CHAPTER 23

17.4K 225 7
                                    


Chapter 23

Clarisse's POV

It's been a week nung kinausap ako ni Shane. At hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Parang feeling ko ang laki ng kasalanan ko kay Mikael. Pero tapos na eh, nandyan na yan, kasal pa rin ako kahit contrata lang.

May isa pa akong iniisip ngayon. Si Mama, ang sabi niya magresign na daw ko sa trabaho ko kasi sa kanya na daw ako magtatrabaho dahil pagdating ng panahon, sa'kin naman daw mapupunta ang kompanyang 'yon. Ibig sabihin pupunta ako sa Australia kasama siya.

Hay! Anong gagawin ko? Wala naman akong kaalam-alam sa pagpapatakbo ng kompanya eh. Pero sabi din ni mama, madali ko na daw matututunan yun kung magtatrabaho ako sa kompanya. Kaso ang sabi ko, pag-isipan ko muna. Syempre mamimiss ko din ang trabaho ko dito noh, pati na din yung mga kaibigan ko sa trabaho.

Ang isa ko pang iniisip. Kung papayag ako sa gusto ni mama, edi maiiwan ko dito si Jeff. Hindi ko pa sinasabi ang tungkol dun kay Jeff.

Speaking of Jeff, yung away naming nung nakaraan. Natakot talaga ako sa kanya. Pero okay na kami, syempre, matitiis ko ba yun? At nasabi na pala niya kay mama yung tungkol sa contrata namin. Kaya nung pag gising ko no'n ay kinausap ako ni Mama. At yun nagdrama lang kaming mag-ina. Haha, nakakatawa talaga para kaming ewan na nagsosorry sa isa't-isa.

At ang sabi ni Mama kung mahal talaga namin ang isa't-isa, dapat magpakasal daw kami ulit at dapat yung nandun siya. Ang sabi lang naman namin syempre oo, pag-uusapan muna namin. Hehe. Yung tungkol naman sa contrata na nandun talaga sa lawyer ni Jeff. Ipapadissolve na namin pero hanggang ngayon wala pa rin kasi may inaasikasong malaking kaso yung lawyer niya kaya baka next week pa daw.

"Hoy! Tulala ka na naman jan, ikaw sisteret ah! Ano na naman ang iniisip mo hah?" natauhan lang ako nung nagsalita si Sissy.

"Wala 'to, si Mama kasi." sabi ko nalang

"Oh anong meron?" tanong ulit niya saka umupo sa tabi ko.

"Clarisse and Joan, kailangan kayo sa SHE Hotel for the event." sabi bigla ni Boss, kaya naman napatayo kami agad ni Sissy.

"Yes Ma'am. We'll be right there, asap." sabi naman agad ni sissy. Kaya dumiretso na kami sa sasakyan ng kompanya at nag-drive papunta doon.

"So anong meron sa Mama mo?" bigla niyang tanong habang nagmamaneho.

"Pinaparesign na kasi ako eh." sabi ko

"Bakit?" tanong agad niya

"Sa kompanya na niya na daw ako magtatrabaho kasi sa'kin naman daw mapupunta yun." sagot ko nalang

"Wow! Hire mo nalang ako dun Sissy! Pero bat nakasimangot ka dyan?" tanong ulit niya

"Eh kasi sa Australia yun, maiiwan ko dito si Jeff." sagot ko sa tanong niya

"Aah, kaya naman pala. Anong balak mo?" tanong niya ulit


"Hindi ko pa alam." sabi ko nalang.

Nakarating na kami sa SHE Hotel saka tumulong na kami kaya natapos agad. Nang okay na ay umuwi na ako agad dahil wala naman ng gagawin.

Pagkadating ko sa bahay ay si mama nagluluto. Wow! Ang bango. Pagkapasok ko palang, naamoy ko na agad.

"Anjan ka na pala iha, wait lang patapos na 'to. Tawagin mo nalang muna si Jeff sa kwarto niyo." sabi ni Mama

"Opo Ma. Ano po ba yan? Mukhang masarap ah." sabi ko sabay silip sa niluluto niya.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now