CHAPTER 19

15.9K 240 8
                                    


Chapter 19

Shane's POV

Hello sa inyo, namiss niyo ba ako? Tagal ko ding nawala ano? Ganun talaga, busy eh. Tsaka I wan't to move on. Anyway, pumayag na ako sa gusto nilang maging parte ng fashion event nila tutal nandito naman na ako at tsaka para mapanuod din ako si bespren.

Kasalukuyang nandito kami ngayon ni Clarisse dito sa kwarto ko. Medyo okay na ako sa kanya. Tanggap ko naman na ang nangyari eh, kasi una sa lahat ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay.

"Mikmik, I miss you!"  pagkabukas ko palang ng pinto ay niyakap ko agad siya kaya nagulat siya pero niyakap din ako.

"Wow bespren! Oo na, I miss you too."  saad naman niya kaya bumitaw na ako sa pagkayakap ko sa kanya.

"Ah Mikmik si Clarisse pala, a friend of mine! Clarisse this is Mikael, my bestfriend." pakilala ko sa kanila pero nakatingin lang sila sa isa't-isa. Habang ako ay papalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. Okay! What's goin' on? Anong meron sa dalawang 'to?

"O-okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila. At dali-dali naman silang nag-iwasan ng tingin. "Magkakilala na ba kayo?"  tanong ko sa kanila

"Hmmm Shane, she's my ex? Si Joy?" sabi ni Mikmik.

Ex? Joy? Wait... Siya yung kinababaliwan netong bestfriend ko? Nakanganga lang ako dito na palit-palit pa din ng tingin sa kanila. At tumingin ako kay Clarisse.. parang nagtaaatanong ng 'what's the meaning of this?' look ko. Siya si Clarisse na asawa ng ex ko at sya ang mahal ng bestfriend ko? Anong meron sa kanya?

"Excuse me."  paalam ni Clarisse tsaka tuloy-tuloy na lumabas. Susundan sana siya ni m Mikmik pero hinawakan ko ang braso niya.

"Don't. pabayaan mo muna siya. Tsaka marami pa akong itatanong at sasabihin sayo."  sabi ko.

Mikael's POV

"Don't. pabayaan mo muna siya. Tsaka marami pa akong itatanong at sasabihin sayo."  sabi ni Shane. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nung makita ko ulit siya. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko, napipi na ata ako ng wala sa oras.

I miss those eyes. I just miss her so much!

"Hoy umupo ka nga!" natauhan lang ako ng nag-ingay si Shane. Kaya umupo lang ako sa sofa.

"So ibig mong sabihin siya si Joy na girlfriend mo? Este EX na pala." saad ni Shane. Tumango-tango lang ako. "So nagparaya ka?"  tanong ulit niya

"Oo, para sa future naman namin 'yong ginagawa ko eh." sagot ko sa tanong niya at tama naman diba dahil nagtatrabaho ako para sa future namin.

"Anong para sa future niyo ang sinasabi mo?"  tanong ulit niya

"Ewan ko sayo." sabi ko nalang

"Remember Jeffrey Kent?" tanong ulit niya. Jeffrey Kent? Parang narinig ko lang yung kung saan ah. Tumingin lang ako sa kanya na naguguluhan.

"Si Kent, my ex. Na may asawa na." dagdag niya

"Oh ano namang meron sa kanya? Nabawi mo na?"  lokong saad ko.

"Sira! Nagmomove-on na nga ako eh. Anyway yung asawa niya si Clarisse, si Joy mo." sabi niya

Anyway yung asawa niya si Clarisse... si Joy mo

Anyway yung asawa niya si Clarisse... si Joy mo

Anyway yung asawa niya si Clarisse... si Joy mo

"WHAT??" sigaw ko

"Anong what? Don't tell me na hindi mo alam?"  tanong niya

"Hindi nga, paanong- anong- bakit---"  hindi ko alam kung akong itatanong ko.

"Hindi mo talaga alam?" tanong niya ulit

Nakatulala pa rin ako dito. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko yung mga sinabi niya. At isa pa ayaw ata talagang pumasok sa puso ko yung mga sinabi niya.

"Don't tell me na siya dapat yung ipapakilala mo sa'kin dati?"  tanong ulit ni Shane. Tumango lang ako.

Ibig sabihin, kasal na siya dati? Ibig sabihin may asawa na siya noon pa? Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Kaya ba ayaw niyang pinag-uusapan ang kasal-kasal? Hindi! Hindi 'to totoo.  Kailangan ko siyang makausap.

"No! This can't be happening, you're lying."  saad ko saka  tumayo ako at lumabas na.

"What? Wait.. Mikmik, san ka pupunta?"  saad niya, pero hindi ko na pinansin dahil dumiretso na ako palabas at tumakbo para hanapin siya.

At nakita ko siyang naghihintay ng masasakyan niya sa labas, kaya dali-dali naman akong pumunta sa kanya. Pero ng makarating ako..

"Joy..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi nakayakap siya sa isang lalaki at umiiyak.. Sa sinabi ko, napatingin silang dalawa sa'kin.

"Mi-Mikael, I'm sorry." sabi niya habang lumuluha pa din.

"Why you didn't tell me?" tanong ko naman habang yung lalaki naman naguguluhan sa'min. At siya pala yung apo ni Mrs. Perez.

Yumuko lang si Joy. "Akala ko, akala ko kasi." hindi niya naituloy ang sasabihin niya

"Wait, ikaw yung ex ni Clarisse?"  biglang tanong ni Jeffrey. Hindi ako makaimik. Oo nga pala, ex na lang pala ako dito. At siya ang asawa.

Hindi ako makasagot kaya yumuko nalang ako.

Clarisse POV

"Hey, sabi ko na ikaw yan eh! Bakit ka--"  hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil niyakap ko na siya ng mahigpit tsaka sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"HonKo? What's wrong? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?"  Dire-diretsong tanong ni Jeff

"Nakita ko siya. Please, ganito muna tayo" sabi ko nalang.

"Okay!" sabi naman niya. Magkayakap pa rin kami nang may nagsalita sa likod ko.

"Joy..." boses yun ni Mikael na hingal na hingal kaya naman humiwalay na ako sa pagkayakap tsaka napatingin kaming pareho sa kanya. Anong sasabihin ko?

"Mi-Mikael, I'm sorry." sabi ko habang umiiyak pa din.

"Why you didn't tell me?" tanong niya.

Yumuko lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Akala ko, akala ko kasi." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita si Jeff.

"Wait ikaw yung ex ni Clarisse?" saad ni Jeff.

Walang umiimik sa'min, walang sumagot sa tanong ni Jeff.

"Mikmik, bakit ka ba--" si Shane, hingal na hingal din habang lumaki ang mga mata niya ng makita kaming lahat.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now