CHAPTER 2: Confused

2.5K 104 7
                                    

"What the fuck are these?!" Binato ko sa loob ng kwarto ni Kaori ang mga printed stolen pictures ko na nakikipag halikan sa lalaki.

"I have no time for this-"

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya nang umasta siya na parang sasaraduhan ako. The audacity of her to do that?!

"Ano?! Hindi ka lang sipsip, part time investigator ka rin?! Secret agent tapos si Papa ang boss mo gano'n?!"

Wala si tita Kelly sa loob, ang nanay niya, kaya nagagawa kong sigaw-sigawan s'ya. Of course I will not do that Infront of tita 'no! Mabait at caring saakin ang isang yun. Hindi pa pakielamera unlike her daughter.

"Are you fucking kidding me?" Hindi makapaniwalang ibinulong ko sa hangin dahil naupo lang s'ya sa upuan tapat ng pc at nagsuot ng headphones. Na parang walang kumakausap sa kan'ya ngayon!

Sa sobrang inis, binato ko s'ya ng librong nadampot ko.

"Ano ba?!" She exclaimed.

First time 'to. First time niya akong sinigawan after a years of us not talking kaya medyo napaatras ako sa gulat at kinabahan.

"I said, what are these?!" Pinakita ko ulit ang mga pictures. Kunwari hindi takot.

"Anong what are these? Ikaw yung nakikipaghalikan sa mga lalaki mo d'yan tapos itatanong mo sa'kin kung ano 'yan?"

"Are you dumb?!"

"Look whose talking..."

"Shut up! I know ako yung nasa pictures! What I'm trying to say is bakit mo ako kinuhaan ng pictures while kissing boys!"

Iritado niyang tinanggal ang headphones at lumapit saakin. Nakaharap na siya ngayon unlike kanina na likod ko lang ang nakikita niya.

"Inutusan ako ni tito na sundan ka. Of course I'm going to take pictures of you to give him an update."

"Pero bakit habang nakikipag halikan ako?!" Nanggigigil talaga ako sa kan'ya!

"Not my fault anymore " She even raised her both hands. Na parang wala lang sa kan'ya to!

Kumunot ang noo ko.

Hindi ba s'ya nag-iisip? We're talking about my dad here! Ang awkward makita na may ganitong klaseng pictures yung daughter mo! 'O baka naman hindi niya 'yon alam dahil wala siyang tatay?

Isa-isa ko itong dinampot lahat tsaka ito pinagbabato sa kaniya. Ginigigil mo talaga ako, Kaori!

"Pwede mo namang dugain! Sana sinabihan mo ako na pinapasundan ako ni Papa para sa library ako nagpunta buong week-"

"Shut the fuck up." Binato n'ya rin pabalik saakin ang mga pictures. "Hindi ko kasalanan kung 'yan yung nakuhaan ko ng litrato, okay?"

"Of course, it's your fault! Sipsip ka! Papansin ka! Lahat na nasayo! Sana sinabihan mo muna akong-"

"BUSY DIN AKONG TAO!" Parang kidlat sa lakas na sigaw n'ya.

Natahimik ako at bumigat ang paghinga. Oh God.. she's really mad.

"Sa tingin mo ba magsasayang ako ng oras para lang sundan ka? Nakiusap saakin si tito na mag report sa kaniya ng mga pinagkakaabalahan mo dahil nag-aalala siya sa mga bumababa mong grades! Sa mga.. mga palakol mong grades!"

I looked away.

"Nagkataon lang na nung gabing sinundan kita, e 'yon yung gabing napili mong makipag sunggaban d'yan sa mga lalaki mo." She said with disgust.

"W-What?"

"I said what I said. Now, alis, at dalhin mo 'tong mga basura mo." Isa-isa niya itong dinampot at sapilitan akong itulak palabas ng kwarto n'ya.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now