CHAPTER 14

19.5K 284 12
                                    


Chapter 14

Clarisse's POV

"HonKo, wala ka bang trabaho ngayon?" nagulat nalang ako sa nagsalita mula sa likod ko. Nagluluto kasi ako ng breakfast namin ngayon. Pagkatingin ko sa kanya ay pawis na pawis habang inaalis yung earphones niya, galing kasi siya sa pagjojoging niya.

"Alam mo namang hindi ako nagbebreakfast pag pumupunta ako sa trabaho ko." sabi ko nalang.

"Nagtatanong lang naman." sabi niya sabay yakap sa'kin mula sa likod ko na ikinagulat ko

"Eeeeeeh, amoy pawis ka. Maligo ka na nga." saad ko pero hindi naman totoo, actually ang bango nga niya eh. Bigla naman siyang umalis sa pagkayakap niya tsaka ina-amoy-amoy ang sando at ang kili-kili niya.

"Hindi naman ah, ang bango nga ng pawis ko oh." sabi niya tapos niyakap ulit ako ng mas mahigpit habang hinahalikan yung leeg ko. Gosh!

"Je-jeff wa-what are you doin'? Nakikiliti ako, maligo ka na nga at patapos na ako dito." nauutal kong saad dahil sa pinag gagawa niya. Bumitaw naman siya pero tumabi naman sa'kin

"Pero kiss ko muna." sabi niya saka ngumuso habang nakapikit sa'kin kaya I just kissed his right cheek na malapit sa'kin

"Hmm, maliligo ka na ba?" tanong ko tsaka ngumiti sa kanya.

Nakatingin lang siya sa'kin habang nakatingin din ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa labi.

It was just a peck on my lips yet it makes my heart beat so fast.

"Hehe, maliligo na po." sabi niya sabay takbo paakyat ng hagdan habang ako ay nakatulala pa din.

Napangiti nalang ako pero teka, bakit ako napapangiti? Am I already inlove with him? No, hindi pwede. Nasa kasunduan namin yun tsaka ang alam ko ay mahal pa din niya si Shane.

Natapos na ako sa niluluto ko kaya hinanda ko nalang ito. Inaalis ko na yung apron ko nang marinig kong may salita sa malayo..

"Hmmm, ang bango ah. Mukhang masarap 'yan HonKo ah!" sabi niya habang pababa ng hagdan

"Kailan ba ako nagluto ng hindi masarap?" biro ko lang.

"Kaya kita mahal eh!" sabi niya tsaka umupo sa pwesto niya "Nabubusog ako, hehe." dagdag niya. Yun lang yun?


"Kumain na nga tayo." sabi ko nalang at umupo na din sa harap niya.

"Hindi ka papasok?" tanong ko naman sa kanya

"Hindi na para may kasama ka naman dito." sagot naman niya

"Pumasok ka nga baka magalit sa'yo si Grandma." sabi ko lang

"Nagpaalam na ako sa kanya at pumayag naman, ang bait ni Grandma ano?" saad niya

"Oo, at inaabuso mo yun. Ano namang gagawin mo dito?" tanong ko ulit

"Wala, sasamahan ka kahit saan." sabi naman niya

"Kahit sa banyo?" lokong tanong ko. Ngumiti lang naman siya ng nakakaloko.

"Pwede din!" saad niya


"Neknek mo!" saad ko din tsaka sinamaan siya ng tingin.

"Nagtanong ka tapos sinagot ko lang naman ah." sabi niya

"By the way may pupuntahan, gagawin o lakad ka ba ngayon?" sunod-sunod niyang tanong

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now