CHAPTER 4

24.3K 352 8
                                    


Chapter 4

Clarisse's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa may bintana na tumatama sa mukha ko at napatingin agad ako sa katabi ko, tulog pa din at nakayakap pa din sa'kin 'tong pervert na 'to. Sa sobrang inis ko, inalis ko ang kamay at paa niya tsaka tinulak, at 'yun! Diretso sa sahig...wahahaha!

"OUCH!"  ayun, mukhang galit na.

"Goodmorning!" bati ko lang sa kanya tsaka sinabayan ng matamis kong ngiti. Tsaka ako tumayo at lumabas na ng kwarto niya. Mahirap na baka gumanti pa, nang isasara ko na yung pintuan may nakita akong papel kaya kinuha ko ito at binasa..

Mga apo,
Mauna na ako sa inyo ah, may meeting pa kasi ako. Hindi ko na kayo ginising dahil ang himbing ng mga tulog niyo, lalo ka na Jeff, kung makayap wagas! Parang mawawala naman 'yang asawa mo pag tulog ka. Oh! siya sige, wag na kayong mag alala sa akin. Salamat sa pagkupkop sa akin dito.. Godbless!

Grandma

Pagkatapos kong basahin ay pumasok ulit ako sa kwarto ni Jeff para ibigay 'tong note ni Grandma. Pero pagkapasok ko, nagulat ako sa nakita ko kaya tumalikod ako agad sa kanya.

"Hindi man lang marunong kumatok HonKo?" nang-aasar niyang saad, eh kakagaling ko lang dito ah. Bakit ba kasi siya walang damit?

"Eh kagagaling ko lang dito ah. At bakit ka ba kasi walang damit ah?" inis kong saad sa kanya. At ang sagot lang niya ay..

"Malamang maliligo na po, may sasabihin ka ba at nabalik ka dito?" may halong loko sa tono niya.

"Ganyan pala kayong maligo, naghuhubad na bago pumasok sa banyo." bulong ko "Oh 'yan!"  sabi ko nalang at nilapag sa table niya ang note ni Grandma saka lumabas na ako. Pumunta sa kwarto ko para makapag ayos na din kasi syempre may trabaho din ako noh.

Days passed by...

Nakalipas na ang mga araw na busy ako kasi may project kami at dalawang araw na akong madaling araw umuuwi dito sa bahay at ewan ko kung nasan si Jeff, kung nandito ba siya o wala? Hinahayan ko lang naman siya gaya ng nakasulat sa contrata namin. Tsaka malaki na yun kaya na niya sarili niya.

At ngayong tapos na ang aming project pinagpahinga muna kami ni Ma'am kaya eto ako ngayon, matutulog ako maghapon.

Jeff's POV

Ilang araw na din na hindi kami nagkikita ni Honko. Hahaha, maasar nga 'yun. 'HonKo' na ang itatawag ko sa kanya.


Busy ata siya sa trabaho niya ngayong nakalipas na araw. Ako din naman eh. Busy. Busy sa mga pinapapirma ni Grandma ng kung ano ano. Oo ako na ang pinagpapapirma niya kasi ako na daw ang magiging may ari ng companya balang araw.

Hay si Grandma kasi hindi pa ibigay yung mana ko. Syempre pagkatapos sa opisina. Sa bar ang diretso with my barkada syempre. Si Erick kasi ang may ari ng bar at isang text ko lang kina Chris, Vince at Glenn mamaya nanjan na sila, ofcourse dito kami parati nakatambay este halos gabi gabi pala.

At syempre marami ring mga babae doon. Hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng bar tsaka nagpark at dumiretso sa pwesto namin.

"Kumusta naman ang buhay may asawa Bro?" bungad na lokong tanong sa'kin ni Vince

"May asawa? Sinong may asawa? Kung maka-bar gabi-gabi nga, akala mo walang girlfriend eh." dagdag naman ni Glenn saka sila nagtawanan at nag-apiran

"Hey! stop teasing Jeff, alam naman natin ang sitwasyon niya diba?" saad naman ni Erick

"Oo na. Uy maraming bagong hot chicks ngayon pre oh!" sabi naman ni Chris

"Yeah! So lets enjoy the night guys!" sabi ko nalang

"Hindi ka pa ba nag-eenjoy gabi-gabi?" rinig kong bulong ni Glenn pero tinignan ko lang siya ng masama.

Nagpaalam muna ako sa kanila dahil tinatawag ako ni mother nature. Nang paglabas ko ng Restroom, may biglang may lumapit na hot chick sa akin

"Hey handsome, may kasama ka ba?" tanong ng babae sa'kin habang hawak-hawak ang necktie ko.

"Yeah, barkada ko. But they don't mind me at all." saad ko sabay kindat

At hinalikan na niya ako. Napa-woah nalang ako sa French kiss niya.

"So san mo gusto?" diretso kong tanong

Ngumiti lang siya ng nakakaloko at hinila niya ako papalabas ng bar. At pagbubuksan ko sana siya ng kotse ko ng bigla niya ulit akong hinalikan, a torrid kiss naman kaya I respond her kisses. Palalim na palalim..

Ng bigla akong napatigil dahil naalala ko may asawa na pala ako. Sh*t

"Why did you just stop??" inis niyang tanong

"Sorry I have to go." sabi ko at nagmadaling pumasok na sa kotse ko at pinaharurot ito.

Sh*t bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Feeling ko nagtataksil ako. Bakit ganito? Peke lang naman 'yun ah, contrata lang at hindi ko siya mahal.

Tinext ko lang ang barkada ko na nauna na ako nang biglang nagring yung phone ko..

"Hello?" sinagot ko ito kahit unregistered number.

"Kent can you please pick me up here at the airport?" sabi niya, nagulat ako at napatulala pero kaunlalan nagising din ako dahil boses palang alam ko na siya ito. Hindi ako makapagsalita, anong sasabihin ko?

"Kent it's me Shane. Please Jeffrey, malalim na ang gabi and I'm so scared right now. Ayokong magtaxi tsaka wala akong matutuluyan ngayon. Pleasseee..." dagdag pa niya.

"Ok! I'll be there in 15 minutes." sabi ko at binaba ko na ang tawag tsaka nag-u-turn papunta sa airport.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now