CHAPTER 17

20.1K 303 9
                                    


Chapter 17

Clarisse's POV

"Saan tayo pupunta?" kanina ko pa paulit-ulit na tinatanong yan.

"Somewhere that we can relax and... Basta!" sabi lang niya

Napangiti nalang ako kahit wala akong kaide-ideya kung saan kami pupunta basta ang importante ay kasama ko siya.

*ring
*ring
*ring

"HonKo, paki-sagot." saad niya dahil nagda-drive siya. Sinagot ko nga ito at si Grandma ang kasusap ko ngayon at pinapapunta si Jeff sa companya nila dahil may emergency meeting daw sila.

Pagkatapos kong makausap si Grandma ay sinabi ko lahat kay Jeff ang mga sinabi ni Grandma. Naiinis pa si Jeff dahil bakit ngayon pa daw kung kailan may pupuntahan kami? Pero sa huli ay nag-u-turn din kami papunta sa opisina nila.

"Sure ka bang hihintayin mo ako dito? Pwede ka naman sa office kong mag-stay muna." saad niya, nandito na kami ngayon sa parking area nila at ayokong bumaba.

"Oo nga ang kulit naman. Baka hindi ka makapagtrabaho ng maayos pag nandun ako." biro ko

"Sabagay! Sige, pababantayan nalang kita sa mga guard jan tsaka wag kang lalabas ah, mabilis lang ako." sabi pa niya tsaka inalis ang seatbelt niya.

"Opo. Cge na punta ka na at kanina pa naghihintay si Grandma doon." sabi ko

"Wag kang lalabas ah! Baka nakawin ka nila sa'kin. Sige, see'ya later." saad niya then he gave me a peck on my lips saka tumakbo. Napangiti nalang ako nang makaalis na siya. Nilock ko lang 'yung sasakyan, ayos naman dito eh malamig kaya inaantok ako.

Nagising nalang ako na parang may humahalik sa'kin? Ano 'to panaginip? O baka naman may ng re-rape na sa'kin dito? Dali-dali ko namang dinilat ang mga mata ko. At isang lalaki lang ang nandito.

Ngumiti lang siya sabay sabing "Kailangan pala halikan kita para magising. Let's go HonKo, nandito na tayo." sabi niya at bumaba tsaka ako pinagbuksan. Nandito na kami? Ang haba pala ng tulog ko.

"Asan na ba tayo? Tsaka bat ang lamig pa din sumama na ba sa'kin ang lamig ng sasakyan?" tanong ko

"Nasa baguio tayo HonKo kaya malamig." sabi lang niya. "Ang haba kasi ng tulog mo eh, tara burnham muna tayo balita ko bagong palit yung tubig eh." sabi niya tsaka niya hinawakan ang kamay ko saka naglakad.

Marami pa kaming pinuntahang magagandang lugar dito, ang saya-saya nga eh lalong-lalo na kapag kasama mo ang lalaking mahal mo. Hihihi! Hapon na ng umuwi kami kaya gabi na ng makarating kami sa bahay tsaka hindi ko na din maalala kung bakit nandito na kami. Nagising nalang ako na nandito na kami sa kwarto namin.

Pagtingin ko sa katabi ko ay tulog pa din. Niyakap ko lang siya habang tinititigan ang mukha niya. Mula sa kilay pababa sa pilikmata at sa ilong niyang matangos at ang kissable lips niya pati sa baba at hanggang sa leeg niya. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

Pagkatapos no'n pataas naman pero pagkatingin ko sa lips niya nakangisi pero pagkatingin ko sa mga mata niya ay nakapikit pa din. Umupo na ako saka pinalo siya sa dibdib.

"Ouch! Ang brutal naman ng HonKo , ganyan na ba ang pag-gudmorning mo sa'kin?" saad niya at napaupo din mula sa pagkahiga.

"Eeehh, nakakainis ka naman kasi eh, gising ka na pala." inis kong saad.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now