CHAPTER 56

12.7K 177 0
                                    


CPFH 56

Clarisse's POV

It's been a week and I am happy with my decision, at matutuloy na ulit ang naudlot namin kasalan.

"Apo ko!" takbong papalapit sa'kin ni Grandma saka ako niyakap.

"Akala ko hindi na kayo magkakabalikan." sabi niya at humiwalay ng yakap habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa mukha ko. Ngumiti nalang ako.

Napatingin naman ako kay Jeff na nasa likod ni Grandma habang nagtatanong ang mga tingin ko kung alam na ba ni grandma yung tungkol sa'kin. Tumango naman si Jeff.

"Kahit hindi ka na pwedeng mabuntis ok lang naman yun eh, sabi nga nila, try and try until you succeed diba? Malay mo may mabuo pa din diba?" biro ni Grandma kaya napatango nalang ako at ngumiti.

Nahihiya kasi ako kay Grandma, diba nga gustong gusto niyang magkaapo sa paborito niyang apo?

"Oo nga naman diba HonKo?" taas kilay namang saad ni Jeff saka umakbay sakin. Kahit kailan talaga 'tong isang 'to oh.

"Teka, kailan pala ang kasal niyo?" tanong ni Grandma.

"Next next week po." sagot agad ni Jeff. Hindi naman siya nagmamadali diba?

"Ahy ako na ang bahala kung saan kayo ikakasal pati ang reception ako na ang bahala." sabi ni Grandma.

"Grandma wag na po, kami nalang po ni Jeff." sabi ko naman

"Oo nga po Grandma. Kami naman ang ikakasal eh." sang-ayon naman ni Jeff.

"AHY BASTA! Pag sinabi kong ako, AKO. Walang aangal kung hindi hindi ako pupunta sa kasal niyo!" sabi ni Grandma, 'tong si lola talaga kahit kailan oh.

"May gown ka na ba iha?" tanong sa'kin ni Grandma.

"Ngayon nga po sana kami pupunta sa Shop eh." sabi ko nalang

"Ah okay, sige pwedeng sumama? Naeexcite ako eh hihihi!" si Grandma talaga isip-bata. Hahaha

"Ah sige po." sabi ko nalang

"Shall we go then?" sabi naman ni Jeff

At pumunta na nga kami. Nagulat nalang ako nung bumaba kami sa shop. Ito yung pinuntahan namin ni Angel dati ah.

"Gudmorning, Sir/Maam, welcome to Espousal Shop:)" ngiting sabi nung guard

Pumasok na kami at sinalubong naman kami ng saleslady. "Hello, can we have a look on your new wedding gown?" tanong ni agad ni Grandma.

"Sure Maam, for you po?" tanong nung babae.

"No no, for her!" sagot ni Grandma saka ako hinila kay Jeff na nakaakbay sakin. Tumingin sa'kin yung babae at nginitian ako. Siya din kasi yung nag-asist sa'min ni Angel dati.

"Ah may tanong ako, nakuha na ba yung gown na sinukat ko dati?" tanong ko

"Hindi pa po ma'am, gusto niyo po ba yun?" tanong niya kaya tumango nalang ako.

"Cge po, kukunin ko lang po." sabi naman niya at umalis na.

"Pumunta ka na dito dati?" tanong naman agad ni Jeff ng makaalis ang babae.

"Oo si Angel kasi eh, nagpatulong lang." sabi ko nalang

"Si Angel ikakasal din?" gulat niyang tanong.

"Hindi, yung kaibigan niya daw. Wait.." sabi ko nalang at napaisip.

At nasan na kaya ang babaeng yun? Bigla biglang mawawala ah.

"Yung pinsan mong cute?" tanong ni Grandma, ahy cute daw oh, sayang wala si Angel dito.

"Ah opo, bakit po kilala niyo?" tanong ko.

"Oo, nakilala ko na siya dati tsaka nakikita ko din siya sa company minsan minsan." sabi ni Grandma.

"Ah, oo part time model po na'tin yun Grandma." sabi naman ni Jeff.

"Kaya pala, kasama yung gwapong lalaki?" sabi ni Grandma

"Co-model niya po." sabi ni Jeff

Aba-aba si Pinsan lumalove-life.

"He'to na po ma'am" sabi ni Ate at binigay nya yung box, "Gusto niyo po bang i-try ulit?" tanong niya

"Oo nga apo, try mo para makita na'tin." ngiting sabi ni Grandma.

Kaya yun pumasok ako sa fitting room with Ateng. At nung lumabas ako....

"ANG GANDA!" sabi ni Grandma.

Napatingin ako kay Jeff. No reaction?

"Panget ba?" tanong ko

"No..no. Wow! No one can describe how gorgeous you are my love." sabi niya habang naglalakad papalapit sa'kin at hinalikan ako sa labi. Sh*t, nakakakilig talaga 'tong asawa ko. Maya-maya pa ay bumalik na din ako sa fitting room para magpalit ulit.

Jeff's POV

Yeah she's so gorgeous. Inside and out. Kaya mahal na mahal ko yun eh. I can't wait to take her again to the altar...

-----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now