CHAPTER 5

22.1K 348 7
                                    


Chapter 5

Jeff's POV

"Jeff who is she? Bagong maid mo? Ang ganda ng bahay mo ah!" saad ni Shane nang pagbuksan kami ng pintuan ni Clasrisse.

Hahaha, if you can see Clarisse's face, sasabog na sa sobrang inis.

"She's my WIFE!" I proudly said tsaka inakbayan si Clarisse sa harap niya.

"WA-WHAT? It's not funny Kent." saad lang niya habang pailing-iling. Ayaw maniwala?

"Look!" sabi ko lang sa kanya at tinuro ang napakalaking frame sa wall na wedding picture namin ni HonKo. Tumingin naman siya at napanganga ng mga ilang segundo.

She's Shane Villafuerte, she's my EX. 4 years kami niyan at hanggang ngayon aaminin ko, I still love her. Wala na siyang magulang, they died in a car accident twelve years ago. Naghiwalay kami dahil mas pinili niya ang career niya kaysa sa'kin.

Nung 4th year college kami, may nag-offer sa kanya ng trabaho sa California bilang isang modelo ng magazine. Syempre pinayagan ko dahil yun ang gusto niya at yung ang pangarap niya. Nung una okay pa kami sa long distance relationship namin pero habang tumatagal, sumisikat at nakikilala na siya. Marami na ding mga lalaking nali-link sa kanya dahil hindi niya sinabi na may Boyfriend siya. I tried na pauwiin siya pero ayaw niya at nauwi sa hiwalayan.

At simula noon naging patapon na ang buhay ko, inuman gabi gabi and making out with girls. Muntikan na nga akong hindi makagraduate eh, kaya naman pinagbutihan ko nung finals kaya nakagraduate din ako. At simula non naging ganito na ako.

"Bakit dito mo ako dinala?" inis na saad ni Shane. Si Clarisse naman hindi nagsasalita

"Sabi mo dalhin kita sa bahay ko, oh ito ang bahay ko." sabi ko lang, she looks pissed off. Hahaha

"Hello I'm Clarisse, wait.. parang kilala kita, you're?" tanong ni Clarisse

"I'm Shane Villafuerte." tipid na sagot naman ni Shane

"Ahh, I know you, ikaw yung model na nagsuot ng mga inimport naming mga dresses sa California. " saad naman ni Clarisse kay Shane

"What company?" mataray na tanong naman ni Shane

"Trevish Company." sagot ni Clarisse

"Ahh, so doon ka nagtatrabaho?" tanong naman ni Shane

"Oo, alam mo fan na fan ka ng mga katrabaho ko doon." sabi ni clarisse

"Oh, Yeah!" Shane said

Maiba na nga ang usapan....

"Dun ka muna sa guestroom matulog ngayon, bukas ka na maghanap ng matutuluyan mo o kung gusto mo, dito ka muna habang nagbabakasyon ka dito."  sabi ko nalang at hinatid namin siya sa guestroom. Nang pagkasara ko ng pintuan niya...

"Halika nga dito, marami kang ipapaliwanag sa akin." sabi naman ni Clarissa habang hinihila niya ang tenga ko.

"Ahh-ah-ah aray, grabe ka naman makapingot HonKo." ang brutal naman ng asawa ko.Tsaka tinignan lang niya ako ng "explain" look niya. "Ok ok. I'll explain later. Tara sa kwarto ko muna" sabi ko lang tsaka hinila siya sa kwarto ko. At nung nakarating na kami umupo na ako sa kama habang siya naman ay nakatayo lang sa harap ko habang nakapamewang. "Ok! Ito na po, she's a-a-a college friend, galing sa ibang bansa." pauna ko

"Jeff naman ilang linggo palang tayong kasal at pagsasama kuno, bakit dito mo naman dinala yan?" nakakunot-noo niyang tanong.

"Oh san ko naman siya dadalhin? Sa bahay ni Grandma?" lokong saad ko "Tsaka isa pa hindi sila magkasundo ni Grandma." bulong ko "Aalis din naman siya bukas, hahanapan ko siya ng hotel na maganda." saad ko nalang

Habang siya ay nakatayo pa din sa harap ko habang naka-cross arm na tila may gustong sabihin sa'kin. "Pwede naman siguro ako matulog sa kwarto ko diba?" tanong niya

"NO! You will sleep HERE!" sabi ko at sumimangot lang siya. How cute! "Fine! Dito ka na sa bed, dun nalang ako sa sofa." sabi ko nalang tsaka dumiretso muna sa bathroom para maligo. Pagkalabas ko, tulog na siya kaya dumiretso na ako sa sofa at natulog na din.

----

Clarisse's POV

Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Nandito na ako sa kitchen habang naghuhugas ng mga gulay na iluluto ko nang may narinig akong mga yabag papunta sa kinaroroonan ko.

"Gudmorning Clarisse, ang aga mo naman." si Shane pala

"Ah oo eh, syempre kailangan kong maghanda ng almusal." sabi ko nalang. Nagulat ako nang tumabi siya sa'kin bigla..

"Hmmm Clarisse, may hihingin sana akong favor sayo este sa'inyo pala." saad niya

"Oo naman, basta okay lang din kay Jeff." sabi ko din

"Pwede dito muna ako mag-stay sa'inyo habang nagbabakasyon ako?" sabi niya na napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

Gusto ba niya akong patulugin gabi gabi sa kwarto ni Jeff?

"Natatakot kasi ako sa mga hotel eh, hmmm you know naman siguro diba?" saad pa niya "Ah sige wag nalang pala, baka ayaw din ni Kent." dagdag niya

"Hindi naman siguro yun. Sige dito ka nalang nakakatakot talaga sa labas lalo na sa'yo." sabi ko

Anong sinabi ko? Pumayag ako? Meaning dun na talaga ako matutulog gabi-gabi sa kwarto ni Jeff?

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now