CHAPTER 45: Start Over Again?

1.4K 79 1
                                    

"I didn't know you guys had a thing," nagsalita ang katabi kong si Vixen. "Akala ko simpleng friendship breakup lang, hindi ko inakalang mas malalim pa pala dun." Anito habang binubuksan ang water bottle niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.

Nandito ako ngayon sa studio nila, inaya ako ni Kaori na sumama dahil kakain raw sila mamaya. Tutal wala naman akong ibang gagawin ngayong week, pumayag na ako.

"Nagulat ka ba?"

"Sinong hindi? Si Kaori naiintindihan ko pa kasi halata naman sa kan'yang hindi lalaki hanap niya. Pero ikaw? Ang unexpected bro."

Tumawa ako.

Mag-iisang linggo na simula nung gabing may mangyari saamin ni Kaori sa loob ng convenience store. Palaging sa chat kami nag-uusap, busy kasi ang schedule ko nung mga nakaraang araw, at hindi ko pa kayang makipag kita sa kaniya.

"Buong akala ko nga, mag pinsan kayo e,"

Kumunot ang noo ko. "Mag pinsan?"

"Oo, sabi ni Catrina." He nodded his head. "Naaalala mo nung birthday ni Khairo? Akala ni Zia mag pinsan kayo diba? Ang totoo niyan, akala ko rin. Actually, akala naming lahat."

"That's nonsense; we're not biologically related to each other."

"Dapat lang, that's disgusting," he said as he rolled his eyes.

I was about to respond to him when Kaori suddenly came into my sight. Sa kaniya tuloy napunta ang paningin ko. She's now walking in our direction, all eyes on me. She stopped when she reached us and then turned her gaze at Vixen.

"Why are you talking to her?"

"Kung makatingin naman," Vixen chuckled. "May tinanong lang ako. Huwag possessive masyado."

Kaori rolled her eyes before pushing him away from us. Nang makalayo na ito saamin, dito niya na ako sinimulang dikitan.

"Do you want to ditch them right after we arrive at the mall?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit natin gagawin yun? Akala ko si Van ang gagastos?"

"I have my own money, you know?" Her voice was very sarcastic. "I can treat you too. Let's ditch them, tayo nalang dalawa magkasama."

Demonyo talaga! Lahat gagawin para masolo lang ako? Charot! Pasalamat siya naiilang pa ako medyo. Kapag nawala na 'tong ilang ko, raratratin ko talaga siya ng pang-aasar.

"Sige," sagot ko sa suhestiyon niya. Kung yun ang gusto niya, edi dun narin ako. Mukhang masaya nga ang offer niya dahil walang istorbo.

Passenger princess ang ganap niya sa'kin kanina sa loob ng sasakyan ko, behave na behave na nakaupo sa tabi ko. Gusto ko ngang asarin kaso sa susunod na, hindi pa kami gaanong close.

Sa kalapit na mall ng studio nila kami nagpunta. Hindi pa nakakapag-park sila Van, pumasok na agad kami sa loob. Inuna naming kumain sa bonchon dahil pareho kaming gutom na dalawa. Pagtapos nun, nagpunta kaming arcade para dito magpatunaw ng kinain.

"Luh? Ano 'yan?! Ang dami namang tokens binili mo!" Malakas ko siyang hinampas sa balikat.

Pero kaagad din akong natigilan pagtapos mapagtanto ang ginawa. Shit! Kusang gumalaw ang kamay ko!

"S-Sorry," nahihiyang bulong ko nang titigan niya lang ako habang nakatayo na parang isang poste. "T-Tara! Tara na, maglaro na tayo. Ang dami mo pa namang binili, mahirap ubusin lahat ng 'to!" Nginitian ko siya.

Teh? Limang tig lilimang daan ang binili niya! Sira ba ulo nito? Buti sana kung may mga anak kaming pwedeng pagbigyan nito e.

"Wow! Ang galing!" Puring-puri ko na agad siya, wala pang isang minuto. Pa'no ba naman kasi? Sunod-sunod sa pagpasok yung bola sa ring, walang kahit na isang tumatalbog patagilid, o di kaya naman ay namamali ng landas.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now