CHAPTER 38

13.8K 188 14
                                    


Chapter 38

Jeff's POV

Hay, ang boring naman ng buhay ko oh. Ganito nalang ba ako habang buhay? Hinihintay siya araw-araw, oras-oras, minu-minuto? Miss na miss ko na siya. Puntahan ko na kaya sya doon? Pero sabi niya babalik siya kaya hihintayin ko siya kahit gaano katagal.

Sa sobrang miss ko sa kanya ay tinutok ko nalang ang sarili ko sa trabaho para kahit konti naiibsan ang kalungkutan ko. Sobrang lalim non ah may pinanghuhugutan eh pero totoo yun.

Si Grandma, miss na miss na din niya si HonKo. Nagkasakit nga siya nung umalis si HonKo. At hanggang ngayon parati niya pa akong pinapagalitan.

Pati yung bahay namin ay napabayaan na. Sa condo na kasi ako tumutuloy ngayon dahil malayo yung bahay namin pero pumupunta pa din ako dun at pinapalinisan kada Linggo.

Si Shane? Akalain niyo yun may anak na at sa bespren pa niya. Dahil sa pangungulila ko sa anak ko naging malapit ako kay Josh. Ewan ko ba jan kay Shane kung bakit ayaw niyang sabihin sa bespren niya na ang tungkol sa bata.

Hay, kung nabuhay siguro yung anak namin ni HonKo kasing laki na niya si Josh. Pero hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Nagising lang ako sa pagmumuni-muni ko nang nakarating na ako sa condo ko.

Ganito nalang parati ang routine ko, may business party, condo, tapos pupunta sa office ko. Ni hindi na nga ako nakakasama sa pagba-bar ng barkada ko.

Clarisse's POV

Kakagising ko lang kaya nandito pa din ako sa kwarto ko. Pagkatingin ko sa cp ko ay andaming missed calls, galing lahat kay Mikael napaisip tuloy ako, ngayon pala ang flight niya. Hay, mamimiss ko din yun kahit papano.

At may text din..

(Good morning Joy, alam ko namang tulog ka pa eh pero makulit pa din ako sa kakatawag. Mamimiss kita, be a good girl and take care yourself always.) ~ Mikael

(Couz, I'm going to your house later, seeya!) ~from Couz Angel

Hay pupunta na naman dito yang maingay kong pinsan. Bumangon nalang ako at bumaba dahil nagugutom na ako at pagkababa ko..

"Good morning couz!" bati nya agad dahil nandito na pala siya. She's my cousin Angel Lim, koreana. Kapatid ni daddy yung Daddy niya pero wala na siyang parents, they died on a car accident when she was 7 years old, that's what she told to us. At kinuha siya ni Mommy dito sa Australia para magtrabaho din kaya nagtatrabaho din siya sa company namin bilang modelo.

"Morning!" sabi ko nalang

"Eh? Early in the morning you're in bad mood?" tanong niya.

"No I'm not, I'm just hungry." sabi ko nalang saka dumiretso sa dining table na nandun din si Mommy na nagkakape.

"Morning Ma!" sabi ko sabay kiss sa pisngi

"Morning, ngayon ang flight ni Mikael ah tinawagan ka ba niya?" tanong naman ni Mama

"Hindi ko po nasagot eh tulog pa ako. Nagtext naman siya." sabi ko nalang habang nagtitimpla ng hot chocolate.

"Wait couz, is that Mikael going back to the Philippines?" tanong naman bigla ni couz dahil nakakantindi na siya ng tagalog dahil marami siyang katrabaho ng Pilipino at syempre kami ni Mama. Fast learner eh.

Hindi ko ba nasabi na crush na crush netong si Angel si Mikael? Hahaha, laki ng tama netong pinsan ko dun.

"Yeah." sabi ko nalang

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon