CHAPTER 18

17.5K 253 10
                                    


Chapter 18

Jeff's POV

Importante ba na nandun ako? Andun naman si Grandma eh bakit kailangan pa na nandun ako? Mas masaya na pag kasama ko lang si HonKo eh! Kaya eto ako ngayon papunta na sa companya namin. Pagkapasok ko sa loob at busy lahat ng tao tsaka gumanda ata 'tong lobby namin?

"Sir kanina pa kayo hinihintay ni Ma'am" sabi ng isang empleyado sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Tsaka dumiretso sa opisina ni Grandma.

"You're always late Jeffrey, kailan ka ba magbabago?" bungad sa'kin ni Grandma pagkabukas ko palang nung pinto niya.

"Grabe naman si Grandma oh 10 minutes late lang tsaka hindi naman always kaya." sabi ko tapos umupo lang sa chair niya

"Hay, kaya sumasakit ang ulo ko eh mamayang gabi ikaw na ang pumunta sa fashion show at welcome party nila sa resort." sabi ni Grandma

"Sino ba 'tong mga taong 'to at ganyan kayong lahat ka busy ngayon?" tanong ko

"Palagi ka kasing hindi nakikinig at kung hindi ka naman nakikinig ay wala ka." medyo pagalit na saad ni Grandma sa'kin tsaka tumingin ng masama sa'kin. "Okay listen to me carefully apo." binaba niya ang ballpen niya tsaka tumingin ng seryoso sa'kin kaya tumango-tango lang naman ako.

"Yung mga bisita natin na dadating maya-maya ay yung mga galing sa Australia, remember our one trusted employee na ipinadala ko dati? Magbabakasyon daw sila ngayon dito sa Pilipinas at kasama niya ang may-ari ng 3C Company na in the future ay mag-iimerge na ang kompanyang 'yon at itong satin." mahaba-habang explain ni Gradma, Tumango-tango nalang ulit ako.

"Ah okay, ano naman gagawin ko sa welcome party nila?" tanong ko ulit.

"Apo kung kaya kung pumunta doon, ako naman ang pupunta eh. Pero masakit talaga ang ulo ko tumatanda na kasi yata ako. Sasamahan mo lang sila doon." saad ni Grandma.

*tok *tok *tok

"Ma'am nakalapag na daw po ang eroplanong sinakyan nila, mga in 3:45 at nandito na daw po sila." sabi ng sekretary ni Grandma.

"Okay! Sabihin mo sa mga kasama natin at bumaba na maya-maya para hintayin na sila sa labas." sabi ni Grandma.

"Grabe Grandma, talagang grande ang pagdating nila na dapat nandun kayo lahat?" sarcastic kong tanong.

"Syempre ngayon lang siya makakarating dito sa company natin dapat maging hospitable naman tayo sa kanya tsaka para ibigay na niya ang tiwala niya sa'tin para magmerge na ang company natin." saad naman ni Grandma.

"Jeffrey ikaw ang pupunta mamaya sa Welcome party Fashion event nila ah! 8 magsisimula yun sa Francesca Inn, diba malapit sa inyo yun?" tanong ni Grandma.

"Oo na po." sabi ko nalang

Mikael's POV

Hay salamat natapos din ang isang buwan na paghihintay namin ni Ma'am Lim at sawakas nandito na kami sa Pilipinas. Makikita ko na ulit si Joy. At sawakas magkikita na silang mag-ina.

Kumusta na kaya si Joy?

*ring *ring *ring

"Hello bespren." bungad ko

"Hello Mikmik, nandito ka na?" tanong naman niya agad.

"Talagang namiss mo ako ano? Oo nandito na ako." sabi ko nalang

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Onde as histórias ganham vida. Descobre agora