CHAPTER 36

13.3K 170 6
                                    


Chapter 36

Shane's POV

"Nay Rose kaw muna bahala kay Josh ah may pupuntahan lang ako." paalam ko kay Nay Rose

It's been 2 years at nandito na ulit ako sa Manila, last month lang ulit kami bumalik dito sa Condo ko. Yes, kami. Ako, si Nay Rose and my baby Josh.

Tinatanong nyo kung sino si Josh? Well, apparently he's my SON. Anak namin ni Mikael pero hindi naman niya alam na may nagbunga sa ginawa namin so wala siyang alam na may anak kami kasi nga diba ang alam niya walang nangyari.

He's Mike Joshua Villafuerte Josh for short and he's turning 2 next month, nakakapaglakad na pero bulol pa magsalita.

"Sige iha, ingat ka." sabi naman ni Nay Rose, tita ko siya pero Nay Rose ang tawag ko kasi malapit kami sa isa't-isa at buti nalang pumayag siyang alagaan si Josh at sumama sa'min dito sa Manila.

Kaya lumabas na ako dahil tumawag kasi si Boss kanina at may project daw kaming magazine. Yes. Tuloy pa din ang modeling career ko pero hindi alam ng mga tao na may anak na ako, ang alam lang nila ay nagbakasyon ako dati at bumalik ulit.

"I'm sorry I'm late, traffic kasi eh." sabi ko agad nung nakarating ako.

"It's okay, on time naman iha." saad niya ng makita ako. "Okay, let's start guys." sigaw niya sa mga staff.

Well ako lang naman kasi ang cover ngayon sa Summer Spice Magazine with the guy over there na hindi ko pa kilala but he's good looking and hot.

"Oh siya pala ang partner mo, si Michael Gonzales. Michael meet Shane." saad ni Boss

"Hello, nice meeting you. You really look beautiful in person." sabi naman niya. Tss, bolero, playboy siguro 'to.

Nginitian ko lang siya at nagkamayan lang kami.

"Thanks, nice to meet you too." sabi ko nalang din

Okay, he's handsome but I don't care. I have my son. Hehe, mas gwapo si Josh. Pumasok na ako sa dressing room ko at inayusan na.

"Okay, let's get started." sabi naman ni Boss ng makita akong palabas ng dressing room. Kaya naman dumiretso na ako sa harap dahil nandun na din si Michael tapos na siguro yung solo shots niya.

Oo na, siya na ang gwapo at cool.

"Let's take the cover first." sabi ni Mr Photographer

Nung una ilang na ilang kami sa isa't-isa pero dapat hindi kasi trabaho lang ito eh.

"Michael put your right hand on her waist." sabi ni Mr Photographer kaya nilagay naman ni Michael 'yung kamay niya

"Good!" sabi pa ni Mr Photographer.


"Now Shane, hug Michael at yung mukha niyo parehong malungkot." sabi niya ulit kaya naman ginawa lang namin, niyakap ko siya at pumikit nalang ako.

"Perfect!" sigaw ni Mr Photographer.

"Now, Michael do a backhug on Shane." sabi ni Mr Photographer. Ginawa naman niya agad ang sinabi ni Mr Photographer.

"That's great! Perfect!" sigaw ulit ni Mr Photographer.

Hanggang sa natapos na ang Photoshoot namin.

"Good job guys!" sigaw ni Boss na nasa gilid.

"Ihanda niyo ang sarili niyo baka sa paglabas ng issue na ito ay madaming magtatanong tungkol sa inyong dalawa. You know what I mean." saad ni Boss

"Hindi naman siguro." bulong ko..

"Sige bye guys." paalam ni Boss sa'min.

Pumasok na ulit ako sa dressing room para makapagpalit. Nang nakabihis na ako ay lumabas na ako at naglalakad palabas.

"Hey, uuwi ka na?" napaharap lang ako sa likuran ko ng may nagsalita. Si Michael pala.

"Oh oo." sabi ko nalang at naglakad ulit.

"Hatid na kita." alok niya


"Thanks, but I have my car with me." sabi ko at naglakad nalang ulit.

"Ooooh, can we go out tomorrow instead? Wala ka namang gagawin siguro diba?" tanong ulit niya. Makulit pala 'tong lalaking 'to?

"Hmmm, sige pag-iisipan ko pa." sabi ko nalang hanggang sa papasok na sana ako sa sasakyan ko nang hawakan niya ang braso ko

"Hey Shane, can I have your number?" biglang tanong niya, binigay ko nalang dahil hindi din naman kasi ako titigilan ne'to hanggang hindi niya nakukuha diba?

At nung nakapasok na ako sa sasakyan ko ay nilagay ang seatbelt ng biglang tumunog ang cellphone ko.

From: 090588*****

Tomorrow hah?
-Michael

Mareplyan nga.

'Friends na ba tayo?'
-Sent

At nagreply agad ang loko..

From: Michael

-Kaya nga niyayaya itang lumabas para makipag kaibigan.


At ang reply ko lang ay,

'Okay'
-Sent

From: Michael
So payag ka na? Sunduin kita?

Syempre ni-replyan ko naman.

Oo na, kita nalang tayo sa Starbucks 9am
-Sent

From: Michael
-Okay!

At pinaandar ko na ang sasakyan. Pagkarating ko sa condo namin.

"Hi Baby, hmmm baho mo na." sabi ko kay Josh habang inaamoy yung tyan niya habang siya ay tumatawa lang.

"Hihihihi! Mommy naman!"  hagikgik niya

"Nanjan ka na pala iha, papaliguan ko na sana si Josh nakahanda na yung panligo niya doon." sabi ni Nay Rose

"Ako nalang po magpapaligo Nay, salamat." sabi ko nalang saka binuhat si Josh papuntang banyo. Nung nasa banyo na kami habang sinasabon ang katawan ni Josh..

"Iha celpon mo tumutunog." sabi ni Nay Rose habang hawak-hawak ang cellphone ko.

"Paki tuloy nalang po Nay." sabi ko nalang at binigay sa kanya yung sabon.

"Hello?" sagot ko


(Uy bespren, long time no talk.) sabi lang niya, boses palang alam ko na kung sino 'to.

"Oh napatawag ka ata?" sarcastic kong saad.

(Masama bang tawagan ang pinakamamahal kong bespren?) sabi lang niya

"Hay naku tigil tigilan mo nga ako jan, anong kailangan mo?" tanong ko, bitter ako eh.

(Ito naman, uuwi kasi ako sa Wednesday pwedeng makituloy muna jan sa Condo mo?) tanong niya

Uuwi siya? Sa condo ko? NO!

(Uy bespren.) napitlag lang ako ng magsalita ulit siya.

"Ah, ano hindi pwede.. kasi ano, magulo. Hanapan nalang kita." sabi ko nalang

(Okay. Sige bye, see you soon.) sabi niya

"Bye!" sabi ko nalang saka pinatay.

Uuwi siya? Sasabihin ko ba? Baka hindi siya maniwala at masasaktan lang ako lalong-lalo na si Josh. At ayokong mangyari 'yon.

Bahala na...

----


soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now