CPFH side-story [Why why love] SerJosh

9.1K 162 5
                                    

B O N J O U R

A/N: Side story again, Story of Serrah Ashley Lim Perez with Joshua Sandoval. The last side story. Hahaha.

Sa mga nakabasa na neto, kaway-kaway kayo ;)) na-post ko na kasi ito dati sa One Shot Compilation ko dati.

Enjoy reading!

(◕‿◕)¸¸.•*¨*•(◕‿◕)¸¸.•*¨*•(◕‿◕)

Her POV

"Thanks Mom, Thanks Dad!" masayang sabi ko tsaka sila niyakap. Pinayagan lang naman kasi nila akong pumunta sa outing ng barkada sa Palawan, kaka-graduate lang kasi namin ng HS at magka-college na sa iba't-ibang paaralan kaya naisipan naming mag-outing.

"Oh I forgot to say, your kuya Josh will come with you." Dad said.

"WHAT?" OA na kung OA pero bakit naman sya kasama? Outing namin yun ng mga kaklase ko eh, akala ko magagawa ko na lahat ng gusto ko eh, akala ko kami-kami lang. may bantay na naman. UGH!

"Dad, bakit ko naman sya kasama?" inis kong tanong kay Dad.

"It's for your safety anak." Sabi ni Mom.

"Mom, he's not my safety kaya ko ang sarili ko." Sabi ko. Safety, safety pa silang nalalaman for peter's sake, kung alam lang nila kung ano ang definition ng safety ko.

"No anak he's going with you, whether you like it or not. Kung ayaw mo syang kasama then no outing." Sabi ni Mom.

"Bu-but Mom---. Fine!" wala naman akong magagawa eh.

Parati nalang ganyan, lahat ng lakad ko parati syang kasama. Kung nasan ako nandun din sya. Im 17 yrs of existence for Peter's sake at hindi na ako bata para sundan sundan. Ano sya? Body guard ko?

---

"Oh don't tell me, dito ka din sa kwarto ko?" sarcastic kong tanong sa kanya. Nandito na kasi kami ngayon sa Hotel dito sa Palawan

"Kung pwede? Hehe." sabi lang nya saka din naglakad pumunta sa kabilang kwarto.

"Kuya Josh dito ka nalang sa room ko, tabi tayo sa bed ko." rinig kong sigaw ni Bianca.

"No thanks Bian baka gahasain mo lang ako, ayokong mapunta sa iba ang virginity ko dapat kay baby Serrah lang." sabi nya tsaka naman nagkantyawan ang mga nakarinig. Asar!

Sinarado ko lang ang pinto ko tsaka nag-ayos ng mga gamit ko. Tatlong araw kasi kami dito at nasabi ko bang obsess na obsess sa'kin 'yang si Josh? Hindi naman sa ayaw ko sa kanya no, mean ayaw ko talaga sa kanya. He's 20, turning 21 this coming August. Matanda na sya para sakin no, hindi ko iniisip 'yon. Basta ayoko sa kanya.

"Serrah? Bakit ayaw mo kay Josh? Gwapo naman sya, matalino, mabait, gentle man at parating nanjan para sa'yo." Tanong ni Shiela, ka room ko sya dito.

"Yon na nga parati syang nanjan, nakakasawa na." sabi ko naman.

"nanliligaw ba sya?" tanong ulit nya.

"Hindi! hindi ko alam." Inis kong sagot.

"oh easy!" ngiting ngiting sabi ni Shiela.

"ewan ko sa'yo tara na nga, lakad lakad tayo." Sabi ko tsaka kami nagpunta along the beach

Naglakad-lakad na nga kami sa tabi ng dagat. Nang napagod kami ay umupo kami sa buhangin tsaka nagkwentuhan ng kung ano-ano.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now