CHAPTER 60

15.3K 193 9
                                    


CPFH 60

Weeks passed by...

Clarisse's POV

"Ma'am ngayon po pala dadating yung mga galing sa New York na dresses at yung mga—MA'AM.." yan ang huli kong narinig and then it went black.

Jeff's POV

"Mikael pre please take over the meeting, my wife needs me. I'm sorry but I need to go, Mikael will take over the unfinished discussion. Excuse me everyone." sabi ko sa mga new board members and directors namin.

Tinawagan kasi ako ni Grandma na tinakbo daw si HonKo sa ospital kaya naman andito ako ngayon patakbong papuntang car park.

Nung nakarating ako sa ospital..

"Grandma, ano daw nangyari?" tanong ko kasi sabay pa kaming pumasok sa loob, kakarating lang din niya eh.

"Aba't ako pa ang tinanong mo ah, aba malay ko. Tumawag lang din yung secretary niya sa'kin dahil hindi ka niya makontak." Kaya ayun sabay pumasok nalang kami sa loob

Nung nakarating na kami sa reception at natanong na namin kung anong room niya ay pinuntahan na namin agad. Good thing kakalabas lang nung doctor sa room niya..

Teka ito yung doctor ni Grandma ah, doctor pala namin pero hindi kami close kasi hindi naman ako sakitin eh.

"Doc what happened to my wife?" tanong ko agad.

Nagpalit-palitan lang ang tingin nya sa'min ni Grandma. Kinakabahan tuloy ako. He smile to us and my mouth dropped the next words he said..

"She's pregnant." at nagtatalon-talon pa kami pati si Grandma at Doc..

"Aheeem!" napatigil lang kami sa pekeng ubo ni Doc. Ayos pala 'tong si Doc eh, isip bata.

"Pa-pa'no—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi pinagpapalo nila ako.

"Aray, Grandma naman. Doc pati ba naman ikaw?" sabi ko habang busy sa pagsalo ng mga palo nila.

"Bakit hindi mo alam hah? Pa'no kung may nangyaring masama sa kanila?" sabi ni Grandma. Oo nga, hindi ko man lang kasi pinapansin ang mga umiiba niyang ugali ngayong nakaraang lingo. Ganun pala yun.

"Oh bakit ka din pumapalo Doc?" lokong tanong ko sa doctor.

"Wala lang trip lang, hehe." sabi niya. At napatigil naman silang dalawa buti naman, ang sakit ng mga pinagpapalo nila hah.

"Anyway as I said a while ago, she's 5 weeks pregnant. And she need vitamins kasi mahina ang katawan niya, pakainin mo din dapat siya ng gulay at prutas. Kung itatanong mo kung pwede niyo din pa din bang gawin yun, it's okay as long as hindi mapapagod masyado si misis and be gentle. May tanong pa ba?" sabi ni Doc.

"Pero yung result sa all over check-up niya dati—" hindi ko na natapos ulit ang sasabihin ko.

"Hindi naman kasi permanent yun maybe something wrong on her ovary that time. But ito ang itatanong ko sa'yo, ilang beses niyo ba ginawa yun?" tanong ni Doc habang si Grandma naman ay nakikinig lang.

"Hmm I don't know, last month? Everyday, I mean every night?—" may sasabihin pa sana ako nung pinalo ako ni Grandma.

"Grabe ka ah, tinotoo mo yung sinabi kong try and try huh." sabi ni Grandma. Ngumiti lang ako tsaka nag-peace sign.

"Oh ikaw pala ang may kasalan Grandma eh." biro naman ni Doc sabay turo kay Grandma.

Kumunot naman ang noo ni Grandma, close kasi sila ni Doc.

"Joke lang Grandma, atleast magkaka-apo ka na sa paborito mong apo diba Grandma?" sabi naman ni Doc.

"Oo nga naman Jeff, kaya pala. Oh sige, any minute magigising na yun kaya pumasok ka na sa kwarto niya." sabi ni Doc sa'kin at binigay yung picture ng ultrasound niya may maliit sa bagay, malamang fetus pa siya. Lalaki kaya o babae? Hihi, im so excited.

"Doc, libre mo naman akong coffee, kinabahan ako dun eh." sabi ni Grandma, si Grandma talaga eh noh, crush niya kas si Doc.

"Grandma, kinakabahan ka na nga coffee pa ang gusto mo. Libre nalang kita ng dutchmill. Tara." sabi naman ni Doc. Mga isip bata..

At yun, lumayas na sila. Nilagay ko sa bulsa ng suit ko yung photo na binigay ni Doc saka dumiretso sa pintuan ni HonKo. Kumatok ako at pumasok na sa loob.

"Hon?" mahinang sabi niya, gising na pala siya. Naglakad lang ako papalapit sa kanya na walang emosyon ang mukha.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Ano palang nangyari? May sakit daw ba ako?" sunod-sunod niyang tanong. Pero hindi pa rin ako nagsalita, yumuko lang ako at umupo sa kama sa tabi niya.

"Uy Jeff, ano na? May sakit ba ako? Malala na ba? Mamatay na ba ako?" sunod sunod ulit niyang tanong at mukhang naiiyak na. Gusto ko nang tumawa dito pero pinipigilan ko. Sayang effort ko eh kaya ipagpapatuloy ko nalang ang roleplay ko.

"Jeff naman eh, magsalita ka naman jan." yan umiiyak na talaga siya. Kaya naman niyakap ko na siya tsaka binulong sa kanya...

"You're pregnant Hon."

At yun lumakas lang yung iyak nya at pinagpapalo din ako. Pansin ko lang, kanina pa ako pinagpapalo ng mga tao dito ah.. Pansin niyo din?

"Aw, ouch!" sabi ko lang.

"Kainis ka kasi eh. Ano nga ulit sabi mo kanina?" tanong niya ulit.

"You're 5 weeks pregnant Hon." sabi ko nalang tsaka hinalikan siya sa labi.

"Hindi nga? Wala akong sakit?" tanong ulit niya

"Wala kang sakit." Sabi ko naman. At nilabas ko yung picture at binigay sa kanya

"Totoo?" tanong ulit niya.

"Oo nga, magkakababy na tayo." sabi ko nalang at ngumiti sa kanya.

"Pero yung—yung—" hindi ko na sya pinatapos at hinalikan ulit.

"Hindi daw totoo yun." sabi ko nalang, tinatamad na akong mag-explain eh. Hindi pa rin nag-sisink-in sa utak ko ang mga pangyayari hanggang ngayon eh.

"Pwede nang umuwi? Ayoko dito, ang baho." sabi niya

"Sige tanong ko kay Doc. Pahinga ka muna hah." sabi ko sa kanya at inalalayang humiga, tsaka ko hinalikan yung noo niya saka lumabas na sa kwarto niya.

Clarisse's POV

I just can't believe what is happening right now? Pero totoo? Buntis ako? Napangiti nalang ako at hinaplos ang maliit kong tiyan. Hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya ngayon.

Oo. Masaya na ako kay Jeff kasi tanggap ko na dati na hindi kami magkakaanak pero ngayon, ngayon pa rin ang pinaka masayang araw ng buhay ko.

This time magiging maingat na ako sa lahat. Kung pwedeng sa loob ng kwarto nalang ako doon ako pero ang boring naman nun. Basta tripling ingat ang gagawin ko ngayn dahil hindi ko na kakayanin kung mawala ulit ang anak ko. Baka mabaliw na ako niyan. Alam ko namang hindi kami pabababayaan ni Jeff eh.

Thank you Lord for giving me these. My everything.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now