CHAPTER 9

20.5K 283 8
                                    


Chapter 9

Clarisse's POV

Pagkatapos ng moment namin ni Jeff kanina sa garden. Ngayon ay nasa kwarto ko na ako at hindi pa rin makatulog.

Tumingin ako sa mini clock ko, it's already 11:55. Bakit hindi pa rin ako makatulog? Iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Bakit kasi niya ginawa yun? Hindi ba niya naisip na baka mag-expect ako dahil sa ginawa niyang 'yun?

Hindi ako pwedeng main-love sa kanya dahil una may mahal siyang iba, pangalawa maghihiwalay din kami at pangatlo nasa contrata 'yun at peke lang ang lahat.

Kailangan ko nang matulog dahil magkikita pa kami ni Mikael bukas at kailangan ko pang ihanda ang sarili ko sa mga pag-uusapan namin.

Kinabukasan:

Nandito na ako sa kitchen ngayon habang nagpe-prepare ng breakfast namin ni Jeff.

"Goodmorning HonKo." masayang bati ni Jeff habang papunta dito sa kinaroroonan ko.

"Morning, pwede ba wag mo na akong tawagin ng ganyan, wala naman si Shane dito eh." matamlay kong saad.

"Ito naman hindi na nasanay." sabi lang niya. Kung makapagsalita at makabiro siya ngayon ay parang walang nangyari kagabi ano?

"Yun na nga eh, baka mamaya masanay ako. Mahirap na, alam naman natin ang sitwasyon natin diba?" saad ko pero bakit may part sa akin na masakit tuwing nasasabi ko yun?

Hindi siya nagsalita sa sinabi ko na parang nagulat pa ata na nasabi ko 'yun.

"Oh luto na, kain na tayo." sabi ko nalang at nilapag sa mesa yung niluto ko dahil hindi naman na siya nagsalita.

Kumain lang kami nang sobrang tahimik. Pagkatapos naming kumain ay naghugas na kami ng mga pinagkainan. Habit na kasi niya na tinutulungan ako sa paghugas ng mga pinagkainan.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong niya bigla habang nagpupunas siya ng plato.

"Ah oo, ikaw?" sabi ko nalang

"Pinapapunta ulit ako ni Grandma sa opisina eh. May kailangan daw akong imeet na kliyente." saad niya.

"Ah okay." sabi ko nalang at tumango tango pa.

"So san punta mo? Sabay na tayo alis?" yaya niya. Sasabihin ko ba na magkikita kami ni Mikael?

"Mamayang hapon pa kasi ako lalabas eh. Sa mall lang naman ako, may imemeet lang akong kaibigan." sabi ko nalang

"Ah okay. Sige!" sabi lang din niya

Tapos na kaming naghugas kaya pumunta na siya sa kwarto niya para maligo. Habang ako naman ay nandito sa sala habang nagwawalis, ng biglang..

*ding
*dong
*ding
*dong

Kaya naman pinagbuksan ko ito agad..

"Goodmorning Clarisse." bungad ni Shane tsaka tuloy-tuloy na pumasok.

"Morning." sabi ko nalang

"Si Kent?" tanong niya

"Nasa kwarto niya este namin pala." muntik na 'yun ah.

"Ah okay. Sige, pagbutihin mo ang pagwawalis jan ah." sabi niya tsaka tuluyan nang naglakad paakyat sa kwarto niya.

Ng pagdating ng hapon ay pumunta na ako sa mall kung saan kami magkikita ni Mikael. Andito na ako ngayon sa Starbucks at 30 minutes na akong naghihintay dito pero wala pa din siya, naiiyak na ako.

After another 30 minutes, wala pa din siya. Dito lang ako at hihintayin ko sya. Kahit gano katagal.

Pero after 1 hour ay wala pa ding Mikael na dumating. Sobrang lungkot ko at aalis na sana pero nakita ko siyang paparating. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa hanggang sa nakaupo na siya sa harap ko

"Akala ko hindi ka na dadating." malungkot kong saad

"Akala ko nga wala ka na dito." malamig niyang saad.

"May itatanong lang naman ako sayo, bago kita tuluyang pakawalan." sabi ko, kaya mo yan Clarisse, wag kang iiyak at kayanin mo ang mga sasabihin niya. Hindi siya umimik kaya nagsimula na akong magtanong.  "May nagawa ba akong mali para makipag-hiwalay ka sa akin?" unang tanong ko

"Wala." malamig niyang sagot

"Anong nangyari sa'tin?" tanong ko na naman pero hindi siya sumagot "Minahal mo ba ako?" tanong ko ulit pero naiiyak na talaga ako

Hindi siya nagsalita, ibig sabihin, hindi niya ako minahal? Hindi ko na kinayanan tumulo na ang luha ko

"I guess narinig at nalaman ko na ang mga dapat kong malaman. Sige Mikael, mauna na ako." paalam ko nalang at tumayo na saka naglakad patakbo papalayo sa kanya, sa taong mahal ko.

Mikael's POV

Alam niyo yung feeling na gustong-gusto mo siya pero pipiliin mo ang mas kailangan dapat? Gustong-gusto kong habulin si Joy para sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya at mamahalin habang buhay.

Pinapapunta kasi ako ng Boss ko sa Australia para magtrabaho sa isang company doon na ipagmemerge nila. Ako ang napili ng Boss namin dahil ako ang matagal nang nagtatrabaho sa kompanya nila at pinagkakatiwalaan nila ako.

Mga isang taon lang naman akong mawawala. At pagbalik ko dito. Babalikan ko si Joy. At yayayain ko nang magpakasal, yan ang balak ko.

Hindi ko sinabi sa kanya ito kasi baka isipin niya na mas mahal ko ang trabaho ko kaysa sa kanya pero hindi ba parang ganun na din yun? Nagtatrabaho lang naman ako para sa future namin eh. At si Clarisse lang ang gusto kong makasama sa future.

Nandito na ako sa condo ko ngayon, Umiinom, pampalimot lang ng sakit.

ring*ring*ring*ring*ring

"Hello?" bungad ko

"Hoy mikmik musta ang pag uusap niyo?" -tanong nya

"Ewan ko, ansakit pa din Bespren, hindi ko kayang mahiwalay siya sa akin." sabi ko lang

"Wait.. Umiinom ka na nman?" -sabi nya

"Oo, pampalimot lang ng sakit." sabi ko lang

"Hintayin mo ako jan, pupuntahan kita." sabi niya tsaka binaba

Habang ako, pinagpatuloy ko lang ang pag inom ko. Hanggang sa dumating siya.

"Umiinom ka na naman? Mikmik naman, tama na yan." rinig kong saad niya. Tatayo na sana ako para kumuha pa ng alak pero hindi ko na talaga kaya dahil nahihilo na ako at natumba nalang kay Shane.

Shane's POV

"Ugh! 'yan ka naman mikmik eh." pagkatumba niya sakin ay inalalayan ko na siya papunta sa kwarto niya.

Kahapon kaya hindi ako nakauwi dahil nandito ako at binabantayan ko lang siya. Mahirap na baka mamaya may balak palang magsuicide 'to, tsaka marami ding naitulong 'to sa akin nung heartbroken din ako.

"Joy I miss you, mahal na mahal kita hintayin mo ako, babalikan kita." ayan na naman siya. Ganyan na ganyan din siya kahapon, pinagkakamalan pa niya akong si 'Joy'

"Sige jan ka na, babye." sabi ko at aalis na sana nang nahawakan niya ang kapulsuhan ko at hinila papunta sa kanaya kaya napaupo ako sa kama niya.

"Joy wag kang umalis please, dito ka lang." saad niya

"Oo na dito lang ako, matulog ka na." sabi ko nalang

Hanggang sa nakatulog na din ako habang nakahawak pa din yung kamay niya sa kamay ko..

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon