CHAPTER 2

31.4K 465 10
                                    


Chapter 2

Clarisse's POV

Katatapos lang ng deal namin at ngayon ay naghahanda ako ng iluluto ko para sa pang-gabihan namin habang siya naman ay nag-aayos sa kwarto dati ng papa ko na ngayon ay magiging kwarto na niya.

Haaay, namimiss ko na naman si Papa, bakit kasi ang aga mong kinuha ni lord sa akin? Huhuhu, naiiyak na naman ako.

May trabaho din naman ako kahit papano. Syempre I graduated as Fashion designer. I'm currently working at Trevish Company ang pinakasikat na Company dito sa Province namin. Hehehe. Malapit lang naman dito sa house ko este namin na pala. Nagmomotor nga lang ako papunta doon eh, Oo motor/scooter, wala kasi akong pambili ng kotse.

At si Jeff, ang alam ko lang sa kanya ay nagtatrabaho siya sa company ng Grandma niya, sosyal ang Grandma niya noh? Paboritong apo kasi.

Huhuhu, kinakabahan talaga ako, first time kong may kasamang lalaki dito sa bahay. Ayos naman nung si Papa eh, syempre papa ko yun eh.

"Huy may naiwan ka ata sa kwarto ko." nagulat naman ako ng may nagsalita sa likuran ko, sabay pakita ng silver necklace na half heart na may nakasulat na 'VER' ? hindi naman sa akin 'to ah. Kay papa..??

Nakatulala pa rin ako sa necklace habang iniisip kung kanino talaga ito, bakit hindi ko nakita to dati? "Sa-san mo 'to nakita.?" tanong ko

"Sa ilalim ng kama, nilapat ko kasi yung position nung kama ko." sagot niya.

"Thanks" sabi ko habang kinukuha sa kanya.

"Mukhang importante sayo 'yan ah. Bigay ng boyfriend mo?" tanong niya

"Oo, mukhang importante 'to, pero hindi 'to galing sa boyfriend ko" sagot ko naman

"Sa papa mo siguro yan 'no?" tanong niya ulit

Tumango-tango lang ako tsaka napatingin sa kanya. Wow! ang hot pala ni Jeff oh, nakajogging pants lang siya at nakasando. Wooooh ang init. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil muntik na niya ako mahuli.

"Hay namimiss ko na si papa." paiba ko ng usapan

"Ano 'yang niluluto mo?" tanong niya sabay lapit sa akin este sa niluluto ko pala, pero bakit parang sobrang lapit naman niya masyado sakin? Ramdam ko ang init nga naman talaga oh!

"Ah chi-chicken curry" bakit ba ako nauutal?

"A-ouch" huhuhu yan tuloy napaso ako. Ang init kasi ahy malamang kumukulo yun.

"Oh, di ka kasi nag-iingat, akin na nga 'yan." sabi niya sabay kuha ng kamay kong napaso at hinugasan niya sa may faucet.

Woooh ang lapit na niya talaga sa akin, para na nga siyang nakayakap sa akin eh. iiihhhhh.....

"Oh, okay na?" tanong niya, shocks nakikiliti ako, bakit ba kasi nagsalita siya sa bandang leeg ko?

"Ah okay na." sabi ko nalang at umiwas na sa kanya, ng biglang

Ding

Dong

Ding

Dong

Napatingin kaming dalawa sa may pintuan.

"Ako na ang magbubukas." presinta ko. Dali-dali naman akong pumunta sa may pintuan para pagbuksan kung sino man yun.

Pagbukas ko..

.

.

"Grandma? Anong ginagawa niyo dito?" gulat kong tanong tsaka nagmano.

"Ganyan ba ang pagwewelcome sa bisita mo iha?" pabiro niyang sabi

"Hindi naman sa ganun Grandma, pero hindi man lang kasi kayo nagpasabi o tumawag man lang para nakapaghanda kami ng pagkain." palusot ko

"Hindi naman ako mapili sa pagkain iha eh, tsaka ito ang sinasabi nilang 'surprise visit'." ang cool ni Grandma diba?

"Oh Grandma, what are you doing here?" tanong naman agad ni Jeff nung nakarating kami sa dining table.

"Hay 'tong mga batang to talaga, bumibisita lang ako sa inyo. Gumagwapo ka ata apo ko ah?" sabi niya kay Jeff. Gwapo na nga, gumagwapo pa?

"Grandma naman alam ko na 'yan dati pa." sabi naman ni Jeff, yabang!

"Baka nagugutom na kayo Grandma, may niluto po akong chicken curry jan." pag iiba ko ng usapan. Baka kasi bukas pa kami makakain sa kahambugan ng asawa ko. Shock! 'Asawa ko?' Ang weird pakinggan.

"Ay oo nga pala mukhang magaling kang magluto iha ah?" sabi nya sa akin pero ngumiti lang ako

At hinanda ko na ung mga kailangang handa.

"Pasensya na po kayo Grandma ah, ito lang po kasi niluto ko." sabi ko

"Ayosh lang, ang sharap nga eh." sabi niya habang ngumunguya.

"Grandma, don't talk when your mouth is full, para kayong bata." sabi naman ni Jeff, hehe nakakatawa sila. close na close talaga sila eh.

Pagkatapos lunukin ni Grandma yung kinakain niya, saka siya naman siya ulit nagsalita.

"Oo apo alam ko yun, nasiyahan lang ako kasi masarap pala magluto 'tong asawa mo. Mukhang tataba ka dito apo ah." biro ni Grandma "Swerte mo naman apo sa asawa mo, maganda na, magaling pang magluto." sabi ni lola

"Hehe, thank you Grandma." sabi ko nalang at napatingin ako kay Jeff, nakatingin din pala siya sa akin.

Yan ang awkward na tuloy, kaya kumain nalang ako.

Ganito pala ang pwesto namin....

Jeff

Grandma (table)

ako

Wala ng nagsalita sa amin, hanggang sa natapos nang kumain at si Grandma lang ulit ang nagsalita.

"Hay, ang sarap talaga, nabusog ako dun ah. Salamat iha ah." sabi ni lola

"Welcome po." sabi ko nalang

"Hala 8:50 na pala, ang bilis talaga ng oras kapag masaya tayo ano? Pwede bang bukas na ako umuwi at itatanong ko lang sa'inyo kung pwede bang makituloy muna ako dito sa bahay niyo ngayong gabi? Kung ayaw nyo naman maiintindihan ko naman kayo, alam niyo na bagong kasal."  at humagikgik pa si Granma na mukhang kinikilig. Habang ako ay mga ilang minuto kong inisip kung anong ibig niyang sabihin.

"Ahh sa guest room Grandma." sabi naman ni jeff

"Sige salamat mga apo, pwede niyo ba akong ihatid sa kwarto ko at inaantok na ako. May pajama ba dun?" tanong ni Grandma

"Sige po, buksan niyo nalang po yung wardrobe dun may mga bago doon na hindi pa nagagamit." sabi ko bago sila umakyat sa taas. Habang papaakyat sila ay naisip ko yung nasa kontrata namin kaya agad akong napatingin kay Jeff na nakasunod kay Granma.

At ang loko, nakatingin din sa'kin habang nakangisi na parang may binabalak. Harujusko! Tototohanin kaya niya ang nakalagay sa kontrata?

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now