CHAPTER 3: Mad

2K 93 12
                                    

Nanatiling nakatayo ang Catrina na ito sa harapan namin habang bitbit-bitbit ang walang lamang tray sa kamay n'ya. Jusko, kung she's planning to get her food bakit hindi n'ya pa gawin? Nabanggit lang isang beses yung pangalan, kinausap na agad kami?!

"No, we're not." Ako ang sumagot.

Tumagal ang titig n'ya sa'kin bago magsalita.

"Are you sure? I bet you guys are talking about me. Nandiyan pa naman si Gail." Mataray nitong tinapunan ng tingin ang kaibigan ko.

I chuckled. Wait a damn minute! Halos malaglag ang panga ko. She's this brave para iconfront si Gail? That's freaking new.

May naglalarong ngisi sa labi kong binalingan ng tingin si Gail para abangan kung ano ang isasagot niya. Madiin na ang kapit niya ngayon sa kutsara pagtingin ko sa kaniya. Oh God, I knew it! she's already fuming.

"Excuse me, but I will never waste my saliva only to talk about you."

Ayun na nga! Tuluyan na akong tumawa. Nagtama pa ang paningin naming dalawa ni Kaori. She has this bored expression on her face again.

"Gutom na ako, tara na." Bulong niya kay Catrina na hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Ano bang gusto mo?" She asked. Sumunod agad at binalewala kami.

"You see what happens when you open your mouth, Linken?" Pagpapagalit ni Lynpen dito bago galit na subuan ng buong donut si Linken sa bibig. "Chew it."

Nakanguso ko namang pinagmasdang pumila yung dalawa. They're really close, huh? Bakit?

"She's so pressed because of what I did to her bag. What a loser, kung gusto niya bilhan ko pa siya ng bago."

"Gail." Lynpen called her.

"What?" Ngumuso ito. "Fine, I'm sorry."

See? Taob diba? Ganiyan na ganiyan kaeffective powers ni fairygodmother namin.


***

"Hi Tamg! Saan punta mo?"

Kumunot ang noo ko nang harangin ako ng grupo nila Kian. Siya yung lalaking kahalikan ko sa pictures na pinadevelop ni Kaori at pinakita kay papa.

"I'm not in the mood, Kian."

"Oh? Bakit naman gano'n? Parang nung isang araw lang nagkakamabutihan pa tayo?" Hinarangan n'ya ulit ako. Nagtawanan naman ang mga kasama n'yang tropa sa likuran.

I sighed.

He still wants to play games with me? After being aware of how big my issue is right now?

I playfully smirked. "Why? Do you want us to continue what we have that night?" I gave him an innocent look while closing the distance between us.

Natigil lang nang bigla akong hilain ni Kaori palayo rito.

"Nandiyan na si Manong." Madiin na sinabi niya saakin.

Wala sa sariling napatango ako. Dahil nga mukhang badtrip siya, hindi na ako sumubok pa na suwayin siya. Kahit na nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya. Kailan pa siya napunta d'yan?

"Ano ba 'yan! Tatawag ako ah!" Sigaw ni Kian mula sa likuran namin. Rinig na rinig ko parin hanggang ngayon ang reklamo at inis na bulungan ng mga tropa niya, kesyo panira raw yung kasama ko. "Tamg! Tatawag ako ah!"

Wala naman akong planong lumingon para sumagot dito pero si Kaori, hinawakan ulit ako sa bandang pulso at saka ako mas mabilis na hinila paalis doon.

"Aray! Dahan-dahan naman! Bakit ba parang galit ka?!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Namumula narin kasi ito dahil sa higpit ng kapit niya.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now