CHAPTER 63: With Her

1.7K 75 8
                                    

I was expecting an awkward silence between the two of us after our deep conversation with each other, but no, it did not happen.

It never happened.

Magkahawak ang kamay na bumalik kami kung nasaan nakapwesto ang mga kaibigan namin. Likod palang nila nakikita ko, kinakabahan na agad ako.

Lynpen is the first one who saw us, and her jaw automatically dropped after noticing our hands together. Sumunod si Sabrina na naibuga pa ang iniinom na alak sa katapat niya ulit na si Linken. Nandito narin si Gail na hindi makapaniwalang nakatingin saamin.

"Hi," I smiled awkwardly.

"Did we skip a chapter?"

"More like a whole season," Van sarcastically responded to her.

"I will just talk to them," nilingon ko si Kaori na tinanguan naman ako.

Kagat ang ibabang labing lumapit ako sa mga ito para makipagbeso at magpaalam. Gail rolled her eyes but smirked before letting me kiss her on the cheeks. Sunod kong nilapitan si Lynpen na may naglalarong ngiti rin sa labi akong tinitignan. 

"That was fast,"

"She talked to me first," I whispered, containing myself from smiling as I kissed her cheeks. 

Vixen and Nicholas are just quietly looking at me, but it's evident on their faces how shocked they are too. Si Axel naman, tumba na sa lounge, katabi ng kaibigan kong half awake na si Linken.

Hindi ko pa nalalapitan si Sabrina, nagsalita na agad ito.

"Sayang naman, nag comeback. Akala ko oras ko na e."

"Fix your fucking mouth, Sabrina." Gail glared at her, but she just smirked. 

"Basta ha? Contact mo lang ako pag nag-away kayo. Comfort kita gano'n." Tapos siya ang nag initiate sa paghalik saakin imbis na ako dapat ang gagawa nun sa kaniya.

I pushed her face away.

"Ugali talaga nito," Linken whispered, shaking his head disappointedly, referring to Sabrina's action. 

Hinubad ko yung suot na cap ni Sabrina para guluhin ang buhok niya. This girl is really into something. It's too obvious. She's literally doing this on purpose to make Kaori's blood boil.

"Effective 'no?" Patawa-tawang bulong niya pa ulit.

"Sabrina, kapag sinapak ka ng girlfriend niyan, sasabihin ko deserve." Lynpen pulled her away from me.

Pagtapos magpaalam sa kanilang lahat, nagpunta na ako sa tabi ni Kaori na kinakausap na ngayon ni Van. When she saw me walking towards her, she raised her hand a little bit for me to hold her there. Tinanguan niya ang mga kabanda niya tapos ay tumingin sa'kin.

"Let's go?"

I nod my head. "Let's go home."

I can't believe this is actually happening right now. Just how quickly has the situation changed? Pwede pa pala? Buong akala ko.. wala na talaga. Ayoko pa ngang pumunta rito kanina, kasi iniiwasan ko siya, tapos ngayon, magkahawak kamay na kaming dalawa.

I chuckled. To be honest, I think this is all because of Sabrina's actions. That girl triggers something inside of Kaori. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami makakapag-usap.

"You're with your car?"

Shit! Oo nga pala! Sayang! Dapat pala hindi ko nalang dinala.

No choice, magkahiwalay kaming bumyahe at hindi ako nakasabay sa sasakyan niya. Nasa may likuran niya ako, siya ang nauuna kasi sa penthouse niya kami papunta. She asked me to stay at her place for tonight, and who am I to say no? 

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now