Chapter 19

21.9K 879 191
                                    

Silhouette

"Nah, that's too daring," striktong sagot niya nang ipakita ko ang isang dress.

Napabuntong hininga ako sa sagot niya. Walanghiyang daring 'yan, panglimang daan na niyang sinabi 'yan.

Lahat ng pinipili kong dress hindi naman makikita ang kaluluwa ko, pero bakit puro siya daring?

"Third, sabihin mo na lang sa akin kung masyado kang nagagandahan, edi ikaw na ang pumili para sa akin!" asar na saad ko.

He 'tsked' at me bago ako titigan nang masama.

"Joke lang. Sabi ko nga ako na lang," sumisipol na saad ko.

Napalingon ako sa isang turtle neck long sleeve na kulay itim, aba, mukhang puwede nang pagtiyagaan.

Kinuha ko na lang ang damit na 'yon at inabot ang isang skinny jeans doon. Pinakita ko sa kaniya ang pares na kinuha ko.

He stood up and snap his fingers. "Good, that's good."

Asar na sinamaan ko siya ng tingin, kahit kailan talaga 'to. Kanina pa ako nagtatanong nang maayos, hindi na lang niya sinabi kung ano ang gusto niya.

"Psh, sayang talaga 'yung mga dress. Marami na sana akong mahahatak na lalaki sa amuse--"

"What the fuck?" galit na putol niya sa akin.

"Oh bakit?" nanghahamon na tanong ko.

Lumapit siya at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Hindi ka manlalalaki doon, Silhouette. You're there for our mission, at subukan mong lumingon sa iba. Papatayin ko sila sa harap mo."

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Nakakatakot talaga 'tong lalaking 'to, daig pa ang horror movies.

"A-Aray," pagkukunwari ko habang pilit na inaagaw ang braso.

Mabilis naman niyang binitawan ang braso ko bago siya maglakad papalayo. Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay naramdaman ko pa rin ang bahagya niyang pagtigil.

"Wear decent clothes, Silhouette, you know how wicked my mind is."

Naiiling na nilingon ko ang pintuan na pinaglabasan niya. Ang gulo talaga ni boss, feeling ko kursunada talaga ako no'n.

Napangisi na lang ako. Sino ba namang hindi magkaka-crush sa akin? Ako ata pinaka-cute sa mundo. Minsan nakakapagod na rin, hays.

Sinuot ko na lang 'yung napili kong mga damit. Pagkatapos ay sinuot ko ang itim na rubber shorts.

Napalingon ako sa isang salamin bago kindatan ang sarili. "Ganda mo talaga."

"Ate?" Lumingon ako sa pintuan nang may magsalita doon.

Lumapit ako para pagbuksan si Pow Pow na nakabihis na rin. Naks, ang gwapo ng alaga ko.

"Nagmumukha kang tao kapag nandito ka, dito ka na lang gusto mo?" panloloko ko.

Agad naman siyang humagikhik, pinagpag niya pa ang suot na damit. "Ate, tara na! Gusto ko nang pumunta sa amusement park!"

Nakangiting binuhat ko siya pababa sa sala kung nasaan ang Delta. Pagkababa ko, nag-uusap usap na sila at kaniya-kaniya na ring dala ng mga armas nila.

Lumapit ako kay Third nang kuhanin niya sa bisig ko si Pow Pow. Tinuro niya ang mga nakalatag na baril at ibang armas sa table.

Ngumuso ako bago kuhanin ang isang baril, nilagay ko ito sa likuran ng pantalon ko. Kinuha ko rin ang isang maliit na kutsilyo at tinago sa buhok ko.

"Boss, mauna na kami doon ni Thunder." Sumaludo ang dalawa kay Third na tumango lang.

"Caspeia, Perzeus, just stay here incase of emergency. Chios, Athelia, Flame, umalis na kayo," malamig na bilin niya sa mga ito.

Sumaludo sila kay Third at nagpaalam naman sa akin. Nag-babye naman ako sa kanila.

Natira na lang kaming lima dito kaya lumingon na ako kay Third. "Boss tara na, baka mawala na sa utak ko 'yung mga script na naisip ko."

Kumunot ang noo niya. "Script? For what?"

"Para kunwari mag-asawa tayo, baka kasi mamaya murahin lang kita, 'di ba dapat sweet tayo?" Ngumiti pa ako nang malapad.

Sinamaan niya ako ng tingin. "There's no need for that. I don't even need a script to act."

Napatulala ako sa sinabi niyang 'yon. Ano raw? There's no need? Ayos pala 'tong boss ko, artista.

Sumakay na kami sa kotse, siya ang magd-drive at si Pow Pow naman ay nasa kandungan ko.

"Ate, kuya, excited na talaga ako!" Pumapalakpak na saad ni Pow Pow.

Napangiti naman ako. "Ayos 'yon, ngayon ka lang ba makakapunta sa amusement?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Opo, ate. At espesyal 'to kasi kasama kita, pati si kuya Third."

Natatawang ginulo ni Third ang buhok niya habang minamaubra ang sasakyan.

"You can enjoy in that place anytime you want, I can take you there everyday if you want to," saad niya kay Pow Pow.

Napangiti naman ako. "Ayos ka talaga, boss. Sige gumanyan ka pa, kaonti na lang ik-kiss na kita."

Nginisian niya ako. "Then do it."

Hanep na 'yan.

"Kuya, magpapakabait po ako, promise. Hindi po ako maglilikot habang ginagawa ninyo 'yung mission ninyo," nakangiting sabi ni Pow Pow.

Gulat na lumingon si Third sa kaniya bago tumingin sa akin.

"You told him?" tanong niya.

"Dati pa, matalino naman 'tong batang 'to kaya naiintindihan niya. Gusto ko Third kapag nagkaanak tayo ganito katalino, ha? Kapag hindi baka iitsya kita," sigang saad ko.

Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti habang nagmamaneho. Nagpipigil ata 'tong matawa, halatang tinatawanan lang ang mga sinasabi ko.

Aba, kung siya lang din naman ang tatay ng magiging anak ko, goodbye world. Siya na ang gagawin kong mundo.

"Silhouette, why don't you try to filter your mouth? You can't say that to anyone," saad niya.

"Ayos lang, boss, sa 'yo ko lang naman sinasabi. Loyal ako sa 'yo, e. Ikaw lang sapat na, yiee," kinikilig na saad ko.

"I mean." Tumigil siya saglit bago ako sulyapan. "You can always say that, but only to me. I am fine with that as long as you'll stay by my side."

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Parang masyado siyang seryoso, ang lalim ng boses niya, pati pagkakasabi niya parang siguradong-sigurado siya.

Napakagat labi na lang ako bago pakawalan ang ngiti na pilit kong tinatago.

Humagikhik ako bago siya paluin sa braso. "Para ka talagang tanga, boss! Baka mahalikan kita sa sobrang kilig ko."

He chuckled. "I am serious, Mienne."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now