CHAPTER 31

14K 190 5
                                    


Chapter 31

Mikael's POV

"Thank you daw pala sabi ni Ma'am Lim." sabi ko kay Shane na nag-aayos na kasi siya dahil pwede na siyang lumabas.

"Ah oo, wala yun." sabi lang niya habang inaayos yung bag niya.

"Sorry din pala." sabi ko

"Huh?" tanong lang niya.

"I thought may sinabi ka kay Clarisse—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Ganun na ba ako kasama para pag-isipan mo ako ng ganun?" malungkot niyang tanong.

"NO, hindi naman yun ang ibig kong sabihin, I mean sa mga nangyari sa inyo I mean sa ating apat." sabi ko nalang habang nakatingin lang siya sa'kin.

"I'm going." sabi lang niya at lalabas na sana.

"Shane naman eh, sorry na." sabi ko saka hinawakan ang braso niya

"Ouch masakit, Ugh nakakainis ka na ah." sabi niya, oo nga, malapit pala dun yung tinusok nila.

"I'm sorry" sabi ko lang ulit

"Oo na ang kulit, samahan mo naman akong pumunta kay Clarisse." sabi lang niya.

Sa tuwa ko ay inakbayan ko lang siya saka nagsimulang maglakad.

"Tara na nga." sabi ko

"Eeeeeh, alisin mo nga yang kamay mo ang bigat bigat eh." arte niya.

Nung pumasok kami sa room ni Clarisse ay kakatulog lang daw niya kaya naman nagpaalam nalang siya kay Ma'am Lim.

"Are you sure kaya mo nang bumyahe?" tanong ko, kasi naman didiretso na daw sya sa Tita niya sa tagaytay ata.

"Oo naman." sabi lang niya

"Mag-iingat ka ah." sabi ko nalang

"Oo naman, kaw din. Paki sabi nalang kay Clarisse sorry ulit." sabi pa niya kaya tumango nalang ako.

At yun umalis na siya.

Clarisse's POV

"What? Can you fix it without me?" si Mama yun ah may kausap siguro sa telepono.

"Okay okay, I'll talk to my daughter." sabi ni Mama

Pinatay na ba niya? Oo siguro, wala nang nagsasalita eh..

"Anak, okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong agad ni Mama nung minulat ko ang mga mata ko.

Tumango lang naman ako, "Ma sino yung kausap mo?" tanong ko

"Ah, yung Vice president sa companya na'tin, may konting problema daw. At kailangan daw nila ang desisyon ko." sagot naman ni Mama

"Mom can I go with you in Australia?" tanong ko

Mukhang nagulat naman si Mama sa tanong ko

"S-sure, pero napag-usapan niyo na ba ni Jeff yan?" tanong naman ni Mama

Umiling lang ako. Kasi nga ayoko pa din siyang makausap. Ikatlong araw ko na dito sa Hospital pero hindi ko pa din siya nakikita. Ayos lang yun kasi ayoko naman talaga siyang makita. Busy daw siya sa trabaho niya, sa company nila. Pag nandito naman daw siya ay tulog naman ako.

Well, congratz to him dahil nakuha na niya ang Companya at mana niya. Yun naman ang gusto niya diba? Yun naman ang dahilan nya kung bakit kami nagpeke-pekehan..

Si Shane kaya, nakuha nya na ulit?

"You should two talk each other about it." sabi naman ni Mama.

"Hindi na ba ako pwedeng magdesisyon na ako lang? Yung hindi ko na siya kakausapin?" tanong ko

"Ano bang sinasabi mo anak? Asawa mo pa din siya." sabi naman ni Mama

"Ma, nakalimutan mo na ba? Contrata lang po yun, wala na tapos na, expired na kung baga." sabi ko pa

"Anak, bakit ka ba galit kay Jeff? Hindi niya kasalanan kung bakit nawala ang anak niyo." sabi ni Mama

"I don't want to talk about that Ma." sabi ko sabay taklob ng kumot

Narinig ko nalang ang pag buntong hininga ni Mama. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa anak ko dahil naiiyak pa din ako kung siya ang pinag-uusapan..

Masakit ang mawalan ng anak, lalong-lalo na sa parte ng mga nanay hindi ba?

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now