CHAPTER 12: No Choice

1.4K 79 1
                                    

"What are you still waiting for? Tara na."

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sundin s'ya. Kaori is forcing me to go home early with her. What's her reasons? I don't know.

"Tagalan mo pa." Pagtataray n'ya habang pinanonood akong bumaba sa tree house.

I glared at her. Bwisit ka! Kung gusto mong umuwi nang maaga huwag mo akong idamay!

"Can't you wait?" No choice na sagot ko.

Inalukan n'ya ako ng kaliwang kamay para tulungan sa pagbaba pero hindi ko ito tinanggap. Kahit na nahihirapan akong bumaba, hinding-hindi ako tatanggap ng tulong galing sa kan'ya 'no. Ngayon pa? Pagtapos n'ya akong i-blackmail? Kapal ng mukha!

"Tss," nauna s'yang maglakad, sumunod naman ako. "Magpapaalam lang ako saglit kay Khairo. Ikaw din, magpaalam ka na muna sa mga kaibigan mo. Pagtapos nun, uuwi na tayo."

Kung makapagsalita akala mo boss ko. Baka nakakalimutan n'yang nakikitira parin s'ya sa bahay namin? At nagtatrabaho si tita sa bahay namin?

I just rolled my eyes. Kung pwede ko lang talagang sabihin yun sa kan'ya.

"Narinig mo?" She asked. Iritado akong tumango nang lingunin n'ya ako. "I need an audible answer."

Ang arte naman!

"I said fine. Uuwi ako nang maaga at dito tayong dalawa magkikita sa pinto. Ano pang gusto mo?"

She stared at me for a second before going inside of her friend's house. Hindi manlang ako hinintay? Ang pangit talaga ng ugali ng isang yun kahit kailan!

Pumasok na rin ako dahil wala namang mangyayari kung mag-iinarte pa ako.

Hindi pa nakakaabot sa pinaka loob, nilapitan at kinausap kaagad ako ng ilang mga nakakakilala saakin. They're asking me if I'm okay. Oh shit. Oo nga pala, nakalimutan kong gano'n nga pala yung eksenang iniwan ko bago mangyari ang lahat ng ito.

"I'm fine, thanks sa concern though," I forced a smile.

Sa internet lang naman ako madaming basher, e. Pero in real life, mahal na mahal ako ng mga nakakakilala saakin. I'm a friendly and dynamic person. Hindi rin naman ako killjoy at lalong hindi masama ang ugali ko.

Yung tungkol naman sa cheating issues ko 2 years ago, buhay parin s'ya hanggang ngayon. Ipinagtanggol ko ang sarili ko tungkol doon kaso ayaw maniwala ng mga tao sa internet. Sabi nila kahit wala raw kaming label, basta nag entertain ako ng tao, matatawag na cheating parin yun.

"Sige, mag-iingat ka ha?" Sofia kissed my cheeks.

I sighed.

Nasaan na ba si Kaori? nakapagpaalam slash kuwentuhan na ako lahat-lahat kay Sofia, wala parin s'ya.

Naupo na muna ako sa sofa at dito uminom ng beer habang naghihintay sa hapones. Tanaw ko mula rito ang pinto kaya malalaman ko kung nandoon na ba s'ya o wala pa. Ayoko namang maghintay nang nakatayo kaya rito nalang ako sa sofa.

"Hey,"

Muntikan akong masamid dahil sa pagsulpot ni Dicksen. Lumingon-lingon ako sa paligid nang tabihan niya ako. Is he crazy?! Kakasabi ko lang sa kan'ya kanina sa chat na ititigil na namin kung ano man ang namamagitan saaming dalawa!

"I missed you-"

"You're drunk." I immediately pushed his face away.

I fucking knew it. Lasing ang isang 'to! Amoy na amoy ko ang alak sa kan'ya. Kahit ang mukha n'ya, namumula na.

I was about to stand up when he held my hand and pulled me, paupo sa tabi n'ya.

"Tangina naman," problemadong mura ko. Bakit ngayon pa?!

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin