na sabi ko.

Pinunasan niya ang mga luha ko at marahan akong hinalikan sa noo. He cupped my cheeks with his both hands.

"Don't stress yourself that much, my baby. I hate seeing you like this." Napayakap ako sa kaniya nang idukdok niya ang mukha sa leeg ko.

Sininghot ko ang leeg niya pampakalma. Napakabango talaga ng boss ko, ang sarap gawing unan.

"Kiss mo na lang ako para hindi na ako mag-alala," pilyang sabi ko.

Humiwalay siya sa akin at nakangising hinarap ako.

"Gusto mo?" pang-aasar niya.

"Sasabihin ko ba kung hindi?!" inis na sagot ko.

Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya, umigting din ang panga niya. Niyuko niya ang ulo habang nagpipigil ng tawa.

"Oh fuck, baby, you're so irresistible," nanggigigil na bulong niya.

"Alam ko 'yon, matagal na. Bakit ka ba tumatawa--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.

Agad akong napapikit nang maramdaman ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.

Ang aggressive talaga nitong lalaking 'to, parang mapupodpod ang labi ko sa sobrang lalim nang paghalik niya.

Mariin akong kumapit sa balikat niya nang pisilin niya ang baywang ko kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi ko, may halong panggigigil.

"Let's just stay this way, baby," saad niya sa pagitan ng halik namin.

Muli niyang sinunggaban ang mga labi ko. Hindi man lang ako nakahinga, sunggab na agad.

Halos hampasin ko na siya dahil nawawalan na talaga ako ng hininga sa paraan ng paghalik niya.

Sige, Silhouette, suggest pa, goodbye hininga ka ngayon.

Agad akong lumayo sa kaniya nang marinig ang katok sa pintuan.

Inis na nilingon ni Third ang pintuan dahil sa paghiwalay ko.

Tinawanan ko na lang siya habang nakatingin sa mukha niyang hindi na maipinta sa pagkakabusangot.

"Silhouette?" tawag ni Athelia mula sa labas.

"Bakit?" Sinubukan kong pigilan ang tawa nang sumagot ako.

Galit na galit ang ekspresyon na sumandal si Third sa pader, katabi ko. Parang nababalutan siya ngayon ng mga demonyo. Kahit kailan talaga.

"Gusto raw kasi ni Pow Pow ng banana milk, okay lang ba kung bilhan namin siya?" tanong nito mula sa labas.

"Why don't you just leave and--" Natatarantang tinakpan ko ang bibig ni Third nang sumingit ito.

Pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya pinanlakihan ko rin siya.

"Shut up!" mahinang singhal ko.

"T-Third? Boss, nandiyan ka rin?" takang tanong ni Athelia mula sa labas.

Tumikhim ako. "Ah, eh, wala! May daga lang dito. Ako 'yon! Lumalaki boses ko kapag galit."

Pasimple kong tinadyakan si Third nang halikan niya ang pisngi ko.

"Paepal ka!" inis na bulong ko.

Hindi niya ako pinansin, patuloy pa rin siya sa paghalik sa pisngi ko. Ang higpit pa nang pagkakayakap sa akin, pisti talaga 'tong lalaking 'to!

"Sige, aalis muna kami ni Thunder, Silhouette, ha? Babalik din agad kami." Rinig kong sabi ni Athelia mula sa labas.

"Sige sige! Lalabas din ako mamaya, may pinapatay lang akong daga!" sigaw ko habang kinukurot si Third na sobrang higpit nang pagkakayakap sa akin.

Ninakawan pa ako ng halik sa labi kaya halos mabalibag ko siya.

"Sige, Silhouette, enjoy kayo diyan ni boss." Sinabayan ni Athelia ng maliit na tawa ang sinabi niyang 'yon.

Nakita ko ang pagngisi ni Third habang hinihintay namin na makaalis si Athelia.

"Peste, paano nalaman no'n?" takang tanong ko.

Mas umangat pa ang sulok ng labi niya. "She's my member, Silhouette. And you, are my business."

Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa sinabi niya. "Para kang tanga, boss! Pakasal na nga tayo!"

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now