Chapter 49

17.7K 620 70
                                    

Silhouette

"We need to isolate the patient for 1 week, Miss. Montevero. Normal lang naman ang gagawin nating proseso dahil lahat ng pasyente na may Leukemia ay dumadaan sa ganito. We call this special isolation, in order to prevent infections to spread sa mga bibisita sa bata," paliwanag ng doctor.

Napatango ako. "Does that mean that I can't visit him, for 1 week?"

Tumango ito. "Puwede naman kayong bumisita pero sa labas lang ng kwarto ng pasyente. I suggest, avoid physical contact with the patient, this is for his good and for you sake also."

Malungkot na tumango ako. "Thank you, doc."

Nagpaalam na ito sa akin bago umalis.  Humarap ako sa salamin kung saan malaya kong nakikita si Pow Pow na nasa loob.

Maraming nakadikit na apparatus sa kaniya kaya hindi ko maiwasan ang maawa sa lagay ng batang 'to.

I touched the glass window. "You'll get better soon, Pow Pow. Lagi akong bibisita sa 'yo, ha?"

Nakita ko ang bahagyang paglingon nito sa akin. He smiled at me kahit halata sa mukha niya ang hirap.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita kung anong oras na. Gabing gabi na, hindi na ako puwedeng matulog sa loob ng kwarto dahil naka-isolate siya. This is getting worst.

Lumingon ako sa nurse na lumabas mula sa kwarto ni Pow Pow.

"Ma'am, pinapasabi po ng pasyente na magpahinga na raw po kayo. Huwag daw po kayong mag-alala sa kaniya dahil may mga bantay naman sa paligid," saad nito.

Ngumiti ako nang matamis at lumingon sa direksyon ni Pow Pow. He waved his hands at me while smiling. He gestured me to go.

Kumaway rin ako sa kaniya bago magpaalam.

Wala na akong ibang choice kung 'di ang umuwi muna sa bahay para magpahinga. Hindi ako puwedeng magpakita kay Pow Pow ng kahit anong kahinaan.

Matamlay akong nagmaneho papunta sa bahay ko. Madilim ang paligid, malungkot, walang kabuhay-buhay.

Hindi ko na binuksan pa ang ilaw, umaasa na lang ako sa liwanag na galing sa bintana. Nanghihinang umupo ako sa sofa at napahilamos sa mukha.

"This is getting worst," bulong ko.

Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo nang makaramdam ng antok. Nawala ang panghihina ko nang maramdaman ang presensya ng dalawang tao sa loob.

Malutong akong nagmura nang may tumalsik na isang dagger papunta sa direksyon ko. Agad kong sinalo 'yon gamit ang dalawang daliri.

Antok na antok na ako pero may mga pesteng gumugulo pa rin sa akin.

Mabilis ang mga kamay na inabot ko ang katana sa gilid ng pintuan at sinaksak ang lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

Malakas kong tinadyakan ang katawan nito papunta sa kasama niya, natumba silang dalawa sa sahig kaya kumilos ako papalapit.

Madiin ang kapit sa katana na tinarak ko ang hawak sa noo ng huling lalaki.

Walang emosyon na binitawan ko ang hawak nang makitang wala na silang buhay, binagsak ko ang katawan sa sofa at namaluktot.

Saktong pagbigat ng talukap ng mga mata ko, isang anino ang dumaan sa harapan ko. Tuluyan na akong hinila ng antok.

Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ang gutom. Muntik pa akong mapasigaw nang makakita ng isang tao sa tabi ko.

Pero nang maamoy ko ang pabango niya, alam ko na agad kung sino siya.

Third is here, he's wearing an all black outfit. Nakadukdok din ang mukha niya sa dalawang kamay niya habang may dugo sa mga kamay niya.

Nilingon ko ang paligid at laking gulat ko nang makita kung gaano karaming bangkay sa paligid.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at mahigpit na hinawakan ang kumot.

"T-Third?" utal na saad ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Hey, baby."

"What are you doing here?" takang tanong ko at bahagyang lumapit.

He gestured me to hug him na agad kong ginawa. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at tiningala siya.

"The doctor told me that you went here, you didn't even tell me. These assholes around you tried to kill you again, inunahan ko na," malamig na saad niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

Ngumiti ako. "Thank you, I love you."

He smiled before kissing my lips. Naramdaman ko ang panggigigil sa paraan ng paghalik niya.

I felt how he licked my lips before biting it. Humigpit ang kapit ko sa balikat niya habang inaangkin ang labi ko.

"I love you too. You woke up suddenly, why?" malambing na tanong niya pagkatapos humiwalay sa halik.

Napanguso ako nang matandaan kung bakit ako nagising. "Nagugutom na kasi ako."

He chuckled softly. "Come on, get up. I'll cook for you."

Natawa ako nang malakas. "With all these corpses around us? Ang sama talaga ng ugali mo."

He nodded. Binuhat niya ako na parang pangkasal at nilapag sa ibabaw ng dining table.

"What do you want for dinner?"

"Anything!" masayang sabi ko.

Niyakap niya ako nang mahigpit bago halikan sa labi. "Ofcourse, I'll give what my baby wants."

Napahagikhik ako sa kilig. Hay, ang sarap mabuhay kapag may ganitong boyfriend.

Nakaupo lang ako sa dining table habang pinapanood siyang magluto. Paminsan-minsan ay dinadaanan niya ako para halikan sa labi.

Ewan ko ba sa lalaking 'to, masyado akong perfect para sa kaniya, kaya siguro patay na patay 'to sa akin.

Montevero lang pala ang makakatalo sa isang Knights, sana pala nalaman ko agad.

"Hey, come on, eat up." Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita siya.

Binuhat niya ako pababa ng table, nilingon ko ang mga pagkain na hinanda niya. Ngumiti ako nang malambing sa kaniya bago siya dambahin ng yakap.

"Thank you, baby!" sweet na saad ko.

He kissed my cheeks. "You're always welcome."

Umupo ako sa upuan at nilantakan ang mga pagkain habang pinapanood niya ako.

Natigil ako sa pagnguya nang makarinig ng ungol mula sa isang lalaki na nakahandusay sa sahig. Buhay pa.

Lumingon ako kay Third na lumingon sa lalaki. Biglang dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.

"Third, h-hayaan mo na. Mamaya mamamatay din 'yan," utal na saad ko.

Parang anumang oras ay magbubuga siya ng apoy dahil sa dilim ng ekspresyon niya.

He held my hand bago hugutin ang baril sa likod niya. Binaril niya sa ulo ang lalaking 'yon.

Then he looked at me. "You're not safe here, baby. I'll take you to my house tomorrow."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now