Chapter 33

18.9K 648 92
                                    

Silhouette

"Pow, kain na," mahinang sabi ko nang mailapag ang mga pagkain sa lamesa.

Nakita ko ang paghaba ng nguso niya bago umiling. "Ate, wala po akong gana."

Kumunot ang noo ko bago tumabi sa kaniya. "Bakit? Ayaw mo ba ng mga pagkain? Anong gusto mo? Ipagluluto kita."

Umiling siya. "Wala talaga akong gana kumain, ate, sorry po."

Hinaplos ko ang likod niya. "Okay lang, huwag kang mag-sorry. Pero kailangang magkalaman ng tiyan mo, okay lang ba sa 'yo 'yung lugaw?"

Matamlay na tumango siya, pansin ko rin ang pamumutla niya noong mga nakaraang araw.

Hinawakan ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit.

"Pow, masama ba pakiramdam mo? Sabihin mo kay ate," nag-aalalang sabi ko.

Ngumiti siya nang pilit. "Ayos lang po ako, ate. Baka naninibago lang ako sa mga foods, kasi 'di ba ate sosyal ako?"

Natatawang umiling ako sa kakulitan niya. Ginulo ko ang buhok niya bago tumayo sa kinauupuan.

"Bibili lang ako ng lugaw diyan sa kanto, dito ka lang, ha? Kailangan mong kainin 'yon para magkalaman tiyan mo," bilin ko sa kaniya habang kinukuha ang susi ng motor.

Tumango siya at yumakap sa akin. "Thank you, ate, the best ka talaga!"

"Ang drama mong bata ka, alam ko namang the best ako. No need to clarify, since birth pa akong the best," pagyayabang ko.

Ngumuso siya at bumusangot dahilan para matawa ako. Nagpaalam na ako sa kaniya bago lumabas ng bahay, sumakay agad ako sa motor ko para bilhan si Pow Pow ng makakakain.

"Ija! Ngayon ka na lang ulit bumisita!" nakangiting sigaw ni manang Tess nang maiparada ko ang motor sa harapan ng tindahan niya.

Tumango ako. "Busy ako, manang. Maraming ginagawa sa trabaho. Magkano nga ulit lugaw mo?"

"May bente ako, may laman na 'yon. Pili ka na lang sa mga laman diyan, anak," sagot niya.

"Sige, isang order, manang. Itlog lang ang laman. Huwag mo nang haluan ng kahit ano, maarte kakain niyan, e," simpleng sagot ko.

Tumawa siya. "Si Pow Pow ba? Sabi na nga ba at may sakit ang batang 'yon."

Kumunot ang noo ko. "Po?"

"Bakit? Wala ba siyang sakit? Akala ko naman ay may lagnat ang batang 'yon kahapon, nakita ko kasing namumutla noong hinatid ko si Pauleen sa school. Dinala rin daw siya sa clinic noong isang araw bago kayo pumuntang Cebu," sagot niya.

Mas kumunot pa ang noo ko sa narinig, tangina.

"Ano? Bakit dinala sa clinic?"

"Nagdugo raw ang ilong tapos nahimatay habang nagkaklase." Napatulala ako sa kawalan nang marinig ang sagot na 'yon.

"Ito, ija. Libre na 'yan kasi mabait si--" Hindi ko na pinatapos si manang, hinablot ko na ang plastik ng lugaw sa kamay niya bago patakbuhin nang mabilis ang motor.

Nang makarating sa bahay ay dali dali akong bumaba sa motor. Halos takbuhin ko ang loob ng bahay para makita si Pow Pow. Gusto kong tanungin ang batang 'to.

"Pow?" singhal ko nang hindi siya makita sa loob.

"Pow?!" Natatarantang binaba ko ang plastik sa lamesa bago akyatin ang second floor.

"Putangina!" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Pow Pow na nakahandusay sa sahig habang nagdudugo ang ilong.

Dali dali ko siyang nilapitan at tinapik sa pisngi. "Pow, gumising ka!"

Nanatili itong walang malay kaya hindi ko na maiwasan ang kabahan at mataranta. "Fuck it. Pow, gumising ka, please. Naririnig mo ba si ate?"

Wala itong naging sagot. Napahilamos ako sa mukha dahil sa kabang nararamdaman. Pinunasan ko ang dugo sa ilong niya at ilang beses siyang hinalikan sa noo.

Hindi ko siya puwedeng isakay sa motor dahil nanginginig ako, at ayokong maaksidente kami.

"Putangina. Pow, gumising ka, nandito si ate!" naiiyak kong singhal dito.

Isang pangalan ang pumasok sa utak ko kaya mabilis kong hinugot ang cellphone sa bulsa at nanginginig na tinawagan ang taong puwedeng makatulong sa akin.

"T-Third?" naiiyak kong tanong.

"Why?" Mas naiyak ako nang marinig ang boses nito.

"P-Please, help me. I'm begging you," nanginginig ang boses na pakiusap ko.

"Baby, calm down, what's happening? Tell me." Sinubukan kong kumalma, pero sa tuwing nakikita ko si Pow Pow ay nanginginig ako.

"Si Pow Pow, Third, si Pow Pow!"

"Baby, I want you to calm down, okay? Take a deep breath, baby. I'm inside my car right now. I want you to tell me what happened, slowly, baby, slowly," mahinahong saad ni Third.

Kumalma ang puso ko sa tuwing naririnig ang malambing niyang boses. Huminga ako nang malalim gaya ng sabi niya.

"N-Nakita ko na lang si Pow Pow dito na nakahandusay, nagdudugo 'yung ilong niya, T-Third. Hindi ko alam ang g-gagawin ko, please, tulungan mo ako," naiiyak kong paliwanag.

"Hush now, baby. I'll be there in a minute. Just wait for me, stop crying, baby, please. I'm coming, okay?"

Napapikit ako nang mariin. "Thank you, Third."

Hindi ko maiwasan ang mag-alala para kay Third. Sobrang layo ng headquarters dito at sabi niya, sa ilang minuto nandito na siya. Ayokong maaksidente siya nang dahil sa akin.

Mahigpit kong niyakap si Pow Pow habang hinahalikan ang noo nito.

"Don't worry, okay? Dadalhin kita sa Hospital, I'm sorry," naiiyak kong sabi dito.

Lumingon ako sa pintuan nang may marinig na kaluskos doon. Halos halikan ko si Third sa sobrang tuwa nang makita ko siyang papalapit sa amin.

Binuhat niya si Pow Pow matapos akong halikan sa noo.

"Stop crying, baby. Come on." Tumango ako sa sinabi niya.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi bago sumunod sa kanila ni Pow Pow.

Nang makasakay ako sa tabi niya ay kinuha ko na si Pow Pow mula sa bisig niya.

Mahigpit kong niyakap ang alaga ko dahil sa sobrang pag-aalala.

"You'll be fine, soon, okay? I'm here," mahina kong bulong dito.

Tumingin ako kay Third nang hawakan nito ang kamay ko. Mahina niya iyong hinaplos.

"I'm here baby, I'm here. Stop crying, please? Everything's gonna be alright," malambing na sabi niya.

Kinagat ko ang ibabang labi bago tumango nang dahan dahan.

Tumingin ako sa labas ng bintana at tinanaw ang kalangitan.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now