CHAPTER 24

16K 220 2
                                    


Chapter 24

Mikael's POV

"WHAT? Bu-buntis siya?" tanong ni Shane

"Oo." mahina kong sagot tapos shot ulit

"So? Anong gagawin mo?" tanong niya ulit

"Eh di wala." sabi ko nalang..

"Iinom ka na naman? Magmumukmok? Nakatunganga? O kaya baka mabaliw ka na niyan?" sabi pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy lang ako sa pagtungga ng alak..

"Mikael, tama na yan. Wag mong pahirapan ang sarili mo at pati ako nahihirapan sa mga ginagawa mo. Kaya please, makinig ka naman sa'kin. Tara na umuwi na tayo." sabi niya ulit.

Nandito kasi kami ngayon sa bar. Ewan ko ba kung pano din 'tong bespren kong 'to nakarating dito.

"Pwede ba, pabayaan mo na ako. Wag kang makialam sa buhay ko. Umuwi ka na kung gusto mo." galit kong sabi. Naiinis na nga ako, may dumadagdag pa.

"Sige, yan pala ang gusto mo ah! Wala na palang pakialaman ngayon. Wag na wag mo na akong tatawagan kung may problema ka hah? Wag mo na akong papapuntahin kung na'san ka man tuwing malungkot ka. Baka gusto mo, simula ngayon ayaw mo na din akong makita? oh sige,---" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Shane, please stop. Ok! I'm Sorry dahil nasigawan kita. I'm sorry. I didn't mean it. Alam mo namang ganito ako pag may problema diba?" sabi ko nalang

"Yun na nga eh, parati kang ganyan simula nung nakilala mo siya kaya please makinig ka naman sa'kin ngayon. Bespren ang kailangan mo lang ngayon is move-On" sabi niya

Hindi ako umimik sa mga sinabi niya dahil alam kong tama siya. Pinagpatuloy ko lang ulit ang paginom ng alak.

"Sinabi mo na kasi sa utak at puso mo sa siya lang kaya ka nahihirapan ngayon. Kung nagmamahal kasi tayo, wag tayo mangangako sa sarili natin na siya na ang papakasalan ko, siya na ang makakasama ko sa pagtanda ko, siya na ang makakasama ko habambuhay. Bes, alam kong mahirap pero kayanin mo, nandito naman ako eh." saad niya saka nakitabi sa'kin. Kaya ng ginawa ko lang ay niyakap siya.

Oo nga, tama siya. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang kaya ako nagkakaganito. Salamat at nagkaroon ako ng bespren na kagaya ni Shane na parating nandyan para sa'kin. Bakit kasi hindi nalang siya ang minahal ko?

"Kaya mo yan Bes, basta nandito lang ako parati para sa'yo." sabi naman niya "Kaya tara na uwi na tayo." dagdag niya saka ako inalalayang patayo.

"Bes kaya ko pa." saka ako umakbay sa kanya

"Oo na, pero kung maakbay ka jan. Ang bigat kaya. Ako na ang magdadrive baka kung mapano pa tayo, akin na susi." sabi niya, sungit niya noh?

"Oh ito na po." sabi ko nalang sabay bigay ng susi sa kanya. Lumabas na kami at sumakay sa kotse ko. Habang nasa byahe kami pauwi may tumawag sa'kin.

"Hello?" sagot ko, buti nalang hindi ako yung nagdadrive..

(Mikael, I don't know if I will say it to you through phone conversation, but this is important.) teka si Ma'am Lim 'to ah, hindi ko na kasi pinansin yung pangalan bago ko sinagot.

"Ah Ma'am ano po ba yun?" tanong ko nalang

(Ito muna ang tatanungin ko sa'yo. Willing ka ba ulit na magtrabaho sa'kin? I mean sa Australia?) tanong niya. Oo nga pala, nandito pala sa pilipinas ang totoong kumpanya na naghire sa'kin.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now