CHAPTER 43

13.8K 202 11
                                    


Chapter 43

Jeff's POV

Alam niyo ba kung anong pakiramdamn ko ngayon? Hindi ko nga din maipaliwanag eh basta ang alam ko masaya ako dahil nandito na ulit ang mahal ko. Ang buhay ko pala.. korney!

Si Angel, tumutuloy siya sa kwarto dati ni Clarisse kasi nga maliit lang yun pero cute kaya natripan niya at tuwang-tuwa pa. Isip bata pala yung babaeng yun.

Si HonKo naman, ang sabi lang niya ay "Jan ka nalang, doon nalang ako sa guestroom." sabay turo sa kwarto namin dati. Ano ba yan. Wala akong nagawa kung hindi tumango saka siya dumiretso sa guestroom.

Clarisse's POV

A week after..

We're here at my botique, remember yung gift sa'kin ni Mama. Oo maayos na siya pero yung mga ibebenta namin ay parating palang. I mean, pinadala na ni Mama dito galing Australia pero hindi pa dumadating kaya inaayos palang namin ang buong kabuuan dito sa loob. Tulad ng mga interior desigs at nagha-hire kami ng mga tao.

Habang itong kasama ko ay ang ingay ingay, kanina pa siya salita ng salita. Alam nyo ba kung sino ang kasama ko ngayon?

Si Mikael lang naman, oo siya nga. At ang ingay-ingay grabe hindi nauubusan ng mga sasabihin pero paulit-ulit naman ang mga sinasabi. Sa kung nasan na daw si Shane, bat daw hindi makontact si Shane, kung galit ba sa kanya si Shane.

"Uy Joy, nakikinig ka ba?" ayan na naman

"Kanina pa nga nabingi yung tenga ko dahil sa kaingayan mo." sabi ko naman

"Kasi naman.. Haaay!" sa huli napabuntong hininga nalang siya sabak sabunot sa buhok.

"Ipaenvestigate ko kaya?" bigla niyang saad

O_O

May tinatago na ba ngayon si Shane at ipapainvestigate niya? "Ewan ko sa'yo! Baliw ka na at wag mo nga akong dinadamay sa problema mo kasi may problema din ako." sabi ko habang nag-aayos ng mga design sa botique ko.

Hindi man lang tinanong kung anong problema ko, hmmm. Kainis 'to! Si Grandma kasi matutulog daw mamaya sa bahay.

"Hindi ka pa ba uuwi? Mag-gagabi na ah!" saad niya.

"Mamaya pa siguro." sabi ko nalang

Tinignan lang niya ako ng makahulugan. "Anong meron huh? Nag ayaw ba kayo ng asawa mo?" tanong niya, tinignan ko lang siya.

"Excuse me, ex-husband. Tsaka paano kami mag-aayaw kung hindi naman kami nag-uusap. Parati siyang busy." dire-diretso kong saad.

"Ex-husband? Sa pagkakaalam ko wala pa namang kayong pinipirmahang annulment papers. Hindi pa kayo nag-uusap? Nagseselos ka na agad sa trabaho niya?" dire-diretso din niyang saad.

"Ewan ko sa'yo. Uwi na ako." sabi ko nalang

"Oh san ka pupunta? Remember, wala kang sasakyan?" sarcastic niyang saad. Siya kasi ang inaabala ko kapag pumupunta ako dito.

"Tara na nga!" sabi naman niya

Sumakay na kami sa bagong bili niyang sasakyan. Tanging ang radyo lamang ang maririnig sa loob dahil pareho kaming malalim ang iniisip hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

"Pasok ka muna." yaya ko sa kanya

"Hindi na at baka makakaistorbo lang ako sa inyo." sabi niya sabay ngiti

"Sira! Namimiss ka na kasi ni Angel dahil hindi ka pa nagpapakita sa kanya eh, nagtatampo na yun sa'yo." sabi ko nalang

"Sige na nga." sa huli pumayag din siya. Parang kapatid na kasi ang turing ni Mikael kay Angel pero si Angel crush na crush niya talaga si Mikael. Pero friends naman sila.

Pagkabukas ko ng pinto ay parehas kaming nagulat at napanganga ni Mikael sa nakita namin. Si Shane ay nakaupo sa sofa na may kalarong batang lalaki.

"Buti nalang hindi natuloy si Grandma kung hindi naku, bat ba kasi nandito kayo?" tanong naman ni Jeff galing kusina na may dalang miryenda.

"Ah kasi nga namimiss ka na daw ni Josh kaya dumaan muna kami dito." sagot naman ni Shane

Hindi pa rin nila napapansin ang mga presense namin dito ni Mikael. Hindi ko alam ang iniisip niya kasi ako, ang dami nang tumatakbong tanong sa isip ko.. May anak sila? Pano na ako. Kaya siguro wala na siyang pakialam sa'kin. Ang sakit lang isipin.

"So dito lang pala kita mahahanap." si Mikael nagsalita na saka dumiretsong naglakad patungo sa kanila.

Napatingin silang dalawa sa'min. Kaya naman naglakad na din ako papunta sa kanila kahit nanginginig ang mga paa ko.

"Clarisse.." sabi lang ni Jeff. Clarisse daw hindi HonKo?

"Jeff mauna na kami." paalam ni Shane saka binuhat yung bata at lumabas na. Habang ako nakatayo lang dito at nakatingin kay Jeff.

"Shane teka hintayin mo ako. Joy mauna na ako. Sige!" paalam naman ni Mikael at dali-daling sinundan sila.

Lumakad na ako papuntang kwarto ko.

"HonKo, mali ang iniisip mo." rinig kong saad ni Jeff at sinundan pala niya ako hanggang pagpasok sa kwarto ko.

"Sabihin mo nga kung anong mali sa iniisip ko?" tanong ko agad habang pinipigilang pumatak ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.

Ayokong marinig ang mga sasabihin niya pero gusto kong malaman.

"Anak ni Shane si Josh kay Mikael." tipid niyang saad habang nakangiti. Humakbang siya papalapit sa'kin saka ako niyakap. "Kahit kailan ikaw at ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko, mahal na mahal kita HonKo." sabi niya saka hinawakan ang dalawang pisngi ko habang nakatingin siya sa mga mata kong lumuluha at pininasan ito gamit ang dalawa niyang hinlalaki.

And the next thing I knew he's kissing me and I just responded.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now