CHAPTER 26

14.7K 199 5
                                    


Chapter 26

Jeff's POV

"HonKo, mauna na ako ah sunod ka nalang mamaya" paalam ko kay HonKo.

"Ok." walang gana niyang sagot sa'kin habang nakahiga pa din sa kama namin.

"HonKo, pumunta ka ah magagalit si Grandma tsaka yung mga katrabaho mo nandun din malamang hahanapin ka ng mga 'yun." sabi ko sabay lapit sa kanya.

Napilit na namin siyang mag-resign sa trabaho niya. May pupuntahan kaming event ngayon, birthday ni Grandma sa Francesca Inn resort gaganapin at may fashion event. Mawawala ba 'yun?

Tapos ang alam ko din dahil sa birthday ni Grandma kaya na postpone na naman yung pag-alis nila Mama dahil pinilit-pilit siguro ni Grandma si Mama.

"HonKo, ipapasundo nalang kita mamaya ah hintayin mo si Mang Peps." sabi ko at hinalikan ko siya sa noo saka naglakad palabas ng kwarto. Pumunta na ako sa resort kung saan gaganapin ang party ni Grandma. Malaking event 'to dahil may surpresa ako mamaya. Magpo-propose lang naman ako kay HonKo.


"Oh asan na si Clarisse?" tanong agad ni Grandma ng makita ako.

Si Grandma talaga mula nung nalaman niyang buntis si HonKo, panay Clarisse nalang ang hinahanap niya.

"Nasa bahay pa Grandma." sabi ko nalang

"Bakit hindi kayo sabay? Inaway mo ba siya? Naku kawawa naman ang nanay ng apo ko." drama agad ni lola..


"Grandma hindi po kami nag-away, tulog pa siya kaya nauna na ako, ipapasundo ko siya maya-maya." sabi ko naman

"Aaah ok, oh pa'no naman yung proposal mo apo ha?" tanong naman ni Grandma

"Secret." sabi ko nalang saka pumasok na sa loob para matignan kung saan ang magandang pwesto ko para mamaya.

Clarisse's POV

"HonKo, ipapasundo nalang kita mamaya ah hintayin mo si Mang Peps." sabi nya at hinalikan nya yung noo ko at umalis na. Hay, ang sweet naman ng asawa ko oh..

Wait, ngayon pala matatapos yung contract namin ah.

Hay, makaligo na nga lang. Pero bago ako pumunta sa banyo biglang nagring yung phone ko.

*ring*ring*ring

"Hello?" sagot ko

(Hi Clarisse.) masayang saad niya.

"Shane?" tanong ko

(Oo, nakakainis ka ah hindi mo pala si-nave 'tong num ko.) nagtatampo niyang saad.

"Ah oo nga eh pasensya na, bakit ka napatawag?" tanong ko nalang

(Aah pwede ba tayong magkita? May mga gusto lang akong sabihin sa'yo.) sabi niya

"Pwedeng bukas nalang? May pupuntahan kasi ako ngayon eh." sabi ko

(Ngayon na lang, may pupuntahan din kasi ako bukas eh tsaka saglit lang 'to promise.) sabi niya

"Oh sige, san ba tayo magkikita?" tanong ko.

(Dito sa tabi lang ng Francesca Inn, sa may bench, nandito na ako, hintayin nalang kita dito.) sabi niya. Sa may Francesca Inn? Eh dun din yung pupuntahan ko eh, dun kasi gaganapin yung party ni Grandma.

"Oh sige sige." sabi ko nalang.

(Ok babye, see'ya later.) sabi niya at binaba na.

Kaya naligo na ako at nagbihis, nagdress lang ako yung gift ni Grandma nung birthday ko.


"Manong Peps pakitigil nalang po jan sa may tabi dahil may kakausapin lang po ako." sabi ko kay Manong Peps.


"Samahan ko nalang po kayo Ma'am." sabi nya

"Manong wag na po okay lang ako, jan lang naman yung pupuntahan ko mamaya oh." sabi ko sabay turo sa Francesca Inn sa tabi niya.

"Sige po." sabi nalang niya at napakamot ng ulo.

"Thank you po. Pakisabi nalang kay Jeff nandun na ako maya-maya." sabi ko nalang at tumango naman siya. Hinanap ko na yung bench na sinasabi niya at nandun na nga siya nakaupo.

"Nanjan ka na pala, wow ang ganda na'tin ah." bungad niya ng makita ako.

"Salamat, ano bang sasabihin mo?" tanong ko nalang saka umupo sa tabi niya.

"Clarisse, gusto ko lang humingi ng pasensya sa mga nasabi ko sa'yo dati." pauna niya na hindi ko maintindihan.

"Huh?" takang tanong ko

"Basta, alam mo na yun." sabi pa niya habang tahimik lang ako.

"I'm sorry, nainis lang kasi ako sa'yo dati kasi ang feeling ko inagaw mo sa'kin si Jeff tapos pati ang bespren ko nasasaktan nang dahil sa'yo." sabi niya

"Sorry din, hindi ko naman sinasadya yung mga nangyari eh." sabi ko nalang

"I know, at kasalanan ko din naman yung nangyari sa'min ni Jeff kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Alagaan mo nalang si Jeff." sabi niya

Ngumiti lang ako "Oo naman." sabi ko nalang.

"Yun lang ang sasabihin ko sana maging masaya kayo." sabi niya saka tumayo na. "So friends?" sabay lahad ng kanang kamay niya sa'kin

Tumayo na din ako at ngumiti at "Friends!"

"Tara na, san ka ba pupunta? Hatid na kita?" sabi niya


"Ah jan lang oh." sabi ko sabay turo sa Francesca Inn

"Ahy oo pala, pakisabi nalang kay Mikmik una na ako." sabi niya

"Sige, san ba punta mo?" tanong ko nalang

"Ahy oo nga pala, magbabakasyon muna kasi ako sa tagaytay at pakisabi nalang din kay Jeff ah. Sige una na ako." sabi niya saka sumakay na sa sasakyan niya at pinaandar na.

Habang ako naman ay naglalakad patawid ng kalsada.

Nagsorry sa'kin si Shane? Hindi ako makapaniwala. Friends na kami?

Natauhan lang ako sa pag-iisip nang may bumusina ng napakalakas kaya napatingin ako sa kaliwang bahagi ko at may paparating malaking truck. Napapikit nalang ako..

to be continued...

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now