Chapter 17

21.8K 950 339
                                    

Silhouette

"Shit, legit nga," mahinang mura ko habang nakatingin sa cellphone.

"Ano 'yan, ate?" Lumapit si Pow Pow at umupo sa tabi ko.

"May isang milyon agad ako sa bangko ko. Akala ko scam lang 'yung sinabi sa akin nung bruhang Caspeia na 'yon," bulong ko.

Tumawa si Pow Pow sa tabi ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Aba, patawa-tawa ka na lang diyan, mayaman ka na Pow Pow. Ako na ang nakikipagbalibagan para sa 'yo, kiss mo ako!" sigang sigaw ko at itinuro pa ang pisngi ko.

Magiliw niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "The best ka talaga, ate!"

Napangisi naman ako. "I know right."

Napatingin ako sa cellphone nang tumunog 'yon. Binuksan ko ang isang message na kaka-send lang.

Headquarters. Now.

Napamura ako nang malutong, alam na alam ko na agad kung sino 'to. Sino lang ba ang taong hindi nagsasalita? Edi si Third.

Agad akong nagtipa ng reply, napangisi pa ako sa huling sinabi ko.

Gagi, bakit? Emergency? Kasama ko si Pow Pow, wala siyang pasok. Miss na miss mo na agad ako, boss.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya sumagot. Inabot ko ang cellphone at binasa ang sinabi niya.

Bring the child here if you want, Silhouette.

Napapitik ako sa hangin, buwela! Puwede ko nang ibenta si Pow Pow sa mga 'to, ay, biro lang, akin lang 'tong batang bansot na 'to.

"Pow Pow, mag-ayos ka, aalis tayo," utos ko sa kaniya bago kuhanin ang susi ng motor.

"Saan, ate?" takang tanong niya.

Ginulo ko ang buhok ni Pow Pow. "Ipapakilala kita sa future daddy mo."

Inis na inalis niya ang kamay ko sa buhok niya. "Ate! My hair is so messy!"

Napamura ako nang malutong sa isipan ko. Aba walanghiyang bata 'to, bakit nage-english 'to?

"Pow Pow, saan mo natutunan 'yan?" manghang tanong ko.

Ngumisi naman siya at nag-pogi sign pa. "Magaling ako, ate, e. Crush ko kasi 'yung english teacher namin kaya nakikinig akong mabuti."

Napatakip ako ng bibig nang wala sa oras dahil sa sinabi niya. Napapikit pa ako habang pilit na pinoproseso ang sinabi ng batang 'to.

"Iba ka talaga, Pow Pow. Masyado ka nang maraming nalalaman," iiling-iling na sabi ko.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Magbibihis na ako, ate ha? Gusto ko makita 'yung leader mo na mukhang kursunada ka!"

Nakatulalang pinanood ko siya paakyat sa kwarto. Pasmado talaga ang bibig ng batang 'yon. Anong kursunada ako ni Third? E, wala naman atang balak maging masaya ang lalaking 'yon.

Nagkibit balikat na lang ako bago mag-ayos ng sarili.

"WOW, ate, ang laki ng headquarters ninyo!" namamanghang saad ni Pow Pow habang nakatanaw sa harapan.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon