CHAPTER 15

20K 310 9
                                    


Chapter 15

Clarisse's POV

It's been a week at maramiNg nangyari sa week na nakalipas. Kasali na dun ang masasabi ko ngayon na I'm starting to like my husband, oo like lang muna mahirap na kasi pag love agad. Hehe. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin eh.

Anong meron ngayon? Birthday ko lang naman. At dahil birthday ko ngayon ay nandito pa rin ako sa trabaho at parang normal lang na araw.

Bago ako umalis kanina sa bahay, wala na si Jeff at nag-iwan lang siya ng note sa ref na may emergency daw sa company nila. Okay lang naman sana yun eh pero ni hindi man lang niya ako binati sa personal, text o tawag, o kaya sa naiwang sulat man lang pero wala. Kaya eto ako ngayon malungkot.

Nakaupo ako ngayon dito sa table ko at nakatunganga lang dahil wala naman kasing utos na bago ang Boss namin eh.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you~" nagulat nang may biglang kumanta mula sa likuran ko kaya napatingin ako agad. May dala pa silang cake tsaka balloons, pagkatapos nilang kumanta ay may pinaputok pa sila.

"HAPPY BIRTHDAY CLARISSE!" sabay-sabay nilang saad.

"Thank you!" saad ko din

"Oh, mukhang malungkot ang celebrant natin ah, magwish ka muna bago mo i-blow yung candle mo." sabi ni sissy ko, kaya pumikit nalang ako at nagwish tsaka ko hinipan yung kandila.

'Ang wish ko sana, makita ko na si Mama.'

"Anong wish mo sissy?" tanong si sissy.

"Secret, baka hindi matupad eh." walang gana kong saad sa kanya.

"Kainan na nga." paiba niya ng usapan tsaka ini-slice ang cake na hawak niya.

"Hoy bakla, birthday na birthday mo ganyang yang mukha mo? Anong meron? Maghihiwalay na ba kayo ng asawa mo?" lokong saad ni sissy nang matapos niyang ini-slice ang cake na ngayon ay kumukuha na ang iba naming katrabaho habang kami ay nasa gilid nakaupo.

Mas nalungkot ata ako nang narinig ko yung 'Maghihiwalay na ba kayo ng asawa mo?' Oo nga, mahigit dalawang buwan nalang ang natitira sa contrata namin. Nakakalungkot nga talagang isipin oh.

"Ewan ko sa'yo. Uwi muna ako, ikaw na bahala magsabi sa kanila ah." sabi ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Ahy malungkot ang celebrant, sige bye, ingat." saad lang niya na hindi ko na pinansin dahil nagsimula na akong maglakad papaalis doon.

Ewan ko nga din kung bakit ako ganito kalungkot ngayon. Sa hindi ba pagbati sa'kin ni Jeff o sa nalalapit naming paghihiwalay?

Dumiretso muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay Papa. Nang makarating ako sa sementeryo ay dumiretso agad ako sa puntod ni Papa tsaka nilapag ang bulaklak saka umupo.

"Hello papa." bati ko agad nang pagkaupo ko saka hinaplos ko lang ang lapida niya kung saan nakasulat ang pangalan niya.

"Papa I miss you, I really really miss you, ito ang unang birthday ko na wala ka at ito ang first birthday na hindi man lang ako binati ng taong nagmamahal sa'kin in short, ito ang birthday ko na pinaka malungkot." nangingiyak kong saad.

"Alam mo papa sa buong buhay ko, hindi ko man lang naitanong sa'yo ang tungkol kay mama ni hindi ako nakinig sa mga kwento mo kung bakit iniwan niya tayo. Kasi masama talaga ang loob kong lumaki na walang ina eh, yung mga kaklase ko dati na panay ang tanong kung bakit daw wala ang Mama ko. Pero bakit hindi niya tayo binalikan? Ayaw ba niya sa'tin? Sa'kin?" hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko. Yung kinikimkim ko buong buhay ko? Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa nakaramdam ako ng antok kaya sinandal ko ang katawan ko sa tabi ng puntod ni Papa na puno tsaka pinikit ang aking mga mata.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now