CHAPTER 3

27.1K 436 8
                                    


Chapter 3

Clarisse's POV

"Oh ako jan, sa baba ka!" sabi ko sa kanya kasi nakahiga na siya sa kama.

"Anong ikaw? Kaninong kwarto ba 'to?" sabi naman niya

Oo nandito na kami ngayon sa kwarto niya habang nagtatalo kung sino ang matutulog sa kama at sa sahig.

Nang biglang nagbukas yung pintuan, hindi man lang marunong kumatok si Grandma oh, naglakad si Jeff papunta sa akin na ikinagulat ko sabay sabing..

.

.

.

"HonKo matulog na kasi tayo, inaantok na talaga ako eh" malanding ewan niyang saad, lumaki lang ang mga mata ko habang niyayakap niya ako.

"Oh mukhang may pinagtatalunan ata kayo?" tanong ni Grandma habang nakatayo sa nakabukas na pintuan habang nakatingin sa'min. 'Kung alam mo lang Grandma.'

"Ah si HonKo kasi, gusto muna manuod daw eh." sabi ni Jeff. Anong tinawag niya sa'kin? 'HonKo'? At san naman niya napulot 'yun.

"Ahy bahala nga kayo jan, basta ako matutulog na." sabi ni Grandma tsaka umalis na at sinara ang pintuan. Tinulak ko naman agad si Jeff dahil hanggang ngayon nakayakap pa din siya sa'kin. Tsansing eh!

"Ang ingay mo kasi, 'yan tuloy narinig tayo ni Grandma." himutok ni Jeff tsaka dumiretso na sa kama.

Habang ako naman ay nakatayo pa din dito habang nakasimangot. Kaya naman pumunta nalang ako sa maliit na sofa dito sa kwarto niya saka humiga at in-on ko yung tv.

After 20 minutes...

Nakapikit na ako pero parang gising parin yung pandinig ko, rinig ko kasing bumukas yung pintuan. Lumabas kaya si Jeff? I don't care!

Pero may narinig akong nagsasalita.

"Hoy Jeffrey, nag-away ba kayo ng asawa mo? Bakit doon siya natutulog? Ikaw Jeffrey ah! Natutulog kayo na masama ang loob niyo sa isa't-isa? Ano ka bang lalaki ka!" wait...si Grandma yun ah, bakit na naman siya nandito?

"I'm sorry Grandma, hindi kami nag-away, nanunuod lang talaga siya kanina hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako." paliwanag naman ni Jeff. Hmmm. Ang galing talagang actor ng asawa ko ano?

Ramdam ko nalang ang mga habag niyang papunta sa kinaroroonan ko at nagulat nalang ako sa sunod na ginawa niya. Binuhat niya ako. Gosh! Kaya naman si ako ay tulug-tulugan nalang hanggang sa naramdaman kong binaba na niya ako sa malambot niyang kama tsaka kinumutan.

"Oh! Umayos ka jan. Matulog ka na din." saad ni Grandma tsaka sinara ang pintuan. Huhuhu! Ano nang gagawin ko?

Ramdam ko ding humiga si Jeff sa tabi ko at nagkumot din. Hindi pa ako matutulog. Hihintayin ko siyang makatulog bago ako bumalik sa kwarto ko. Tumagilid ako, para maidilat ko yung mga mata ko para hindi makatulog ng tuluyan.

After 25 minutes..

Tulog naman na siguro 'to diba? sabi ko sa isip ko. At dahan dahan ko siyang tinignan kung tulog na siya, pero nagulat ako sa ginawa niya.

.

.

Pinatong lang naman kasi niya 'yung isa niyang mabigat na paa sa legs ko at yung mabigat din na kamay niya ay pumatong sa dibdib ko. Pervert talaga 'tong lalaking 'to. Kung hindi lang siguro 'to tulog hinulog ko na siya dito pero mukhang pagod na pagod ata eh kaya naman dahan-dahan kong inalis 'yung kamay niya pero pinulupot naman niya sa may tyan ko. Hay! 'Ganito ba talaga matulog to?' Tanong ko sa sarili ko. Grabe kailangan talaga niya ng king size bed, grabe kung matulog eh.

Ano nang gagawin ko? Pano ako makakatakas neto? Isip-isip. Maghihintay ba ulit ako ng oras? Anong oras na ba? Wala akong makita, ang dilim eh. Kaya sa huli ipinikit ko nalang ang mga mata ko, humanda 'to bukas talaga sa akin. Papapalitan ko sa kanya ang rule na'to.

Jeff's POV

Oh sawakas nagkaPOV din ako!

Andito pa rin ako sa pwesto kong 'to. Hahaha. Akala niya maaalis pa niya ang aking super yakap at makakatakas? Huh! Nagkakamali siya, dahil wala akong balak alisin kahit nasa dibdib pa niya pero dahan-dahan niyang inalis eh, kaya naman nilipat ko sa may tiyan niya. Hanggang sa niyakap ko na talaga siya ng mahigpit para hindi na makaalis ng tuluyan. Akala ko dahan-dahanin niya ulit itong aalisin pero pinabayaan na niya.

After 35 minutes.

Malamang tulog na 'to kaya naman dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Kaya pala mabango dito eh, nasa may malapit na pala 'yung mukha ko sa leeg niya. Ang bango!

Tinignan ko lang siya habang natutulog. Ang himbing ng tulog niya, ang ganda niya pala pag tulog, pati pag naiinis maganda pa rin pero pinaka maganda talaga sa kanya ay pag-nakangiti at tumatawa ang ganda kasi ng mga mata niya, nakakaakit.

Dahil hindi ako makatulog, ikukwento ko nalang sa inyo kung papano kami nagkakilala at sa deal namin.

Last month, nung kakalibing lang nung daddy niya, pumupunta na ako dito sa hachenda para tignan itong bahay at lupa. Inutusan kasi ako ni Grandma para tignan tsaka para sa akin naman daw talaga to pag kinasal na ako. Pero ngayong kasal na ako, hanggang ngayon ay wala pa din ang mana ko.

Oo, mayaman si Grandma, sobrang yaman. At ako lang ang nag-iisang paboritong apo niyan. Parents ko? Ewan ko, Joke! Nasa Australia sila, may business sila doon at may anak pa sila bukod sa akin at doon sila nakatira. Ako? Iniwan nila ako kay Grandma. Hindi naman ako naging malungkot sa pagkawala nila kasi najan namn parati si Grandma kahit na pasaway ako.

Pinuntahan ko si Clarisse dati dito at kinausap ko siya tungkol dito sa Hachenda. Pero hindi pala niya alam na naibenta na pala ng papa niya ito. Nagmakaawa pa siya at dahil matalino ako at gusto ko nang makuha ang mana ko, nakaisip agad ako ng magandang idea at yun ang deal namin.

At dahil gusto din niyang makuha ulit 'tong hachenda nila, wala siyang nagawa kung hindi pumayag sa gusto ko. Kaya we got married as soon as possible at nagpakasal nga kami. Legal na kasal din yun para maniwala si Grandma, magfa-file nalang kami ng annulment after one year kapag nakuha na namin ang mga gusto namin.

Hindi naman siguro ako maiiinlove sa kanya. Masasaktan lang siya pag minahal niya ako. I'm a playboy, oo pervert na. Marami akong fling at meron na ring naik*ma, pero syempre I always used protection para hindi ako makabuntis.

Kaya din siguro ganun ang gustong mangyari ni Grandma na magpakasal na ako bago makuha ang mana ko. Para makapagseryoso. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nagseseryoso eh. Mula nung iniwan niya ako.

----

MYE's Note:
January 19, 2013....
Ngayon ang 1st concert ng GIrls' Generation / SNSD dito sa Pilipinas, ngayong oras din na 'to, sana ako nalang si darna, para isang lipad lang nandun na ako. Gustong-gusto ko talagang pumunta eh. Pero ang daming sagabal. Huhuhu, naiiyak na talaga ako, ahy umiyak pala ako. Alam niyo bang iniyakan ko talaga yan, di bale naniniwala ako na marami pang next time para makita ko talaga sila, pupunta ako ng Seoul. Hay, dahil wala akong magawa, ginawa ko nalang ito sana nagustuhan niyo. Pasensya na sa drama -_-

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now