CHAPTER 11

22K 359 16
                                    


Chapter 11

Clarisse's POV


Kalimutan siya? Hindi ko pa masasabi ngayon na kaya ko pero kakayanin ko. Wala naman na kasi diba? Eh di hayaan na. Siya naman ang bumitaw diba?

Anyway..

Lalabas daw kami ni Jeff ngayon. Should I consider it as a date? Ofcourse, NOT. Kasi po.. sa palengke po kami pupunta para mamalengke ng supply dito sa kusina.

Hahaha, akala niyo magde-date kami noh? Well, pwede na din. Sa market nga lang.

"Tara?" saad lang niya nang makita niya akong papunta na sa sasakyan niya kaya tumango lang ako at ngumiti tsaka sumakay sa passenger seat.

Wala man lang nagsalita sa'min habang nasa byahe kami tanging ang radyo lang ang maririnig. Nang bigla nang tumigil ang sasakyan at nagpark na ata.

"Akala ko ba mamamalengke tayo, bat tayo nandito?" tanong ko sa nang mapagtanto na nasa parking area kami ng SM.

"Oo nga mamalengke tayo, dito." sabi naman niya

Akala ko sa pelengke mismo. Hindi pala pero mas maraming nabibili doon eh tsaka mas fresh ang mga paninda doon. Pero okay na din dito kasi may cart sila at hindi masikip at mainit.

Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya. Nang makarating kami sa Supermarket kumuha nalang ako ng malaking cart bago pumasok.

"Ang kyut nilang tignan oh." bigla kong saad habang nakatingin sa hindi kalayuan na isang pamilya habang yung anak nila nasa may cart, yung pwedeng umupo yung bata dun. Napatingin naman ni Jeff sa tinitignan ko.

"Oo nga, gawa na rin tayo baby para kyut." bigla naman akong namula sa sinabi niya tsaka pinalo siya sa braso.

"Joke lang pero bat namumula ka na? Gusto mo na ba ng baby? Sabihin mo lang para gumawa na din tayo." sabi pa niya.

"Ewan ko sayo." sabi ko lang tsaka nauna nang maglakad papalayo sa kanya.

"Uy joke lang, 'to naman hindi na mabiro." rinig kong saad niya tsaka sumunod din sa'kin.

Hmp! bahala siya sa buhay niya. Nagpunta lang ako sa napkin area, tumingin ako sa likod ko pero walang Jeff na sumunod kaya hinanap ko lang ang brand ko. Nang may babae na panay ang tingin sa'kin..

"Sabi ko na eh ikaw yung asawa ni Jeffrey. Right?" saad niya sa'kin tsaka nakipag beso-beso. Gosh! Where are you when I need you Jeff?

"Ah opo, ako nga po." sabi ko nalang tsaka ngumiti.

"Ang ganda-ganda mo nga naman talaga iha, tita nalang itawag mo sa'kin." sabi niya

"Thank you po ti-tita. " nahihiyang saad ko. Asan na ba si Jeff?

"Hay andito ka lang pala." may nagsalita sa likod ko. Hay salamat nandito ka na rin, sawakas.

"Oh tita, you're here too?" bati niya sa babae tsaka nakipag-beso din.

"Ah oo, syempre nag-gogrocery, kayo mag-gogrocery din?" saad ni Tita

"Ah opo tsaka magdadate na din." sabi naman ni Jeff sabay akbay sa'kin.

"Bagay na bagay talaga kayo pero mukhang wala pa ata kayong balak magkababy ah." tanong ni Tita

"Ah wa—" hindi ko naituloy yung sasabihin ko

"Malapit na po tita.^__^." sabat ni Jeff tapos nilipat niya yung kamay niya sa may bewang ko at pinaglapit pa ang mga katawan namin sa isa't-isa.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now